Part 45

1.9K 107 1
                                    


LUMILIPAS ang mga araw. Patuloy na ginagawa ni Nick ang lahat para suyuin ang anak. Naroong kausapin ito nang kausapin, ipamili ng mga damit, sapatos, at kung ano-ano pa. Habang siya, pakiramdam niya ay lalo siyang hinihigop ng presensiya nito. Nasasanay siya sa mga pangungulit nito. Nasasanay siya sa ibinibigay nitong bulaklak, sa mga ngiti, sa tinging nakapanlalambot ng tuhod. Sa mainit na dampi ng palad nito sa kanyang balat. Sa halik nito... Hindi man niya gusto pero pakiramdam niya ay hindi buo ang araw niya kapag hindi nagparamdam ang binata.

Malakas na bumuga ng hangin si Angelu. Nasasangkot na naman ang puso niya at natatakot siya. Ah, kung sana ay wala silang pangit na nakaraan, napakadali sanang magpadala sa damdamin niya. But the past was holding her back.

"Missed me?" sabi ng nanunudyong boses ni Nick na nagpabalik sa kamalayan ni Angelu.

What? Ah, Oo nga pala, naglalakad-lakad nga pala siya sa dalampasigan at— OMG! Nanlaki ang mga mata niya nang ma-realize na narating niya ang dulong parte ng resort. And Nick was there. Nakaupo ito sa batuhan, and boy, he was shirtless.

Dali-daling pumihit si Angelu at naglakad palayo, pabalik sa pinanggalingan. Kumakabog ang kanyang dibdib. Pero biglang nasa tabi na niya si Nick. Napasinghap pa siya ng hawakan nito ang palad niya. Hinila niya ang palad niya pero hindi iyon binibitiwan ng binata. Iniiwasan din niyang tingnan ito, lalo na ang hubad na katawan dahil sa tuwing makikita niya ito ay hindi niya maiwasang hindi punahin kung gaano ito kaguwapo. Kung gaano kalakas ng presensiya nito. Kung paanong nalulunod siya sa lakas ng sex appeal nito at para siyang tanga na walang ibang maisip kundi ang matikman uli ang labi nito at madama uli ang init ng katawan nito. Malala na siya, her body was burning at the mere sight of him. Ginagatungan pa iyon ng pilya niyang imahinasyon. She wasn't aware that her sensuality was this intense.

"Bitiwan mo ako."

"Bakit mo ako pinuntahan?" tudyo nito.

"Hindi kita pinuntahan," depensa niya. "Naglalakad-lakad ako at... I'm thinking okay!"

"You're thinking about us, aren't you?" anito, nakataas ang sulok ng labi sa panunukso. "Me, too. Lagi akong nag-iisip ng tungkol sa atin, Anj."

Napalunok siya. "Seryoso, Nick, bitiwan mo ang palad ko," utos niya. Nahigit na lang niya ang hininga nang walang ano-ano ay magkaharap na sila ni Nick. And his hands were now on her waist. Naituon niya ang mga palad niya sa dibdib nito para pigilin ito sa tangka nitong hapitin siya palapit sa katawan nito.

Nick smiled at her, wickedly.

"W-what the hell are you doing?" natatarantang tanong niya.

His eyes became hot. It was suddenly clouded with desire. "Anj, honey..." Tumaas ang isang palad nito, papunta sa kanyang pisngi. Napalunok siya. Gusto niyang magprotesta pero hindi niya maapuhap ang boses. Ang alam lang niya sa sandaling iyon ay nadadarang siya, nag-iinit.

Involuntarily, umawang ang kanyang mga labi. And shivers run down her spine when Nick's thumb caresses her lower lip.

"Why, oh, why I let go of you? Samantalang hindi ka ngayon mawala sa isipan ko. I'm always thinking of you, of kissing you. Of making you mine. Habang tumatagal lalo akong nababaliw sa 'yo."

Goosebumps appeared all over her skin.

"N-Nick..." nausal niya nang magtangka ang binata na ilapit ang mukha sa kanya.

Ikiniskis ni Nick ang dulo ng ilong nito sa ilong niya. Angelu was losing her mind. Nahihirapan siya sa ginagawang pagpipigil sa sarili. She needs to do something now bago pa siya tuluyang matangay.

Itinulak niya si Nick, sabay sampal dito. "Go, fuck yourself," matalim niyang sabi.

Dumaan ang sakit sa mga mata nito. "Mapapatawad mo pa kaya ako?"

She just gave him a painful smile. And Nick became sadder. Funny pero naaapektuhan siya ng lungkot nito.

"Anj, do you think we can start over?"

Napalunok siya. "S-start over?" God, parang sumisirko ang puso niya sa narinig.

Determinadong tumango si Nick. "Yes. As a family. Ikaw, ako, at ang anak natin."

Family. Para iyong echo na paulit-ulit umaalingawngaw sa kanyang tainga. Subali't hindi maganda ang naging dating niyon sa kanya. Binalingan niya ito, naniningkit ang kanyang mga mata. "Paninindigan mo talaga ang sinasabi mong 'pagbawi', ha? Handa kang pakawalan ang pagkabinata mo para lang makabawi sa nagdaang mga taon?" hindi makapaniwalang tanong niya rito, punong-puno ng sarkasmo ang kanyang mukha.

Umiling ito. "Hindi ganoon ang intensiyon ko."

"Then what?" asik niya rito. "What do you mean? Dahil ang alam ko—"

"A chance. Bigyan mo lang ako ng chance na patunayan ang mga sinasabi ko. "Hindi ko puwedeng hilingin sa 'yo na pagtiwalaan mo agad ako. But please give it a shot. Give us a shot. I'll make it worthy, I promise. I don't know why turn my back on you, Anj. But please, give me a second chance."

Hindi siya makasagot. Nalilito siya. Nagtatatalon ang puso niya sa mga naririnig pero natatakot ang kanyang isipan. Paano kung maulit ang kahapon? Paano kung masaktan lamang siya muli? Come to think of it, noon naman ay hindi nagbitiw ng ano mang pangako si Nick. Ngayon ay nangangako ito at humihingi ng pagkakataon para tuparin ang mga pangakong iyon. Puwede nga kaya niya itong pagbigyan?

"Second chance means I'm giving you the right to hurt me again," she said, barely audible. "And if you hurt me again, baka hindi ko na kayanin. B-baka hindi ko na kayaning tumayo at buuin muli ang sarili ko. It was... it was not easy, Nick. Hindi ganoon kadaling bumangon at buuin uli ang mga piraso. Hindi ganoon kadaling bumawi. I can't trust you," mapait niyang sabi. Tinalikuran na niya ito at naglakad palayo.

Nakakaraming hakbang na si Anj palayo nang sa kung anong dahilan ay tumigil siya sa paghakbang. Parang may nag-udyok sa kanya na lumingon, lingunin si Nick. And for Pete's sake, hindi niya iyon napaglabanan.

So, she looked back. Natigilan siya nang makita niyang nakaluhod sa lupa ang binata, sapo nito ang ulo na parang iniinda ang grabeng sakit. 

Loved You Then, Love You StillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon