Part 58

2K 102 1
                                    


ANJ'S writing a love confession. Isinusulat niya ang kuwento nila ni Your Highness. Iyong tamang version na, the two sides of the story. Ipapadala niya iyon sa confession page. Umaasang may mapupulot na leksiyon ang readers. Na minsan 'yong alam nating totoo ay hindi pala totoo. Na kahit gaano karaming pagsubok at paghihirap ang pagdaanan ninyo, kung talagang para kayo sa isa't-isa, muli't muling magtatagpo ang mga landas ninyo. Gagawa ng paraan ang tadhana para itama ang lahat.

I-s-in-ave ni Angelu ang ginawa bago isinara ang lid ng laptop. She checked her wristwatch. Mag-uumaga na pala. Si Paolo ay isinama ng matatanda pauwi sa bahay ng mga ito. Siya ang may kagustuhan na okay lang kahit siya lang ang magbantay doon. Nangakong babalik din agad kinaumagahan ang mga ito.

Humihikab na pinuntahan niya ang silya na nasa may kama ni Nick. Mayroong extra na kama roon pero ayaw doon umidlip ni Anj. Bahagya niyang iniabante ang silya papalapit sa kama. Kapagkuwan ay ipinatong niya ang siko sa gilid ng kama, bago nangalumbaba kay Nick. Hindi niya maiwasang hindi mangiti habang inaalala ang mga pangungulit nito noon sa kanya. How charming and over confident he was before.

Ang isang libreng palad ay ginamit niya para haplusin ang mukha ng binata. She loves tracing the contour of his face with her finger. His jaw, the bridge of his nose, the sexy outline of his lips... everything.

"I'm writing our story, Nick. And ours is not just a love story, it's romance. Ang love story daw kasi, sabi nila, ay puwedeng hindi happily-ever-after ang katapusan. Puwedeng kuwento lang daw iyon ng dalawang taong nagmahalan pero hindi nagkatuluyan. Ang lungkot naman niyon... Ours will have a happy ending, right Prince Charming?" Muli siyang humikab. Mula sa pangangalumbaba ay ipinatong na niya ang ulo sa kama. Ang palad ni Nick ay hinawakan niya at dinala sa kanyang pisngi. Hindi na mapaglabanan ni Anj ang antok.   

Loved You Then, Love You StillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon