"SHIT!" bulalas ni Angelu bago binitiwan ang ballpen na hawak. Hindi siya makapagtrabaho dahil hindi mawala sa isipan niya si Nick. At bakit ka naman nagkukulong dito sa opisina mo, Anj? tanong ng kanyang isipan. Pagkahatid niya kaninang umaga kay Paolo sa eskuwelahan ay doon na niya ginugol ang kanyang oras sa opisina niya.
All right, sa totoo lang ay natatakot siyang lumabas at gumala sa resort tulad ng parati niyang ginagawa. Natatakot siya dahil sigurado siyang magku-krus ang landas nila ni Nick. She was sure of it. Kahit umiwas siya ay malakas ang kutob niya na lalapit at lalapit pa rin sa kanya ang lalaki. And she was scared. Natatakot siya dahil hindi pumapabor sa gusto ng isip niya ang nagiging reaksiyon ng katawan niya sa lalaki. Pagak siyang tumawa. Bakit parang nauulit ang kahapon?
Tumunog ang landline phone. It was from the front desk. "Yes?" tanong niya.
"Ma'am," anang tinig ng staff. Napatuwid ang kanyang likod sa sunod niyang narinig, "You can't always avoid me, you know," anang baritonong boses na nagpaalon sa sikmura niya. Shit. Not really a good sign.
"Who's this?" tanong niya. Oh, siyempre ay alam niya kung sino ang may-ari ng boses na iyon. It was Nick ang lalaking dahilan kung bakit siya nagkukulong sa opisina niya. Aaminin niya na mas baritono at lalaking-lalaki ang boses nito ngayon. It was sexy, sensual like a midnight DJ's voice.
"Alam mo kung sino ako," sagot nito na may halong panunudyo. And damn her dahil nakikita niya sa isipan niya ang mukha nito habang nakataas na sulok ng labi na para bang nagpipigil ng ngiti. "Hindi mo ako laging maiiwasan, Anj."
Anj. Tinawag na siya ni Nick sa pangalan niya at gusto niyang kilabutan. Funny, his pronunciation resonated like a caress. Passionate caress. Maaaring nakapagtanong na ito sa mga empleyado kung ano ang pangalan nilang mag-ina. Baka nga hindi lang haggang pangalan ang mga itinanong nito. "At sino ang maysabi sa 'yo na iniiwasan kita?" balik niya.
"Hindi nga ba?"
Saglit na nakagat niya ang labi. "Siyempre hindi! I am working for your information. At bakit naman kita iiwasan? May kasalanan ba ako sa'yo?" gigil at medyo defensive niyang tanong. All right, hindi lang 'medyo' dahil defensive talaga siya. "May utang ba ako sa 'yo para iwasan kita?"
Nick chuckled. At gusto niyang kastiguhin ang sarili dahil pakiramdam niya ay nakarinig siya ng music sa pagtawang iyon ng binata. Oh, goodness. Paano ba niya hindi iiwasan si Nick kung ganoong pakiramdam niya ay bumabalik siya sa nakaraan.
"Usually, sa ganitong oras daw ay naglilibot ka sa resort. So now tell me, hindi mo nga ba ako iniiwasan?"
Sa inis ay malakas na ibinaba niya ang telepono. Ah, fuck it! Lumalabas pa yata na siya ang nasa defensive side gayong dapat ay siya ang gumagawa ng offense. Sa kanilang dalawa, ito ang dapat umiwas at mahiya. Hindi siya.
"Okay, okay..." pagkalma niya sa sarili. Hindi niya hahayaang maging katawa-tawa siya sa harap ng lalaking iyon. Dapat na ipamukha niya rito na wala itong kuwentang lalaki.
Tumayo siya. Hinagilap ang kanyang malapad na sombrero. Bitbit iyon na lumabas siya ng opisina.
Inihanda na niya ang sarili na makita si Nick sa lobby. And there, hindi nga siya nagkamali. Naroon ito at nakatuon pa ang mga braso sa front desk. Aaminin niya, he was a sight to behold--- shit. Ayan ka na naman, Anj! Kastigo niya sa sarili. But then again, she was just stating a fact. At siguradong nadala sa charms nito ang staff sa front desk. Nakakabuwisit na naging mabuti rito ang nakaraang sampung taon.
Nakita siya ni Nick. And, boy, agad gumuhit ang simpatikong ngiti sa labi nito bago malalaki at sigurado ang hakbang na nilapitan siya. "Hey."
"Hoy!" nakasimangot na balik niya. But deep inside she was quaking. Nagpapapansin din yata sa kanya ang puso niya dahil... kumakabog iyon.
Natawa si Nick. Good lord, hindi nakaligtas sa kanya ang mga nakangiting empleyado na nagpapalitan ng makakahulugang tingin. Na para bang kinikilig ang mga ito para sa kanila ni Nick! Well, they shouldn't be.
