Part 26

1.9K 87 1
                                    

TEN years. Those ten years had been so good to him. At least in terms of physical appearance, ani Angelu sa isipan habang pinagmamasdan ang litrato ni Nicholas Umali. Noon na lamang uli niya ito nakita pagkaraang talikuran siya nito sampung taon na ang nakakaraan. Pagkatapos noon ay ni hindi na niya ginustong makarinig ng balita ukol rito. Ngayon ay mas mature na itong tingnan, mas malaki ang katawan... mas guwapo.

Mas prominente na ang bawat facial features ni Nick. Mas ma-appeal ito. Kahit sa lirato lang ay may kakaibang personalidad ang aura ng lalaki. May pagkamisteryoso ang mga mata na lalong nagpatingkad sa kaguwapuhan nito. Despite her bitterness, Angelu can admit that Nick was more gorgeous now. Hindi nakapagtataka kung hulihin nga nito ang puso ng netizens. Hindi nakapagtataka kung marami ang maguwapuhan dito.

Huminga nang malalim si Angelu. "How do I feel?" tanong niya sa sarili. Ano nga ba ang nararamdaman niya ngayong nagkabalita uli siya kay Nick? Ngayong nakita niya uli ito kahit sa picture lang?

Aaminin niya, may pait sa dibdib niya. May galit para kay Nick. Iyon na lamang ang nararamdaman niya. Nothing else. Lalong wala siyang nakakapang pagmamahal sa kanyang dibdib. She was so over him. Hindi man binura ng panahon ang lahat ng emosyon na nasa kanyang dibdib para sa lalaki, sigurado siyang nabura naman ang pagmamahal.

Ah, nakakaramdam rin pala siya ng takot. Takot para kay Paolo. Paano kung... malaman nito ang tungkol kay Nick? Paano kung sa pagkakataong ito at tuluyang ipakita nito ang pananabik sa ama? Paano kung dumating si Nick at— Ah!

Isinara na ni Angelu ang lid ng laptop bago mariing pumikit. "Damn it."

Loved You Then, Love You StillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon