IGINARAHE ni Nick ang sasakyan sa harap ng isang bungalow type na bahay. Katamtaman ang laki niyon. May magandang landscape sa harap. Maraming namumungang puno sa paligid tulad ng Lanzones at Rambutan. The place is kinda isolated dahil halos isang kilometro ang yata ang layo ng pinakamalapit nilang kapitbahay. Iyon ang bahay na kasalukuyang tinutuluyan nilang mag-ina.
Nick snorted. Hindi siya aasang magtatagal sila sa lugar na iyon. Sooner or later, lilipat na naman sila. Ganoon ang buhay ng isang anak sa labas. Anak sa labas na itinatago dahil kilala sa bansa ang ama, inirerespeto. Right, he was a bastard of an infamous politician. Si Senator Ben Umali ang kanyang ama. He had a 'loving' family. Malinis ang record nito, may iniingatang reputasyon. At ang kaalamang may anak ito sa labas ay magiging isang malaking mantsa sa pangalan nito. And it could ruin his father's future political plan. Maaari kasi iyong gamitin ng mga kalaban nito sa pulitika. Lalo't lumalabas na he cheated on his wife with his then secretary.
Nick was so tired of it, really. Pagod na siya sa palipat-lipat nila ng lugar. Ni wala siyang matatawag na kaibigan dahil hindi na rin siya nakikipagkaibigan sa mga lugar na nililipatan nila. Alam naman kasi niyang aalis din siya kaya ano pa ang silbi kung makikipagkaibigan siya? Kung hindi nga lang niya isinasaalang-alang ang ina ay matagal na niyang pinatunayan sa ama kung paano siya magalit.
Pinatay ni Nick ang makina ng sasakyan. Sasakyan na binili mula sa pera ng kanyang ama. Senator Umali was supporting them financially. Nabubuhay din naman silang mag-ina ng marangya. Nabibili ang lahat ng material na bagay na gustuhin niya, kotse man o pinaka-latest na modelo ng cell phone. Though, wala naman ng relasyon ito at ang kanyang ina.
Nick groaned. He couldn't help but wonder kung kailan kaya magiging normal ang buhay niya. Normal na ibig sabihin ay hindi na sila magpapalipat-lipat ng lugar. Iniisip niya kung kailan kaya sila ipapakilala ng ama sa publiko. Okay, may pamilya ito. Hindi niya inaasam na makasama ito at mabuo ang pamilya nila. He was well aware na anak lamang siya sa labas. Pero sana man lang ay kilalanin siya nito at ipakilala sa publiko, kilalanin in a sense na alam na ng Pilipinas na anak siya nito. After all, tanggap na naman ng society ang mga anak sa labas.
Hindi eh. Senator Ben Umali and his political advisers think that he was a threat to his father's career. Ang pagkabunyag umano ng existence niya ay maaaring sumira sa political career nito lalo pa at may balak itong tumakbo sa mas mataas na posisyon sa gobyerno. Damn, hindi niya kasalanang isinilang siya.
"How's your day, Nick?" tanong ng kanyang ina nang makapasok na siya ng bahay. Donna, his mother was very kind and forgiving. Mabuting ina ito at hindi naman nagkulang sa kanya. She's very simple. Mahal niya ito kaya nga kahit nagrerebelde siya ay hindi niya magawang suwayin ang ina. Laging ito ang isinasaalang-alang niya.
"Fine," matipid na tugon niya habang tuloy-tuloy na tinutungo ang kanyang silid. Nang makapasok sa silid ay agad niya iyong isinara. Hinubad niya ang suot na jacket, pati na ang pang-itaas. Then he turned the sound system on. Nang dumadagundong na sa apat na sulok ng kanyang silid ang hard music ay ibinagsak na niya ang sarili sa kama.
Muli siyang napaungol. Sa pagkakataong iyon ay dahil sa babaeng umuukupa sa kanyang isipan, si Angelu. Nauubusan na siya ng pasensiya. Gusto na niyang question-in ang epekto niya sa babae. Paano, ilang araw na niyang pinopormahan si Anj ay hindi pa rin niya ito nakukuha. Damn, ngayon lamang nangyari sa kanya ang ganito. For Pete's sake, hindi niya kailangang manligaw! Isang kindat lang, o isang ngiti, o isang mapang-akit na tingin ay nakukuha na niya ang babae. But this particular lady was testing him. Testing his patience. Testing his charms and his capabilities. Nasasaktan na ang ego niya.
Ah, lalo lamang siyang nanggigigil na mapasakanya si Anj. He had heard so much of her. Sadya daw pakipot ito. Sadyang mahirap mapasagot. But they say she was so great in bed. Well, siya ang huhusga kung magaling nga ito o hindi. May limang araw pa siyang natitira sa sarili niyang deadline. Kailangan na siguro niyang maging mas agrisibo pa. Kailangan niyang gawin ang mga bagay na hindi niya ginagawa dati sa isang babae. Sinusubok ni Angelu ang record niya sa babae pero sisiguruhin niyang hindi nito iyon madudungisan. Hindi ito ang unang babaeng babalewala sa charms niya.
BINABASA MO ANG
Loved You Then, Love You Still
RomanceIt was too late nang ma-realize ni Angelu na pinaglalaruan lang siya ni Nicholas. He walked out on her when she needed him most. Lumipas ang mga taon na akala niya ay okay na siya. Hindi pa pala... Dahil nang muling mag-krus ang mga landas nila, she...