Part 61

2.6K 111 1
                                    


--- This is inspiring. Thank God nagkaroon na ng linaw ang nangyari sa inyo. You deserved to be happy.

--- OMG. Parang pelikula. Akalain mo nga naman na iba pala ang totoo kesa sa alam mo, Guada. Tapos after all those years, mahal n'yo pa rin pala ang isa't-isa. Rooting for you, Your Highness and Guada.

---This makes me think kung dapat ko bang kausapin ang ex ko. Wala rin kaming closure. She hurts me. Hindi ko siya binigyan ng pagkakataong ipaliwanag ang side niya.

---Love really moves in mysterious ways. Kung kayo talaga ang para sa isa't-isa, muling pagtatagpuin ang mga landas ninyo. Cheering for you.

--- Be happy now, you guys. Bawiin ninyo ang mga taong nagdaan. Hay... naniniwala na talaga ako sa power of love.

---Tingnan mo nga naman ang nagagawa ng modern technology. Kung hindi nag-viral si Your Highness, hindi magko-confess si Guada. Kung hindi nag-confess si Guada, hindi mako-call ang attention ni YH na dumaranas pala ng amnesia. Naiimagine ko ang eksena ng muling pagkikita nila and how they feel that time. Ah, ang sarap ma in love.

--- Holy cow. Ang ganda-ganda mo pala, Guada. Bagay na bagay kayo ni YH. Shucks! Kayo na ang favorite couple ko. Please gawa kayo ng Facebook page para naman masubaybayan pa rin namin ang love story ninyo. Or, gawa kayo ng vlog. Please, please.

Angelu was all smiles while reading the comments. Bagaman, naibahagi na niya sa confession ang pinaka-summary ng kuwento nila ni Nick, may mga bagay pa rin naman silang hindi ibinahagi tulad ng muling pagkakaaksidente ni Nick. Hindi rin nila ibinahagi ang personal information nila kaya nananatiling 'Hottie, Your Highness, at Guada' ang mga pangalan nila. Iyon na rin ang huling confession na gagawin at ipapadala nila sa confession page na iyon.

Ibinaba ni Angelu ang cell phone nang maging kakaiba ang tibok ng puso niya. Luminga-linga siya. There, nakita niya ang asawa. Nakasandal ito sa isang puno. Mukhang pinagmamasdan siya. At base sa hawak nitong cell phone, mukhang kinukuhanan na naman siya nito ng pictures. He said taking her and Paolo's picture became a habit already. She smiled and waved at him. Muling itinaas ni Nick ang cell phone na marahil ay para kuhanan uli siya ng picture habang nakangiting kumakaway. Pagkatapos ay malalaki ang hakbang na lumapit ito. Nakasuot pa ito ng business suit.

Nang makalapit agad inapuhap ni Nick ang labi niya. They kissed, hot and passionately, as always. Halik na nagpapahayag ng pagmamahal. Halik na parang nakasinding posporo na ibinato sa isang tambak ng tuyong dayami. Oh, Nick and her were so hot for each other. They were compatible in bed. Why, she could be wanton.

Umupo ito sa tabi niya. At tulad ng dati, he will look at her with that mushy look. Na para bang sa bawat pagdaan ng araw ay lalo itong nahuhulog sa kanya. Masarap iyon sa pakiramdam, sa totoo lang. Lalo pa at showy sa nararamdaman ang asawa niya. Malambing ito. Maasikaso. Sinasabi at ipinapadama sa kanya ang pagmamahal nito. Sa tuwina ay parang puputok ang puso niya sa saya at pagmamalaki. Binawi na niya ang sinabi niya na isang pagkakamali sa buhay niya si Nick. No, he was not a mistake. Nagkataon lang na hindi pa pabor ang tadhana sa kanila noon.

Nangalumbaba pa si Nick habang nakatingin sa kanya. Itinuon nito ang siko sa tuhod nito. "Bakit parang lalo kang gumaganda, wife?"

Hindi niya napigilang matawa sa sinabi nito. Oh, well, he sounds serious though. Itinakip niya ang isang palad niya sa mukha nito. Pero kinuha lang ni Nick ang palad niya at dinala sa tapat ng labi nito at hinagkan. Then he entwined their fingers. "But I'm serious."

"Hindi mo ba alam? Your love was making me glow." She giggled.

Nick snapped his fingers. Malawak ang pagkakangiti nito. "Ah! It made sense. Lalo kang gumaganda sa pagdaan ng araw dahil lalong lumalalim ang pagmamahal ko sa 'yo."

Napabungisngis siya. Hindi dahil nakokornihan siya sa sinabi nito kundi dahil kinikilig siya. "Oh, God, I love this man," bulong niya.

"Say it again."

"I love you," mabilis na sabi niya habang nakatingin dito.

Kinagat ni Nick ang lower lip nito. Nakataas ang sulok ng mga labi. Mukhang kinikilig ang loko. "Hindi ko narinig."

She laughed. "Well then let me just show you." Hinalikan niya ito. Halik na tulad ng dati ay hindi matatapos kung hindi sila pangangapusan ng hininga. "I love you."

"I love you, Anj. Truly. Deeply. Madly."

Nang tanungin nila si Paolo kung saan nito gustong tumira; sa Maynila o sa resort, pinili nito ang resort kaya doon sila naka-base. Doon din idinaos ang kanilang kasal. Wena was there at her wedding. Si Nick ang medyo nagsasakripisyo sa set up nila. Kailangan kasi nitong bumiyahe ng malayo. Bagaman sabi nito ay magbabawas umano ito ng workload para kahit sa resort na rin magtrabaho at paminsan-minsan na lang pumunta ng opisina. May tao umano mula sa main NH office na siyang mamahala sa NH Philippines.

"Kanina ka pa? I mean, kanina ka pa nakatayo doon?" tanong niya. Niluwagan niya ang suot nitong necktie.

"Hindi. Na-sense mo agad ang presence ko. Dinaanan ko na si Paolo sa school. He's changing his clothes now. How's your day?" Hinawakan nito ang maimpis na umbok sa tiyan niya at marahang hinaplos. "And you, little one, how's your day?"

She grinned. Sasagot sana siya nang---

"Mommy! Daddy!" 

Loved You Then, Love You StillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon