OKAY. IT'S now or never. Oras na para harapin si Nicholas Umali. Humugot si Angelu ng malalim na hininga nang nasa tapat na siya ng pinto ng clinic. Nurse lamang ang ini-empleyo niya roon dahil mayroon namang malapit na hospital kung sakaling kakailanganin ng atensiyon ng isang doctor.
You got this, Anj. You got this. Muli siyang huminga ng malalim bago pinihit ang seradura ng pinto.
Gising na si Nick. Nakaupo na ito sa gilid ng stretcher. Natuon sa kanya ang atensiyon ng lalaki at ng nurse. Angelu collected herself. Gusto niyang palakpakan ang sarili dahil nagawa niyang pasadahan lang ng tingin ang binata. Hindi niya ipapakita na sobrang apektado siya ng presensiya nito.
Binalingan niya ang nurse. Hindi mahirap sabihin na maging ito ay nagtataka sa pagkakahawig ng kanyang anak at ng guest. Damn, hindi mahirap sabihin na ito ang ama ng kanyang anak.
"Kumusta ang ating guest?" Right, guest nga pala ng resort si Nick.
"I think, kailangan siyang matingnan ng doctor, Ma'am. May head—"
"Ako na ang bahalang magpaliwanag," putol ni Nick sa maotoridad na boses. "Thanks."
"Pakiiwan mo muna kami, Ila. Salamat," aniya sa nurse. Agad naman itong tumalima at lumabas.
Nang makalabas ang nurse ay ilang saglit na napuno ng katahimikan ang silid. Nakakainis lang na mukhang composed na composed si Nick. Umaakto ito na animo wala itong dapat ikahiya sa kanya. The aura was so formidable and powerful. Ipokrito siya kung hindi niya maaamin kahit sa sarili lamang na nakakalunod ang presensiya ng lalaki. Na naghuhumiyaw sa apat na sulok ng silid ang appeal nito. Oh, good gracious, he was as gorgeous as sin. Nakakainis na hindi niya mabalewala ang mga katangiang iyon ng lalaki.
"Ano ang ginagawa mo dito?" tanong niya sa malamig na boses. Pagkatapos ng ginawa nito sa kanya, hindi naman siguro ito nag-e-expect ng warm welcome mula sa kanya.
Tiningnan siya ni Nick. Guwardiyado na ang ekspresyon nito. Ganoon pa man ay mukha itong delikado. Taglay nito ang personalidad na siguradong pangingilagan ng mga taong nakapalibot rito. Lalo na iyong mga walang tiwala sa sarili. This man is overpowering. Gorgeous but intimidating. Kahit naman noon pa ay malakas na talaga ang aura nito.
"Honestly? Naparito ako para alamin ko mismo kung totoo ang nakalagay sa confession."
She scoffed. So nabasa nito ang confession? "Aling parte ang aalamin mo kung totoo? Because I was sure na alam mong totoo ang tungkol sa pagbubuntis ko." Nagpatuloy siya, "Ah, alam ko na. Naparito ka para alamin kung totoong binuhay ko ang bata? Sa palagay ko ay alam mo na ngayon ang sagot diyan. You saw him, right? Ngayon, puwede bang umalis ka na?"
Sa wakas nakitahan niya ng kahinaan ang matatag na ekspresyon ng mukha nito. Mukha itong nalilito ngayon. Parang hindi alam ang sasabihin. "Look, Guada, I—"
She snapped. "Guada?" Humakbang siya papalapit dito. Patuloy na sumusulak ang kanyang galit.
"You're Guada, right? Ang nagpadala ng confession?"
Matalim na tinitigan niya si Nick. Hindi na nito matandaan kung ano ang pangalan niya? Shit. Ang tinding insulto noon para sa kanya. Hindi niya napigilan ang sarili. Nilapitan niya si Nick pagkatapos ay buong puwersang pinadapo niya ang palad niya sa pisngi nito. It must have been a hard hit dahil ramdam niya ang pag-iinit ng palad niya at napabaling pa ang mukha ng lalaki.
Nagkaroon agad ng bakas ang kanyang sampal. Namula ang pisngi ng binata. Oh, she wasn't sure kung binata pa nga ba ito. Wala itong suot na wedding ring pero sa pagkakakilala niya dito ay hindi ito ang tipo ng lalaki na magiging loyal sa karelasyon nito.
Umigting ang facial muscles ni Nick. Tumiim ang labi nito. "Okay. I think I deserved that."
Ang kabilang pisngi naman nito ang sinampal niya. "You deserved that, too."
Naningkit ang mga mata ni Nick. Malakas na kumabog ang dibdib niya nang tumayo ito. He looks like a predator ready to conquer his prey. Nakadama siya ng pananib, ng takot, kaya humakbang siya paatras. Nick was ready to attack. Malalaki ang hakbang na nilapitan siya nito. He was so towering, so powerful. Hanggang sa bumangga ang kanyang likod sa malamig na dingding. As if he was not yet finish intimidating her, nilapitan pa siya ng lalaki hanggang sa halos nasa pagitan na siya ng malamig na dingding at mainit na singaw ng katawan nito. Itinukod nito ang isang palad sa semento sa may tabi ng ulo niya.
