Natawa siya. Knowing Wena, siguradong sinigawan nito si Nick. Naiimagine niya ang isang malutong at nakabibinging 'Fuck you!' ang sinabi nito. Tumigil siya sa pagtawa nang mapansin niya na nakatutok ang paningin nito sa kanya. He was staring at her.
Kumabog ang dibdib ni Angelu. Para siyang biglang sinilihan, hindi siya mapakali. Damn. Kung bakit naman kasi ang intense ng titig ni Nick. Pakiramdam niya ay tumagos iyon hanggang sa kaibuturan ng mga buto niya. It was making her stomach shudder. Para bang may mga natutulog na paru-paro roon na biglang nabulabog at nagsiliparan. Oh, damn, she wasn't a teenager anymore to experience that kind of things. Hindi na siya teenager na paramg ice cream na matutunaw kapag natititigan ng crush. For Pete's sake she was so over him. Matagal na siyang nagtagumpay na palayasin ito sa puso niya. She was sure she was over him. Sigurado siya roon. Siguradong-sigurado. Kaya ngayon ay bakit umaakto siya na para bang... attracted siya rito? Angelu couldn't believe it. But then, matanda na siya para hindi malaman kung ano ang damdaming iyon. Nicholas Umali is an alpha male at para siyang magnet na hinihigop nito. And looking at him now... the male virility, the sexuality, and the nearness was provoking something carnal within her. Na tipong ilang segundo pa ay tuluyan na niyang hindi makokontrol ang sarili at hahalikan niya ito.
It doesn't feel right. It was dangerous. Humakbang siya paalis. Nilampasan niya ito.
"Anj..." Hinawakan nito ang braso niya at hindi niya napaghandaan ng hilahin siya nito. She lost her balance. Akala niya ay babagsak siya sa deck pero mabilis na naipulupot ni Nick ang isang braso nito sa kanyang baywang. Naramdaman din niya nang pumaloob sa buhok, sa batok niya ang isa pang palad ng binata. Kasunod niyon ay naging napakabilis na ng lahat dahil ang sunod niyang namalayan ay magkalapat na ang kanilang mga labi.
Nanlaki ang mga mata niya. Her gasp was trapped in his mouth.
He drinks into her mouth. Uhaw, mainit, at masidhi ang pagsimsim nito sa kanyang labi. And goddamn it, she was melting against his arms. Naroon ang matinding udyok na sumagot siya at tapatan ang kapangahasan ng labi nito. His lips were sweet, pliable, and intoxicating. Her heart was beating wildly against her chest.
It was lethal--- his kiss. Para iyong posporo na sa isang kiskis ay agad nasindihan at pinagliyab ang apoy sa kanyang katawan. He was kissing her passionately, hotly. Suddenly all the logical thoughts turned black. Iwinaksi niya ng daloy ng isipan at hindi napaglabanan ang udyok ng katawang tila basang kahoy na nadarang sa apoy at dagling nagliyab. Hindi niya mapaglabanan ang kaway ng pagnanasa. She answered his kisses and moaned against his mouth.
Hindi alam ni Angelu kung gaano katagal ang halik. Bumalik lang ang lahat sa kanya nang pangapusan siya ng hininga. Hindi makapaniwalang bumitaw siya kay Nick at humakbang paatras.
God, what was that?
"Anj..." anang binata na hindi rin makapaniwala sa naganap. Obvious iyon sa ekspresyon ng mukha nito. The intense desire was also obviously lurking in his eyes. "Oh, God, Anj..."
Ramdam niya ang labing tila bahagyang namaga dahil sa sabik na halik. Her breast felt heavy, her nipples were hard and sensitive against her lace bra. There was an ache between her thighs. Gising at nagnanasa ang bawat himaymay ng kanyang katawan. Damn, she was sexually aroused. And the desire was so intense.
Nag-init ang mga mata niya. Parang napakababa niyang babae sa oras na iyon. Pagkatapos ng ginawa nito sa kanya, hayon at lumalabas na pinagnanasaan pa rin niya ito?
Tinangka siyang lapitan ni Nick. "Anj..."
"You!" Sinalubong niya ito bago sinampal. Tuluyang pumatak ang mga luha niya. "How dare you do this to me. Ganoon ba talaga kababa ang tingin mo sa akin? Na sa kabila ng kasalanan mo, sa kabila ng ginawa mo sa akin ay kaya mo uli akong makuha?!" sigaw niya habang namamaybay ang mga butil ng luha sa mga pisngi niya. Nagkukumawala ang galit sa dibdib niya. And she hates herself too. Bumigay siya. Bumigay uli siya kay Nick. "Ganoon lang ba ka-simple sa 'yo ang lahat? Bakit umaakto ka na para bang wala kang kasalanan? Bakit ang kapal-kapal ng mukha mo?!" sigaw niya. Marahas niyang pinahid ang mga pesteng luha niya. Hindi niya maitatanggi na sinagot niya ang halik nito kaya ano na lang ang iisipin nito sa kanya? Ah, siguro ay lihim na siya nitong pinagtatawanan dahil napatunayan nitong hindi pa rin siya immune sa charms nito.
"I'm sorry," anang binata. Nag-iwas ito ng mga mata pero nakita niyang bahagya na rin iyong namumula, as if he was about to cry, too. Saglit itong yumuko, kapagkuwan ay ibinalik uli sa kanya ang paningin. "B-believe m-me..." His voice was cracked. Muli itong tumigil sa pagsasalita at lumunok. Na para bang may malaking bikig sa lalamunan nito na pilit nitong inaalis. Saglit na nalito si Angelu sa emosyong iyon. "B-believe me, Anj, kahit wala akong maalala sa nakaraan, guilt was eating me up right now. And I kissed you... I kissed you because I can't help myself. Dahil iyon ang gustong-gusto kong gawin, Anj. Hindi ko iyon ginawa dahil sa kung ano lang. To be honest, it felt like I have missed you so much. It felt like I'm dying to hold you. Believe me, gustong-gusto kong makaalala, Anj. Gustong-gusto kong maalala kung ano ang nangyari noon kasi bakit... bakit iba ang nararamdaman ko ngayon?"
Mapaklang umiling siya. Patuloy na tumatakas ang mga luha niya. Hindi niya kayang paniwalaan ang mga sinasabi nito. He used to have a sweet tongue. Magaling mambola. "May amnesia ka man o wala, you're still the same Nick. Kapag may nagustuhang babae, ipinupursige. And then, iiwang luhaan kapag naging kumplikado na ang sitwasyon." Iyon lang at tinalikuran na niya ito.
BINABASA MO ANG
Loved You Then, Love You Still
RomanceIt was too late nang ma-realize ni Angelu na pinaglalaruan lang siya ni Nicholas. He walked out on her when she needed him most. Lumipas ang mga taon na akala niya ay okay na siya. Hindi pa pala... Dahil nang muling mag-krus ang mga landas nila, she...