He wore a cream khaki shorts and gray sweatshirt. Nakarolyo hanggang siko ang mahabang manggas ng sweatshirt nito. Isang sipit sa paa ang suot nito, na mukhang nabili nito sa shop ng resort. Tuloy-tuloy siyang lumabas ng lobby. Umagapay naman sa paglalakad niya ang binata.
"Your name is Maria Angelu Milan. Anj," narinig niya sa may taynga niya. Napalaki siya ng hakbang palayo rito para magkaroon ng distansiya ang mga katawan nila. Jesus, ang tindi ng self confidence nito para halos bulungan siya! Akala mo may karapatan ito para umakto ng ganoon na tila ba close sila. Ha!
Pero tila sadyang nasa mood ito para kuhanin ang kanyang atensiyon. Hinarangan nito ang daraanan niya. Napatigil tuloy siya sa paghakbang. "Pero bakit Guada ang ipinangalan mo sa confession?" tanong nito.
Pinamaywangan niya ito. "For your infor—What are you doing?!" bulalas niya nang sa isang malaking hakbang na ginawa nito ay naroon na ito sa harapan niya. Pagkatapos ay tumaas ang palad nito at hinawi ang mga hibla ng buhok sa kanyang mukha. May manipis na ngiti sa sulok ng labi nito. Lihim na napalunok si Angelu. Nakakawala ng sarili ang simpatikong ngiti nito at ang titig nito, katulad pa rin noon. Kinuha ni Nick ang malapad na sombrero na hawak pa rin pala niya at isinuot iyon sa kanyang ulo.
"There," anito nang maayos na maisuot sa ulo niya ang sombrero. Nakangiti pa rin ang hudyo. "You were saying...?"
Damn it, Anj, nawawala ka sa sarili mo! Nagtaas siya ng noo. "For your information, hindi ako ang nagsulat ng confession na iyon kundi ang bestfriend ko na galit na galit sa 'yo! Hindi mo rin ba siya maalala? Well she used to be your number one fan. Now a hardcore hater."
Tumaas ang sulok ng labi nito. "Yeah?" Medyo humaba ang nguso nito, as if he was thinking. Kapagkuwan ay tumango-tango ito. "Well, if that's the case, pakisabi sa kanya na salamat sa post na iyon dahil natunton ko kayo ni Paolo—ng anak ko. Anak natin."
"Anak natin?" sarkastikong gagad niya.
"Oo. Anak natin," balewalang sagot naman nito. Nakangiti pa! God, paano ba siya hindi maha-high blood sa lalaking ito gayung akala mo wala itong kasalanan kung makaakto. "Where's our son, by the way? Oh. Nasa school siguro, tama?"
"Siya nga?" anang papalapit na boses ng isang babae.
"Oo, siya nga," sagot naman ng isa pang babae, nasa boses ang excitement. Nilingon niya ang pinagmulan, sakto naman na papalapit rin ang dalawa sa puwesto nila ni Nick.
"Excuse," sabi ng unang babae. "Ikaw si Your Highness, 'di ba? 'Yung nag-viral sa Facebook page na Hottie ?"
"Ahh," tugon ni Nick, sa kanya nakatingin. Nabura na ang simpatikong ngiti sa labi nito na hindi mapuknat puknat kanina. He was suddenly transformed into his formidable aura. "No, sorry. Hindi ako iyon."
"Ikaw iyon," tugon ng pangalawang babae. Halat ang kilig sa mukha nito. "Pwede pa-picture?"
"Oo nga ikaw 'yon!" tili ng isang bagong dating na babae. Na marahil ay kumuha pa ng atensiyon ng iba kaya nagsilapitan din ang ibang guest na pawang mga babae.
"Siya nga 'yon," pagsingit ni Angelu. Nakataas ang kilay na tiningnan niya si Nick. "Yung sumikat dahil guwapo. Pero tinakbuhan ang nabuntis na girlfriend. So, guys, huwag kayong magpadala sa panlabas na hitsura ng lalaki." She scoffed. Nanahimik naman ang mga babaeng kani-kanina ay parang nagpupuso ang hugis ng mga mata sa pagtingin sa binata. Nick fell silent, too. At nakadama ng tagumpay si Angelu. Ah, masarap sa pakiramdam na mapamukhaan ang lalaki. Dapat lang iyon dito. He actually deserves more than that.
Iniwan niya ang mga ito matapos ngisihan ang binata.
-------------
Hi, guys. Kumusta ang story, so far? :)
BINABASA MO ANG
Loved You Then, Love You Still
RomanceIt was too late nang ma-realize ni Angelu na pinaglalaruan lang siya ni Nicholas. He walked out on her when she needed him most. Lumipas ang mga taon na akala niya ay okay na siya. Hindi pa pala... Dahil nang muling mag-krus ang mga landas nila, she...