Damn it. Sa ganoon kalapit ay mas napagtutuunan niya ng pansin ang guwapong mukha nito, ang mas matured na version ng Nick na nakilala niya noon. Bigla ay parang napapalitan ng ibang klaseng kaba ang kaba ng panganib na nasa kanyang dibdib.
Not a good sign.
His intense eyes soften as he looks at her slightly parted lips. He looked like he wanted to kiss her! Mula sa pagtingin sa kanyang labi ay umakyat ang tingin nito sa kanyang mga mata. It was as if he was charming her. At siya, siya ay parang natatangay ng mga matang iyon. Parang bumibigat ang talukap ng kanyang mga mata at gusto niyang pumikit at maghintay sa pagdampi ng labi nito sa labi niya
Oh, shit. Shit! Anj wake up, wake up! Bumaba ang mukha ni Nick at— at itinuon niya ang mga palad sa dibdib nito at itinulak ito. Tumatahip ang dibdib na kumawala siya rito.
"Fuck, Nick, hindi ka pa rin nagbabago. Saan ka kumukuha ng kapal ng mukha?" Ginagamit mo pa rin ang deadly charms mo. Gusto mo pa ring patunayan na walang babaeng tatanggi sa 'yo, at walang babaeng hindi bibigay sa 'yo sa sandaling kasama ka nila sa iisang silid. Shit. Muntikan na akong bumigay. Muntikan na naman. And she realized that she was... in trouble. She was in trouble dahil naaapektuhan pa rin siya ng sex appeal ni Nick. "Hahagkan mo at ipaiilalim sa charms mo ang sino mang nakapalda na nasa harapan mo." Bagaman, aaminin ni Angelu na siya lang naman ang pinormahan nito noon sa school.
"Of course not!" agad na depensa nito. "It just so happen that you're very gorgeous. And your lips were so tempting I wanna—"
"Oh, please!" sarkastikong putol niya rito. "Para namang hindi kita kilala," asik niya.
"Baka nga hindi mo na ako kilala. People may change you know."
Pagharap niya sa lalaki ay nakita niyang nakasandal na ito sa pader. Nasa likuran ang mga kamay. Ang isang paa ay bahagyang mataas ang pagkakaapak sa pader. Oh, hell, he looks like an aristocrat model. Jeez. Hindi na siya nagtataka kung bakit naging sensational ang picture nito.
Angelu crossed her arms against her chest. "Bakit narito ka?" People may change? Oo, pero hindi si Nick. Dahil kung talagang nagbago na ito, matagal na sana siya nitong hinahanap para panagutan siya, or atleast ang responsibilidad sa anak niya.
"Guada, I—"
"I am not Guada!" angil niya, aktong sasampalin na naman ito. Pero nahawakan ni Nick ang braso niya, hinapit siya at sa isang kisap-mata ay nakapalibot na ang braso nito sa baywang niya habang magkalapit na naman ang mga katawan nila. Oh, fuck, what was happening? "B-bitiwan mo ako," utos niya. Hindi niya nagugustuhan ang reaksiyon ng katawan niya sa pagkakalapit ng mga balat nila. Hindi niya nagugustuhan ang marahang pagtama sa mukha niya ng mainit na hininga nito. It was intoxicating her. Mas lalong hindi niya nagugustuhan ang mapanuksong labing iyon na animo nag-iimbitida at nangangako ng langit.
Muli siya nitong tinitigan. His hot gaze travelled to every planes and hollows of her face. May munting ngiti sa sulok ng labi nito.
"Bitiwan mo sabi ako," aniya. Hindi sigurado kung nabigyan iyon ng boses dahil pakiramdam niya ay mabibingi siya sa tunog ng rumaragasang dugo sa likod ng kanyang taynga.
Binitiwan din naman siya ni Nick.
"Sa dami ng mga babaeng dumaan sa palad mo, hindi mo na matandaan ang mga pangalan nila," asik niya.
Tumaas ang isang sulok ng labi nito. "Ganoon ako ka-playboy?" tanong nito, iyong tanong na animo clueless talaga ito.
Lalo namang nadagdagan ang inis niya. Aatakihin yata siya ng high blood sa lalaking ito na akala mo ay inosente kung makapagtanong. Na para bang wala itong alam. "Santo ka, Nicholas Umali. Santo ka," sarkastiko niyang tugon, nakataas ang kilay. Naiinis siya sa sarili niya dahil... dahil na-a-arouse siya.
BINABASA MO ANG
Loved You Then, Love You Still
RomantikIt was too late nang ma-realize ni Angelu na pinaglalaruan lang siya ni Nicholas. He walked out on her when she needed him most. Lumipas ang mga taon na akala niya ay okay na siya. Hindi pa pala... Dahil nang muling mag-krus ang mga landas nila, she...