Part 15

1.8K 80 1
                                    

"I really want you to be my girlfriend, Anj. Huwag na nating pahirapan pa ang mga sarili natin. Please."

Muli ay nalanghap ni Angelu ang hininga nito. At napapikit siya. She was intoxicated at his warm, sweet breath. Ang pagkakalapit ng mga katawan nilang iyon ni Nick ay nagdudulot sa kanya ng excitement. Ginigising ang kanyang sensuwalidad. That moment, nahiling niya na sana ay halikan siya ni Nick. She wanted him to be her first kiss.

"Anj, will you be my girlfriend?" Sa pagkakataong iyon ay halos maglapat na ang mga labi nila. They were already nose to nose and exchanging breaths!

"Anj... my sweet, Anj."

Angelu was losing her mind. Wala pa yatang matinong salita na lumalabas sa bibig niya sa sandaling iyon. Ang tanging naiisip niya ay ang halik na gustong matikman. And Nick's seductive lips were so tempting. Mukha iyong malambot at matamis. Nang-aakit. Nangangako ng langit. Nakakawala ng matinong daloy ng isip.

"Nick," aniya. She wanted him to kiss her. Pero lumalaban pa rin ang isip niya sa gusto ng puso niya. Hanggang sa matagpuan niya ang sariling kumakawala rito. Nagawa naman niya. Oh, goodness. Noon lang niya na-realize na nakabitin pala ang hininga niya sa paghihintay sa halik. Kaya pala nananakit na ang dibdib niya.

"Ni hindi mo ako sinampal sa naging kapangahasan ko," ani Nick. "That means I was right. You really like me, too."

Napabaling si Angelu sa binata. Ito na ang nakasandal sa pader. Nakasalikop ang mga braso sa tapat ng dibdib nito. Ang isang paa ay nakatukod din sa pader. "Why are you so afraid, Anj?"

"Dahil hindi kita kilala. Hindi mo ako kilala," pakli niya. For Pete's sake, ni wala siyang alam tungkol dito maliban sa pangalan nito. Gusto niyang sabunutan ang sarili dahil sa nangyari. Damn, lalong hindi siya patatahimikin ni Nick dahil roon. It will haunt her. Ang nangyaring eksena ay siguradong magpapabalik-balik sa isipan at panaginip niya. She'll wonder kung ano kaya ang lasa ng halik ni Nick. Lagi niyang iisipin kung paano kaya kung tuluyang naglapat ang mga labi nila.

"Kinikilala mo ba muna ang isang tao bago ka magkagusto sa kanya? May certain criteria ka ba?" balik nito. "Anj, may mga tao na alam na agad nila na gusto nila ang isang tao sa unang kita pa lang nila dito. Ever heard of love at first sight? They can't help themselves. May mga tao din naman na nade-develop lang ang feelings habang dumadaan ang panahon. Alin ka man sa dalawa, walang mali roon. Ang mali ay kung sisikilin mo ang nadarama mo dahil ikaw lang ang mahihirapan."

"What about those rumors about me? Sigurado akong narinig mo na ang mga iyon?" gustong mapahikbi ni Angelu. She wanted Nick to be different. Nahihiling niya na sana ay totoong may pagtingin nga ito sa kanya. Na malinis ang intensiyon nito.

Nilapitan siya ni Nick. Nanlaki ang mga mata niya nang kabigin siya nito at ipaloob sa mga bisig nito. Hindi natagpuan ni Angelu sa kalooban niya ang kagustuhang manlaban o tumanggi sa yakap. Because she instantly likes it to be in his arms. Ang init ng yakap nito, ang pakiramdam na mapaloob sa mga bisig nito... It was giving her security. And belongingness. It feels home. At sa totoo lang, ayaw na niyang lumaban. She suddenly wanted to just let her feelings flow. Malaking tulong ang naging pag-uusap nila ng mama niya. Bakit nga ba siya mabubuhay base sa opinion ng iba?

"The hell with the rumors," anito. "Let me protect you, Anj. Let me be your man." Nang hindi siya sumagot ay hinawakan nito ang mga balikat niya. Nick looked straight into her eyes. "Payag ka na bang maging girlfriend ko?"

Napalunok siya. "H-hindi ba magiging napakabilis naman?" alanganin niyang tanong. Na parang sinabi na rin niya na payag nga siya sa gusto ng binata.

"Aw, come on, sweetheart. Ang mahalaga lang ay ikaw at ako. Tayo. Eh, ano, kung mabilis? Ang mahalaga ay nagkakaunawaan tayo." Nick slightly held her chin. Marahang humaplos ang hinalalaki nito sa baba niya. "Anj, you're too young to be serious about life. I-enjoy mo lang ang kasalukuyan. That's what life should be." Hinuli nito ang mga mata niya. Then he smiled at her. Iyong klase ng ngiti na nagpaalis sa kahit na anong agam-agam na natitira sa dibdib niya.

Loved You Then, Love You StillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon