Part 53

2K 117 8
                                    



"NICK, WHERE are you? Akala ko nandito ka na sa bahay?" agad na sabi ng mommy ni Nick nang tumawag ito.

"On my way, Mom," sagot niya. Parang puputok ang ulo niya sa sunod-sunod na problemang kinakaharap. May posibilidad na umalis sila, Anj's pregnant, and— ah! sumasakit ang ulo ni Nick. "Malapit na. A few meters away."

"Bilisan mo, Nick. Kailangan na nating umalis ngayon. We have a flight to catch."

Nick's lips parted in disbelief. "A-aalis? Ngayon?" nanlalaki ang mga matang tanong niya. Itinabi ni Nick ang sasakyan. Dumadagundong ang kanyang dibdib.

"Pag-usapan natin pagpunta mo sa buhay. Or, while we're on our way..."

"No! Sabihin n'yo sa akin ngayon kung ano ang ibig ninyong sabihin. What do you mean kailangan na nating umalis?"

"F-flight na natin pa-America mamayang gabi, Nick."

Parang nanlaki ang ulo ni Nick. "What?!" Umiling-iling siya. No, no!

"Nick, napag-usapan na natin ito, 'di ba? N-natunton na tayo ng kalaban sa pulitiko ng daddy mo. And he wants us to leave right away. Okay na daw ang papeles natin at—"

Galit na pinutol ni Nick ang tawag. No, way. He can't leave Angelu. He can't leave her and their child. "Child..." nausal ni Nick. Nanlaki ang kanyang mga mata. Parang noon lang niya napagtanto kung ano ang inasal niya kanina kay Angelu, kung paano niya tinanggap ang balita. Para siyang bata na natakot kanina. He practically walked out on her. At halos sisihin pa niya ito. "Oh, God, ano'ng nagawa ko?" bulalas niya. Mahal niya si Angelu. At sumumpa siya noon na kapag dumating ang araw ay hindi niya hahayaan ang anak niya na lumaki ng walang ama. No, hindi niya iiwan si Angelu. Pananagutan niya ito at ang kanyang anak. The hell with Senator Umali's political career! The hell with him!

Muling nagri-ring ang telepono niya. It was his mother. Pero hindi iyon iniintindi ni Nick. Babalikan niya si Angelu. He'll tell her that everything will be all right. Na aayusin nila ang lahat at magkasama, magkahawak-kamay na haharapin ang panibagong yugto ng buhay nila. Mahirap siguro pero kakayanin nila. He loves Anj. He loves her so much. Oo, sasabihin niya ritong mahal niya ito. Mahal na mahal. Hihingi siya ng tawad sa dalaga. Hindi niya alam kung sapat na bang rason na nabigla siya, nataranta, at natakot kaya ganoon ang naging reaksiyon niya kanina. Pero gagawin niya ang lahat para rito at sa kanilang anak. Magsisimula sila ng isang pamilya. Iyong buo, may nanay at tatay. Maging masaya sila at kuntento. Nick smiled. May luha pang sumungaw sa mga mata niya. "Oh, Anj..."

Mabilis na ibinuwelta ni Nick pabalik ang sasakyan. But Nick became careless. Hindi muna niya tiningan kung may paparating ba na sasakyan. It was too late. Pagbaling ni Nick ay hayan na ang matulin na kotse. And it was too late to retract. Maging ito rin marahil ay nagulat sa bigla niyang pagbuwelta at dahil sa tulin ng takbo ay huli na rin para umiwas.

"Oh, God. Oh, God!" hintakot na bulalas niya. Nick froze and saw his death coming. At sa huling sandali ay si Angelu at ang luhaang mukha nito ang nasa isipan niya. "I love you, Anj. And I'm sorry." Sumalpok ang paparating na sasakyan sa kanya. Kasunod niyon ang tunog ng nakangingilong banggaan at pagkakayupi ng mga lata ng sasakyan.



--------------------------------

Aww. So 'yon pala ang nangyari noon, guys. :(

Loved You Then, Love You StillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon