Part 62- Ending

4.1K 323 56
                                    

She grinned. Sasagot sana siya nang---

"Mommy! Daddy!"

si Paolo. Humahangos na lumapit ito. "Guess what it is," anito sa nakataas na hawak na parcel.

Nagkatinginan sila ni Nick. Nakita na niya ang parcel na iyon kasama ng mga sulat na dinala ng kartero kanina. Galing iyon sa cooking show na pinag-audition-an ng bata. She gave her husband a wink. She was positive Paolo aced his audition piece. Sinamahan nila ang bata noong mag-audition ito. Kalabisan man pero hindi talaga siya kinakabahan para sa anak. With his gift and knowledge, alam niyang makakapasok sa kumpetisyon si Paolo at mananalo ito.

"Whoa! Is that the audition result?" namimilog ang mga mata at excited na sabi ni Nick. Pinaupo nito ang bata sa gitna nila.

"Yes, daddy."

"Open it and let's see it."

"Paano po if I didn't make the cut?" bakas ang pag-aalangan sa mukha nito.

"Well I think you made it," ani Nick. "You have the gift. Seryoso at may passion ka sa ginagawa mo. But if the judges passed on you, don't get disheartened. Hindi ibig sabihin noon ay wala kang talent. Ang ibig sabihin niyon ay hindi pa ito ang tamang oras para mag-shine ka. And that you are destined to a much greater plan. You see, oftentimes, it's all about God's perfect time. But I really believe you made it."

Hinaplos niya ang pisngi ng panganay niya. "That's true, son. Also, know that Mommy and your brother or sister also believe in you."

Tumango-tango si Paolo. "Bubuksan ko na po." Binuksan nito ang parcel. Namilog at lumiwanag ang mga nang makita ang isang apron na may burda ng pangalan nito. "Oh, my God!"

"You made it," sabay na wika nila ni Nick. They hugged him, and kissed his cheek and head. "Congratulations, son."

Ah, this is her life now. Their life now. Masaya. Kuntento. Puno ng pagmamahalan. May peace of mind. And in a few months' time, isisilang niya ang pangalawa nilang anak ni Nick. It really felt like the world was in her hands now. Na para bang bumabawi talaga sa kanila ang tadhana sa ginawa nitong paglalaro sa kanila. They loved each other then and they love each other still. Tunay na nakapanghihinayang ang lumipas na mga taon. But those years tested them and their love for each other. They are meant to be. Destined to love no one but each other.

Wakas

-------------------------------------------

Maraming salamat sa pagsama sa akin sa kuwentong ito. Sana'y nagustuhan ninyo, at kahit papaano ay may napulot kayong aral sa kuwento nila. :)

Leave a comment po. Let me know your thoughts about the story.

Paki-VOTE- na rin po. And i'll appreciate it kung mai-se-share ninyo ang story. Again, thank you! Stay safe. God bless us all. Until next novel....

Aya Myers

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Loved You Then, Love You StillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon