"MOMMY?" nagtatanong hindi lamang ang boses ni Paolo kundi maging ang mga mata nito.
Angelu bit her lower lip, hard. Nasa opisina niya silang mag-ina. Siya ay palakad-lakad, natataranta. Ang bata ay nakaupo. "I looked just like him, mommy," sabi pa ni Paolo. Mariing napapikit si Angelu. Matalino si Paolo. She knew he's fishing for information. May hinala na ito kung sino ang lalaking iyon pero ayaw nitong direktang magtanong. Gusto ni Paolo na sa labi mismo niya mangagaling ang totoo.
Oh, God! Akala niya ay isang guest lamang si Nick na masama ang pakiramdam dahil nakakapit sa isang puno na tila nahihilo kaya nilapitan niya ito. But, Jesus, para siyang pinagsakluban ng langit at lupa nang mapagtanto niya na si Nick iyon. Tuluyang nawalan ng malay ang lalaki. Nang makabawi si Angelu sa pagkabigla ay nag-utos siya sa namataang male staff na dalhin sa clinic si Nick. He was here, ayaw niyang magkaroon ng balita na may guest sa resort na nawalan ng malay pero pinabayaan niya. Silang mag-ina ay dumeretso sa opisina.
Naupo siya sa tabi ng anak. Ipinatong niya ang mga siko sa kanyang mga hita bago isinubsob ang mukha sa mga palad. God! Pakiramdam niya ay nasa mga balikat niya ang bigat ng mundo. It was so heavy it felt like it was crushing her to the ground.
"M-Mom," sabi ni Paolo sa basag na boses.
Bumuga ng hangin si Angelu. Gusto niyang magpakatatag pero hindi niya mapigilan ang kanyang emosyon. Nagbabanta na agad ang mga luha sa mga mata niya. How dare him showed here! Ang kapal naman talaga ng mukha ng Nick na iyon.
Kinuha niya ang mga palad ni Paolo at hinawakan iyon. "P-Pao..." panimula niya. "S-sa palagay ko ay... s-sa palagay ko ay may ideya ka na kung... s-sino siya." Nanlabo ang nag-iinit na mga mata niya. Parang gripo na nabuksan iyon at tuloy-tuloy na umagos ang luha.
Nakita niya ang pagtango ni Paolo. Maging ito ay namumula ang mga mata. "S-sino... s-sino po siya, Mommy?" tanong pa rin nito. "Is he... is he...." Lalong nanikip ang dibdib ni Angelu nang makita ang hindi mapigilang emosyon na sumusungaw sa mga bata ng anak. Naroon sa mga ni Paolo ang pag-asam. Naroon at sumusungaw ang pananabik.
Parang pinipiga ang puso niya. Hindi napigilan ni Angelu ang mga paghikbi. Sabi na nga ba niya at naghahanap si Paolo sa ama nito. Kunsabagay, sinong bata ba naman ang hindi maghahanap ng ama?
"H-he's your f-father," nanginginig ang boses na pag-amin niya. Ah! Hindi niya alam kung tama ang sinabi niya. Hindi niya alam kung tama bang umamin siya dahil hindi naman niya alam kung ano ang intensiyon ni Nick. But, God, hindi niya mapahindian ang piping hiling sa mga mata ng anak. She can not lie to him, can not deny the fact. Isa pa, paano ba niya ide-deny ang katotohanang kasing liwanag ng sikat ng araw? Magkamukha ang dalawa. At maaaring naramdaman ni Paolo ang kakaibang koneksiyon, ang lukso ng dugo.
"He is?" pagkumpirma ni Paolo. The kid was crying now. "May d-daddy ako..." Nahahati ang puso niya sa sayang nasa mukha nito. Para bang napakaraming tanong ng bata pero hindi alam kung ano ang uunahin, o kung paano iyon sasabihin. "S-sabi po ni Ninang Wena dati, h-he walked out on us."
"What?" gulat na bulalas niya.
Tumango si Paolo. "S-sabi po ni Ninang, nasasaktan ka kapag nagtatanong ako tungkol sa daddy ko. So I stop asking, mommy. Kahit hindi ko po alam kung paano ka nasasaktan. Basta ayokong masaktan ka kaya hindi na po ako nagtatanong."
Lalong nalaglag ang mga luha ni Angelu. Hindi niya alam ang bagay na iyon. Basta ang natatandaan niya, isang araw ay hindi na nagtatanong si Paolo kung nasaan ang daddy nito, o kung bakit wala umano itong daddy.
"I-if... if he walked out on us that makes him a bad person, right, mommy? He walked out on us kasi po ayaw niya sa atin. H-hindi po niya tayo mahal..."
"Paolo," aniya. Sinapo niya sa mga palad ang mukha ng anak bago pinahid ang mga luha roon gamit ang kanyang mga hinlalaki. Hindi na lamang pangungulila ang naroon dahil humahalo na rin ang pagdaramdam. Niyakap niya ang anak. "We'll sort this out, okay? Magiging maayos ang lahat, I promise you."
Hindi ka makukuha ni Nick sa akin. Kung iyon ang intensiyon niya. Ako ang naghirap sa 'yo. Ako ang nagmamahal sa 'yo. Ako ang nagpalaki sa 'yo kaya akin ka lang.
BINABASA MO ANG
Loved You Then, Love You Still
RomanceIt was too late nang ma-realize ni Angelu na pinaglalaruan lang siya ni Nicholas. He walked out on her when she needed him most. Lumipas ang mga taon na akala niya ay okay na siya. Hindi pa pala... Dahil nang muling mag-krus ang mga landas nila, she...