Part 47

1.9K 103 1
                                    


HUMIHIKAB na lumabas si Angelu sa silid niya. Pumunta siya sa kusina para magtimpla ng kape. Nang maisalang iyon sa percolator ay naupo lang siya sa mesa. Ipinatong ang kanang siko sa ibabaw ng mesa at tulalang nangalumbaba.

"I think I loved you then, Anj. And I love you still."

She let out a hefty sigh. Nagulat pa siya nang may may door bell.

Kumabog ang dibdib niya. And just like that she knew it was Nick. Ganoon ang tibok ng puso niya kapag nasa paligid ang binata. Shit! Kaaga-aga naman nitong mambub'wisit. Nagmamartsang lumapit siya sa may pinto. Binuksan niya ang pintuang kahoy. May isa pang pinto na ang upper part ay may screen para makita kung sino ang nasa labas, hindi niya iyon binuksan. "Ang aga mong manira ng araw," agad na banat niya, nakasimangot.

Nick smiled, amusingly. Bakit parang may mumunting ilaw na nagsasayaw sa mga mata nito? It was making him more attractive. Napakaaliwalas ng aura nito. "Good morning."

Bagong paligo si Nick base sa basa pang buhok nito. His scent was filling her nose and it's making her lose her senses. Parang gusto niyang idikit pa rito ang ilong niya at singhutin ito nang singhutin. He wears a blue polo shirt. Hindi na niya makita kung ano ang suot nitong pambaba dahil kalahati lang ang may screen, ang kalahati ng pinto ay stainless na.

"I can't say the same," nakalabing sagot niya. Parang ipinapaalala ng nagniningning na mga mata nito ang naganap na halik. Pinagsalikop pa niya ang mga braso sa tapat ng dibdib. Kung alam lang nito na halos hindi na siya nakakatulog nang maayos simula nang magpakita uli nito. Tapos, magsasalita pa ito na akala mo ay may nararamdaman ito sa kanya. And then there were his kisses... Oh, Christ, sino ang matatahimik sa lagay na iyon?

Nick chuckled. Ang ngiti sa labi nito ay nagpapatunay na naging maganda ang tulog nito, pati na ang gising. Unlike her. "You're so beautiful," anito, pinamamasyal ang mga mata sa kanyang mukha at sa lahat ng nahahantad ng screen.

Na-conscious ang dalaga. Tinitingnan siya nito na para bang siya ang pinakamagandang likha ng Kalikasan na nakita nito. Nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto na ni hindi pa nga pala siya nanunuklay. At naka bata de roba pa siya! Her cheeks flushed, no, it was burning.

"Damn, Anj, kaya kong ipagpalit ang lahat makita ka lang ng ganyan araw-araw. No, mas maganda kung ganyan mismo ang mamumulatan ng mga mata ko." Naging pilyo ang kislap ng mga mata ni Nick. "And I'm sure you're lovelier, more gorgeous in the morning after we spend the night... passionately."

"Nick," angil niya. Pero lalong nag-iinit ang kanyang mga pisngi. "Ano ba ang ginagawa mo dito?"

"Oo nga pala," natatawang sabi ni Nick. "Nakita lang kita, nawala na ako sa sarili ko."

Pinanlakihan niya ito ng mga mata. Ano ba ang ginagawa nito? Misyon ba nito na lalong guluhin ang sistema niya?

"Actually, pumunta ako dito ng ganito kaaga para magpaalam."

"You're leaving?" sabi ng boses ni Paolo.

Nilingon ni Angelu ang silid ng anak. Naroon ito sa nakabukas na pintuan, mukhang kalalabas pa lang. Hindi mahirap sabihin na nasaktan ito sa narinig. "So you'll walk out on us again. Again." Bumalik si Paolo sa silid nito at isinara ang pinto.

Loved You Then, Love You StillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon