HINDI NA mabilang ni Angelu kung ilang beses na siyang sumulyap sa cell phone niya. Kahit na imposibleng makaligtas sa pandinig niya kung tumunog man ang message alert tone o kung mag-ring man iyon ay maya't-maya pa rin ang pagtse-check niya sa telepono. Tanghali na pero hindi man lang nagpaparamdam si Nick. Ni hindi man lang ito mag-text kung nakarating na ba ito ng Maynila o ano?
Sumimangot siya. Gusto niyang pagsisihan na hindi na niya ito hinarap kanina. Anj, I'll be back, okay? I love you. Sabi ng family doctor namin ay may posibilidad na ang dahilan ng pagsakit-sakit ng ulo ko ay dahil malapit ko ng maalala ang nakaraan. He needs to see me and run some tests. I'll be back, Anj. I'll be back, iyon ang huling sinabi nito nang katukin siya nito. Pao, take care of mommy while I'm away, ha? I love you, son. Daddy will be back, promise. Naulinigan pa niyang bilin nito sa bata.
Tumayo si Angelu. Nagpalakad-lakad sa loob ng kanyang opisina. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi siya mapalagay. Kung bakit para siyang natatakot at kinakabahan na ewan. She felt so eerie.
Eh, kung ako na kaya ang maunang mag-text sa kanya? Tanungin ko siya kung nakarating na ba siya sa Maynila? Kaya lang, 'pag ginawa ko iyon ay siguradong katakot-takot na kantiyaw at panunudyo ang aabutin ko sa lalaking iyon.
She bit her lower lip. Namaywang siya, patuloy na nagpalakad-lakad. Kung sana ay nakipaglinawan na siya kanina kay Nick. Kung sana ay sinabi niya ritong handa na siyang bigyan ito ng pangalawang pagkakataon e 'di hindi sana siya parang timang ngayon na nag-aalala kung papaano ito kakausapin.
Maya-maya, lumiwanag ang mukha ni Anj nang may maisip, Eh kung si Paolo kaya ang patawagin ko?
Then her phone rang. Mabilis pa sa alas kuwatro na napalapit si Angelu sa mesa niyang kinapapatungan ng cell phone.
Nick Calling...
Parang ewan na napangiti si Angelu nang mabasa iyon sa screen ng telepono. Ilang beses na tumikhim muna siya bago tinanggap ang tawag. "Hello?"
"M-may I speak with... Angelu?"
Kumunot ang noo niya. Babae ang nasa kabilang linya.
"Is it Anj?"
Lumunok si Anj. Nanginginig ang boses ng babae. Parang umiiyak ito, natatakot. "Y-yes. Speaking. Who's this please?"
"Nick's mom."
Nick's mom! Nanlaki ang mga mata ni Anj. Narinig pa niya ang pagsinghot nito.
"A-Anj... n-na— n-naaksidente s-si Nick."
Malakas na napasinghap si Angelu. Parang nanlaki ang ulo niya sa narinig kasabay ng nakabibinging tibok ng kanyang puso. Natulala siya.
"Anj?"
Ang boses ng mommy ni Nick ang nagpabalik sa kanya sa reyalidad. Sunod-sunod na lumunok siya, sinisikap na kalmahin ang takot na pumuno sa kanyang pagkatao. But how can one control an overwhelming fear? Iyong klase ng takot na parang nakakasira ng ulo, nakakapanginig ng katawan.
"I—is h-he okay?" Halos hindi lumabas sa labi niya ang tanong. Please tell me he's okay. Oh, lord... "S-saang h-hospital po?" Tuluyan ng napaiyak ang dalaga.
Sinabi nito ang pangalan ng hospital. "H-he's critical, Anj."
"N-no," natatakot na sambit niya.
"H-he's asking for you. Please see him. P-please..."
BINABASA MO ANG
Loved You Then, Love You Still
RomanceIt was too late nang ma-realize ni Angelu na pinaglalaruan lang siya ni Nicholas. He walked out on her when she needed him most. Lumipas ang mga taon na akala niya ay okay na siya. Hindi pa pala... Dahil nang muling mag-krus ang mga landas nila, she...