"DAMN YOU!" agad na buwelta niya nang makalayo sila sa cottage. "Bakit pumunta ka rito?"
Tumiim ang bagang ni Nick. "Sinabi ko na, hindi ba? Gusto kong maging bahagi ng buhay ng anak ko," matigas namang saad nito. "Hindi ko hihintaying siya ang lumapit sa akin, Anj. I will do everyhting to win his heart!"
She sarcastically looked at him. "Alam mo bang hindi ko na matandaan kung kailan huling nagtanong si Paolo ng tungkol sa daddy niya. Akala ko ay dahil nasanay na siyang kami lang. And then you showed up here. Saka ko nalaman na kaya siya tumigil sa pagtatanong ng tungkol sa ama niya ay dahil nalaman niya ang totoo. He knows you walked out on me. You walked out on us, Nick."
Parang patalim ang mga sinabi niya na paulit-ulit na sumaksak sa puso ni Nick. It was obvious in his expression. He was pale. Hindi ito makapagsalita.
"Kaya hindi mo siya makukuha sa akin, kung iyon ang binabalak mo. Kahit umabot pa tayo sa korte!" Naiyak na si Angelu. Mamamatay siya kapag inilayo sa kanya ang anak. She will die for him. Live for him. Paolo was worth all the pain and all the heartache.
"No, hindi tayo aabot sa korte," anito, frustrated. Sinakop nito ang distansiyang naghihiwalay sa kanila. Hinawakan ang magkabila niyang balikat. "Hindi ko ilalagay si Paolo sa ganyang sitwasyon. Alam kong magiging traumatic na experience iyon sa bata." Nick's firm expression softens as he looks at her face. Malikot ang mga mata nito na para bang hindi matagalang makita ang luhaan niyang mukha. Hanggang sa tumaas ang palad nitong nakahawak sa kanyang balikat, umakto ito na pupunasan ang kanyang mga luha.
Pero pumiksi siya at kumawala rito. She wiped her own tears. "Good," matigas niyang saad. "Do that for your own good. Dahil sinisiguro ko sa 'yo na mapapahiya ka lang. Paolo doesn't want you."
Nick groaned in exasperation. Para bang hindi nito alam kung papaano isasaboses ang gusto nitong sabihin. "Look, Anj," anito, nasa mga mata ang pakikiusap. "A-alam ko na malaki ang kasalanan ko. Hindi ko inaasahan na mapapatawad mo ako nang ganoon kadali. Hindi ko rin naman inaasahan na matatanggap ako ng bata nang ganoon kadali. But please..."
"Please what?!" asik niya, may pagkumpas pa ng mga kamay. She doesn't want him begging. Dahil parang lumalambot ang matigas niyang puso.
"Gusto kong maging bahagi ng buhay niya. Pero hindi naman sa punto na aagawin namin si Paolo o kukunin namin siya sa 'yo. Gusto kong bumawi, Anj. So please give me a chance. Ipagkakait mo ba sa bata ang pagkakataon na magkaroon siya ng kikilalaning ama?"
Nagpanting ang tainga niya sa narinig. "Wow!" sarkastikong bulalas niya. "Coming from you, Nick... Really? Ikaw ang tumalikod, Nick. Oh, yeah, right, hindi mo nga pala matandaan," malamig niyang tugon.
Tumiim ang bagang ng binata. "God. Lagi mo bang ibabalik ang topic na 'yan?" pormal na tanong nito.
"Hindi iyon madaling kalimutan," balik niya, nanlilisik ang mga mata, tiim ang labi. "Pinaibig mo ako, Nick," hindi niya napigilang sumbat rito. Dinuro pa niya ito. "Ibinigay ko sa 'yo ang lahat. Pagkatapos, ano? Nawala ka na lang na parang bula nang malaman mong buntis ako! Pagkatapos ngayon sasabihin mo na gusto mong maging bahagi ng buhay ng anak ko? Ganoon kadali na lang ba iyon? Oh, how convenient for you."
Nahagod ng binata ang buhok nito. Tumalikod ito sa kanya. Galit na sinipa ang buhangin. Pagkuwa'y mariin na namaywang. He inhaled sharply. He looked as if he was calming himself. Inalis nito ang pagkakapamaywang at muling humarap sa kanya. "I can't remember a thing. And all right, that's not an excuse. Pero sabihin mo, ano ang kailangan kong gawin para mapatunayan sa 'yo na pinagsisisihan ko ang sandaling iyon? Nginangatngat ako ng pagsisisi, dito," itinuro nito ang tapat ng puso. "Wala kang ideya kung gaano ako nanliliit, kung paanong hiyang-hiya akong humarap sa 'yo."
Nag-iwas siya ng tingin. Tears stung again her eyes. Namuo ang mga luha at tuloy-tuloy iyong nalaglag. Angelu harshly wiped it away. Ayaw niyang umiyak sa harap ni Nick. Pero ang pesteng mga luha niya ay hindi mapigilan. "I d-don't know. Ang alam ko lang ay galit ako sa 'yo at ayaw kong maging bahagi ka ng buhay ng anak ko. Tinalikuran mo siya. Tinalikuran mo kami. You were not there when I needed you most. Y-you were a damn coward. Wala kang ideya kung paanong gumuho ang mundo ko. Napakabata ko pa rin noon, natatakot..." Tumigil siya sa paglilitanya. Napakasikip na ng dibdib niya na pakiramdam niya ay puputok iyon. Ilang beses na humugot siya ng malalim na hininga para pagaanin ang dibdib. "Look, I made it, Nick. Nabuhay ko at naitaguyod ang anak ko. Sa kabila ng mga hirap, nagawa ko. Hindi ka namin kinailangan noon, lalong hindi ka na namin kailangan ngayon. I can provide anything for my son. Kaya gusto kong magalit sa 'yo ang anak ko. Gusto kong mamuhi siya sa 'yo. Gusto kong itakwil ka niya."
"That's not fair," mahinang komento ni Nick, may dumaang sakit sa mga mata. Nagyuko ito ng ulo, animo talunan.
---------------------------
Awit, Nick! Charot. haha.
BINABASA MO ANG
Loved You Then, Love You Still
RomansaIt was too late nang ma-realize ni Angelu na pinaglalaruan lang siya ni Nicholas. He walked out on her when she needed him most. Lumipas ang mga taon na akala niya ay okay na siya. Hindi pa pala... Dahil nang muling mag-krus ang mga landas nila, she...