MUKHANG walang silbi kung magpapahuli man si Angelu ng labas ng classroom para lamang makaiwas kay Nick. Dahil ang lalaki ay nasa loob pa rin. Parang sadyang hinihintay siya. Boy, he was standing near the door way. Para pa nga itong modelo dahil bahagya itong nakasandal sa pader, habang ang jacket ay nakasampay sa balikat. Napakaguwapo talaga ng lalaking ito. Taglay ang hindi matatawarang personalidad, humihigop iyon ng atensiyon.
"Mauna na ako," nakangising wika ni Wena sa kanya. Bahagya nitong inginuso ang kinatatayuan ni Nick. As if she didn't know he was standing there. Hello, pati yata dulo ng buhok niya ay aware sa binata.
"Ano? Huwag na huwag kang magkakamaling iwan ako," sita niya rito. Nagpa-panic si Angelu. Kinakabahan, pero hindi kaba ng takot. Ikinawit niya ang isang braso sa braso ni Wena para hindi ito makaalis ng wala siya. "Tayo na." Hindi pinapansin si Nick na tinumbok nila ang pintuan.
"Hi, Wena," narinig niyang bati ni Nick sa kanyang kaibigan.
Ang sisteng kaibigan niya at parang kiniliti ng sampung anghel. Parang gusto pa nga 'ata nitong mamilipit sa kilig. "Kilala niya ako," kinikilig na bulong nito.
Bakit naman hindi siya kikiligin, Angelu? Tanong ng isipan niya. Lalo na kung nginitian siya ni Nick. Iyong ngiti na nakita mo kanina.
All right, Nick's physical features alone were deadly. Doon pa lang ay nagkakagulo na ang mga babae. Pero kung hindi ka makukuha sa kaguwapuhan nito, lalambot naman ang tuhod mo sa ngiti nito.
"Hi, Anj," sabi pa nito.
"Hi, Nick," tugon ni Wena pero sa kanya nakatingin. Ngising-ngisi ito sa kanya. "Pauwi ka na rin?"
Makukurot na talaga niya sa singit si Wena. Hayon at tumigil pa ito sa harapan ni Nick. At dahil nakaangkla sa isa niyang braso ang isa nitong braso ay napilitan rin siyang huminto sa paghakbang. Hindi siya makatingin kay Nick. Para siyang ninenerbiyos na hindi mawari. Somehow, para ngang nahihiya rin siya. Hindi niya maintindihan ang mga pakiramdam na iyon. Ang weird lang.
"Yeah. And I'd like to offer you both a ride. Ihatid ko na kayo, Ladies?"
"Su—"
"No, thanks," maagap niyang sagot. Bahagya niyang siniko si Wena. Lekat na ito at papayag agad! Hinila na niya ito palabas.
"Some other time na lang, Nick," pahabol na wika ni Wena. Mas lalo tuloy niya itong hinila palayo.
"Sure," tugon ni Nick. "Keep safe, ladies." Mukhang hindi naman na ito sumunod sa kanila.
"Hoy," mahinang sita niya rito. "Kakikilala mo lang doon sa tao, sasama ka na agad? Wena, hindi ka ba nanonood ng TV? Girl, kabi-kabila ang mga balita tungkol sa mga kababaihang napapahamak dahil sumasama sa mga hindi nila kilala."
"Iyong tipong iyon ni Nick? Anj, siya 'yong tipong nagtatanggol, hindi nangmomolestiya," pagtatanggol ni Wena.
"How did you know? Hindi mo nga siya kilala! Maliban sa pangalan, hindi na natin alam kung sino siya," pangangaral pa niya. "Huwag agad magtiwala sa mga estranghero, remember?"
"Ever heard of the thing called First Impression? Haler!"
"First impression? It never lasts," pakli niya. Na agad din namang kinontra ng isipan. Exactly, Anj. Kung ang first impression mo sa kanya ay mayabang siya eh baka hindi naman talaga siya ganoon. Ikaw naman, nanghusga ka kaagad...
"Ah, basta! Tean Nick ako," anito. Pagkuwa'y tinitigan siya nito. Iyong klase ng tingin na parang ina-assess siya. Gusto tuloy niyang mailang. "Alam mo, kapag hindi mo gusto ang isang lalaki, hindi ka naman ganyan kung mag-react ah. Either, dedma lang. O 'di kaya ay para kang amasona sa tapang mo. Pero ngayon, parang naiinis ka na umiiwas ka na. Parang gusto mong palabasin na hindi mo siya type pero parang hindi ganoon ang sinasabi ng body language mo at ang kislap ng mga mata mo... Hmmm." Ngumisi ito. "Gusto mo lang bang patunayan na hindi ka katulad ng mga babaeng agad nahuhumaling kay Nick?"
Angelu doesn't like Wena's stare. Para siyang kung anong alien na sinusuri nito. And yet, if truth be told, she knew Wena was right with her observations. Hindi niya maitanggi ang sinabi nito.
Huminga siya nang malalim. "Ewan ko. Oo, naguguwapuhan ako sa kanya. Pero nayayabangan din naman ako sa kanya."
"Sa palagay ko naman, you like him. Kaya lang big deal sa 'yo na parang nagpahayag na kaagad siya ng pagkagusto sa 'yo. Inihanay mo na agad siya sa mga kalalakihan rito na may gusto sa 'yo."
"Ganoon na nga siguro," pag-amin na rin niya. Those malicious men na parang sex object kung tingnan siya. Dahil sa maging nature ng trabaho ng ina niya, iniisip ng mga ito na ganoon din siya. Kung ano daw kasi ang puno ay ganoon din ang bunga. Pero dahil wala siyang lalaking pinayagan na makalapit sa kanya, doon na lalong tumindi ang tsismis. That she was as promiscuous as her mother. Na magaling umano siyang magpakipot pero madali naman daw siyang ikama. At magaling daw siya sa kama! She got quite a reputation here. Aware si Angelu sa mga tsismis na iyon. Aware din siya na hindi lang ang mga lalaking matataas ang ego na nabigo sa kanya ang nagkakalat ng tsismis, kundi pa rin ang mga babaeng naiinggit sa kanya. Kung hindi lang sana siya maganda, kung hindi lang sana maganda ang hubog ng kanyang katawan... baka hindi niya danasin ang ganito. Sometimes, beauty can be a curse, too. O, 'di kaya naman, malas niya dahil siya ang nagsa-suffer sa kritisismo sa kanyang ina.
"May kung ano sa personalidad niya na parang nakakatakot," dagdag pa niya. "Alam mo 'yon. 'Yong parang sa huli ay ikaw lang ang masasaktan."
"Ano ka ba," ani Wena. "Para ka namang paranoid niyan. Si Nick, nagustuhan ka niya agad kahit hindi ka pa niya kilala. Relax a little, Anj. Let nature take its course. Ibig kong sabihin kung magkagustuhan kayo ni Nick then let it be. Baka kaya nga siya dinala ng tadhana dito sa Guadalupe ay dahil sa 'yo... Alam mo 'yong sabi nila, 'kapag daw itinadhana ang dalawang tao, magkikita at magkikita sila. All roads will lead to each other. O, tingnan mo, ang lakas na agad ng impact ninyo sa isa't-isa. Pag-isipan mo, okay?"
BINABASA MO ANG
Loved You Then, Love You Still
Roman d'amourIt was too late nang ma-realize ni Angelu na pinaglalaruan lang siya ni Nicholas. He walked out on her when she needed him most. Lumipas ang mga taon na akala niya ay okay na siya. Hindi pa pala... Dahil nang muling mag-krus ang mga landas nila, she...