"Look, I made it, Nick. Nabuhay ko at naitaguyod ang anak ko. Sa kabila ng mga hirap, nagawa ko. Hindi ka namin kinailangan noon, lalong hindi ka na namin kailangan ngayon. I can provide anything for my son. Kaya gusto kong magalit sa 'yo ang anak ko. Gusto kong mamuhi siya sa 'yo. Gusto kong itakwil ka niya.""That's not fair," mahinang komento ni Nick, may dumaang sakit sa mga mata. Nagyuko ito ng ulo, animo talunan.
Not fair? Pero noong hindi siya nito panagutan, fair ba iyon? gusto sana niyang isampal sa pagmumukha nito ang mga salitang iyon pero siguradong hindi matatapos ang isyu nila. "Alam ko. Alam ko rin na pagiging makasarili iyon," mahina niyang tugon. Bumuga uli siya ng hangin, pinagluluwag ang nagsisikip na kalooban. Ilang sandali siyang nanahimik, pilit pinoproseso sa isipan kung tama ba ang desisyong nabuo niya kanina. "Look, kung gusto mong bumawi kay Paolo, bumawi ka. Kung makuha mo ang kalooban niya then I am fine with that."
Napabilis ang pagbaling sa kanya si Nick. Lumiwanag ang mukha nito na para bang nakarinig ng isang napakagandang balita. "Papayagan mo ako? Bibigyan mo ako ng chance?"
Umismid siya, ipinakita sa binata na kung may iba lang siyang pagpipilian ay hinding-hindi niya iyon gagawin. "Iniisip ko lang kung ano ang mas makabubuti para kay Paolo. He's too young. Matured at his age but still young. Hindi makabubuti sa kanya na may galit sa puso niya." And I think, the idea of having a father was very tempting to him. Nangungulila rin siya, Nasasabik. Pero pilit lamang pinangingibabaw ang pagtatampo. Ayaw niyang lumago ang pagdaramdam sa puso ni Paolo, not for Nick's sake but for Paolo's. She doesn't want her child to have a bitter heart.
"Masakit man, bukas na ako sa posibilidad na may makahati sa atensiyon at pagmamahal ni Paolo. I only want the best for him. Gusto kong lumaki siyang buo ang pagkatao niya. He's full of love, you know. Pity you."
Sa gulat niya ay niyakap siya ng binata. Mahigpit na niyakap na para bang wala itong intensiyon na pakawalan siya. "Thank you. Thank you."
Saglit na natuliro ang dalaga. Ang init ng yakap nito... ang siguridad na aakibat ng matitipunong braso at malapad na dibdib... ang nadarama niyang pagtibok ng puso nito... God, it was making her lost her mind. It was damn comfortable there, parang ayaw niyang umalis sa yakap nito at sa halip ay ipagsiksikan pa ang sarili. Pumikit siya, dinama ang masarap na pakiramdam. She'd been so alone that she was longing for it.
Pero agad din siyang natauhan. Nagmulat siya ng mga mata. Hindi, hindi siya magpapadala sa masarap na pakiramdam na idinudulot ng yakap nito. Hindi niya dapat sanayin ang kanyang sarili. Humiwalay siya rito at kumuha ng sapat na distansiya. Umaasa siya na hindi napansin ng binata ang pagkawala niya sa sarili. Umaasa siya na hindi nito nababasa ang mensahe ng traydor niyang katawan.
"If your family wants to know him, p-puwede kayong maging bahagi ng buhay ng anak ko. Pero hinding-hindi ako papayag na kukunin mo siya sa akin. Magkamatayan man tayo, Nick, hindi ko siya ibibigay sa 'yo." Nagluha muli ang mga mata niya. "I swear to God, ikamamatay ko ang pagkawala niya. Isa kang pagkakamali sa buhay ko p-pero si Paolo hindi siya pagkakamali. H-he was the best thing that ever happened to me."
Umiling ang binata. "Hindi ko planong ilayo siya sa 'yo."
To her shock, muling lumapit si Nick sa kinatatayuan niya. And, God, why she couldn't move her feet so she can walk away from him? Para siyang tuod sa pagkakatayo habang ramdam niya ang antisipasyon sa kanyang dibdib.
Ipinaloob nito sa mga palad ang mukha niya bago inangkin ang labi niya. Her eyes grew big. He kissed her hot and luscious. At ayon na naman ang dagling pagkabuhay ng dugo niya. Ayon na naman ang pagragsa ng masarap na sensasyon. Ayon na naman ang traydor na reaksiyon ng kanyang katawan.
Pero sa pagkakataong iyon ay hindi siya nagpadala sa agos katulad noong una siya nitong halikan. Itinulak niya ito.
"Nick!" angil niya, malakas ang pagtambol ng dibdib niya. "Nagiging habit mo na yata ang halikan ako. Hindi ako kasama sa bargain, okay? Kay Paolo ka lamang puwedeng bumawi, sa akin ay hindi!"
"Gusto ko ring bumawi sa 'yo."

BINABASA MO ANG
Loved You Then, Love You Still
عاطفيةIt was too late nang ma-realize ni Angelu na pinaglalaruan lang siya ni Nicholas. He walked out on her when she needed him most. Lumipas ang mga taon na akala niya ay okay na siya. Hindi pa pala... Dahil nang muling mag-krus ang mga landas nila, she...