Part 27

1.9K 80 1
                                    

"THIS is fine," tumatangong komento ni Nick sa binisitang condo unit doon din sa Alabang. Sinadya niyang doon na rin mismo sa Alabang kumuha ng matitirahan niya para malapit na rin sa NHP. Actually, kanina sa opisina ay pinakitaan na siya ng secretary niya ng mga litrato ng tatlong magkakaibang unit. Isa ang pumasok sa taste niya at iyon nga ang binisita nila ngayon. Muli niyang inilibot ang paningin sa sala. He likes the theme. Gusto rin niya ang pagkakaayos ng ilang gamit, pati na ang mga partitions. "Yeah, I like it. Ito na ang kukunin ko."

"Okay, Sir," anang secretarya niya. Nakipag-usap na ito sa ahente.

Naramdaman ni Nick ang pagba-vibrate ng telepono niya na nasa inside pocket ng kanyang suit. Kinuha niya iyon, tiningnan kung sino ang tumatawag. Nang makitang ang kanyang ina ang tumatawag ay agad niyang dinala sa taynga ang telepono at sinagot ang tawag. "Mom."

"N-Nick, are you busy?"

Nahimigan niya ang pag-aalala at iba pang emosyon sa tinig ng ina. "What's wrong, Mom?" agad na tanong niya. "Tapos ko nang tingnan ang unit. Do you want me to go home?"

"I don't know... Ako lang yata ang namumroblema. Kaya lang..." his mother sighed.

"Okay, uuwi na ako. Pag-usapan natin iyan pagdating ko, Mom, whatever it is," aniya. Minsan lang kasi magkaganito ang ina kaya kuhang-kuha nito ang kanyang atensiyon. "Vickie," pagtawag niya sa secretarya habang ibinabalik ang telepono sa inside pocket ng kanyang suit. "Ikaw na ang bahalang umayos ng papeles, okay? I'll sign them tomorrow in the office." Iyon lang at umalis na siya.

KUNG ANO man ang bumabagabag sa mommy niya ay mukhang hindi na ito makapaghintay na makausap siya. Paano, pagpasok ng kotse ni Nick sa driveway ay namataan na agad niya ang ina na naroon sa porch. Mukhang inaantabayanan talaga nito ang pagdating niya. Kaya naman hindi na rin nagawang ideretso ni Nick sa garahe ang kotse. Pinatay na niya ang makina ng sasakyan, binuksan ang pinto niyon at bumaba.

"Mom," usal niya. "What's wrong? Are you okay? Is Nathaniel—"

"We're fine, Nick," sagot nito, pero hayon at hindi nito maitago ang concern sa mukha.

"Then what's with that face?"

Napansin yata na naroon pa sila sa porch, hinawakan ng mommy niya ang braso niya at niyaya siyang pumasok sa bahay. Naupo sila sa mahabang sofa.

"I... I really can't ask you dahil... dahil nawawala ang memory mo. Pero..."

"Pero?" agad na tanong niya, hindi makapaghintay sa susunod nitong sasabihin. A furrow appeared on his forehead.

"Hindi ba at nag-viral ang picture mo? Well, nagbabasa ako ng comments sa picture mo nang... nang may mga hate comments na pumasok."

"Hate comments?" gagad niya. Halos matawa siya. Iyon ang inaalala nito? Hate comments about his pictures, really? Bibiruin dapat niya ang ina pero naisantabi niya iyon dahil sa emosyong nasa mukha ng matanda. His mother was really bothered. "Ano'ng klaseng hate comments?"

"Sabi hindi ka daw dapat hangaan dahil good looks lang ang meron ka at wala kang balls."

Tuluyan na siyang natawa. Hindi niya maiwasang natural na matawa because it sounds so absurd. "At iyon ang dahilan ng concern mo, 'My?" Seriously, naba-bother ang ina niya dahil sa hindi magagandang komento tungkol sa kanya? Well, he should know better. Ina nga naman ito. At bawat masasakit na salita laban sa anak ay mas nasasaktan ang ina. Hindi daw matatawaran ang pagmamahal at proteksiyon ng isang ina sa anak.

"There's more to it, Nick. Bawat hate comments na pumapasok ay may kasamang link. Link na magdi-direct sa isang confession page. Someone confessed something about you. At nagba-viral na rin iyon. And, my God, alam na rin ng Netizens kung sino ka. I mean you being Ben Umali's son. Magugulat ka rin dahil may mga pictures na sa internet. Pictures mo kasama ang ilang socialite at models na naging girlfriend mo."

Kumunot ang noo niya. "May nag-confess tungkol sa akin?" tanong niya. Iyon ang kumuha sa atensiyon niya at hindi ang pictures umano niya kasama ang mga naging girlfriend niya, o ang pagkakadikit niya sa namayapang senador. "Ano ho'ng sabi sa confession?"

Sa halip na sumagot ay dinampot nito ang iPad na nakapatong sa mesita. Nagpipindot ito roon, kapagkuwan ay iniabot iyon sa kanya. Nagtataka man, tinanggap ni Nick ang iPad at tinunghayan iyon. Pinasadahan niya ng basa ang nakabukas na page.

Loved You Then, Love You StillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon