Part 10

1.9K 90 2
                                    



LUNES. Hindi makapaniwala si Angelu sa nakikita. Si Nick ay naroon sa grupo nina Henry, hindi nagsusuntukan ang mga ito sa halip ay nagtatawanan pa. Mukhang nagkasundo na ang mga ito. Birds of the same feather flock together, after all. Nick is the clear stand out among the group. Iba ang aura nito. Natatangi ang personalidad. Si Nick iyong klase ng tao na ihalo man sa karamihan ay siguradong mangingibabaw pa rin ang paresensiya nito. O, baka naman sa paningin lang niya? Dahil aware din naman siya na marami rin naman ang nagkakandarapa kay Henry.

Agad siyang nag-iwas ng paningin ng mahinuha niya na napansin na siya ni Nick. Hayon na naman ang pagkataranta nang sa gilid ng mga mata niya ay makita niyang papalapit ito sa kanya. "Anj, good morning," bati nito sa suwabeng boses. Nakasuot si Nick ng kulay grey na sweat shirt. Mahaba ang manggas niyon pero inirolyo hanggang siko. He wore a leather watch on his wrist. Pantalong maong ang pang-ibaba nito. He looks so dashing. Alam niya na ang mga bagong estudyante ay binibigyan ng dalawang linggong palugit bago obligahin ang mga ito na magsuot ng school uniform.

"'Morning," tugon niya, hindi tumitigil sa paglalakad. Nakakaramdam ng pagkataranta si Angelu. Kagabi ay halos hindi siya makatulog sa pag-iisip sa lalaking ito. Hindi man niya gusto pero ayaw nitong mawala sa kanyang isipan. He was thinking of him, of his smile, of his looks, of how he stared at her... of everything. Iniisip niya iyong mga pagpapapansin na ginagawa nito sa kanya. Kaya naman natatagpuan niya ang sarili na nangingiti na lang. Minsan ay napapabuntong-hininga pa. Sa totoo lang ay excited nga siyang gumising kanina para pumasok dahil excited siyang makita si Nick.

"Akin na ang mga libro mo. Ako na ang magbibitbit," ani Nick bago kinuha sa kanya ang mga hawak na libro.

Napalunok si Angelu. Paano ang palad nito ay pumatong sa palad niyang may hawak ng libro. At base sa pagkakangiti ni Nick ay mukhang sinadya nito iyon. Pilyo talaga ito. Pangahas. Hindi natatakot gawin ang mga gustong gawin.

"H-hindi na," pag-iwas niya. Parang kakapusin siya ng hininga. Ramdam na ramdam niya ang init na hatid ng palad nito sa balat niya. It was making her heart skipped a beat. At hindi nakakatulong ang intense na tingin nito. Nanunuot iyon, parang isinasailalim siya sa mahika nito. "I—I'm okay. Really. Kaya ko na." Lumunok siya.

Isang makapigil hiningang ngiti ang gumuhit sa labi ni Nick. Huwag naman sana nitong mahalata na naaapektuhan siya rito. But damn, hindi niya alam kung hanggang kailan niya makakayang magpanggap.

"Okay," anito, pero bago bawiin ang palad ay bahagya pa muna nitong pinisil ang palad niya. She almost gasps. Nasaan na ba kasi si Wena at nang makaiwas na siya mula rito kay Nick. Kaya lang, isa pa rin namang mapanukso ang babaeng iyon.

"So, kabilang ka na sa grupo ni Henry?"

"Hindi ako kabilang sa kahit na anong grupo. Pero, oo, na-settle na namin ang isyu namin. Besides, it's better to make friends than enemies. Hmm, Anj, maaga pa naman. Bakit hindi muna tayo pumuntang canteen?"

"No, thanks," aniya bago dali-dali nang naglakad. Hindi na pinansin si Nick kahit nakasunod ito sa kanya. She went straight to their class room. Para magulat lamang sa nadatnang hitsura ng silid-aralan. Maraming bulaklak doon at lobo. Sa upuan niya ay naroon ang isang malaking stuff toy. Then her classmates start singing a particular love song. Napalunok si Angelu, nag-iinit ang kanyang mga pisngi. Binalingan niya si Nick. Ngiting-ngiti ang loko.

"I-ikaw ang may pakana nito?" tanong niya.

"Yes. Para sa 'yo," simpatikong tugon nito. Binalingan nito ang klase. "Thanks, guys, sa cooperation. As promised, sagot ko ang lunch n'yo." Palakpakan naman ang ito. Pumasok si Nick sa loob. Kinuha nito ang stuff toy at bouquet ng bulaklak. The next thing she knew ay nasa harap na uli niya ito. "For you."

Boy, the charming grin on his lips was priceless and Angelu doesn't know what to do. Nagtilian ang mga babaeng kaklase, ang mga lalaki ay sumisipol.

"H-hindi ako tumatanggap ng kahit na ano mula sa kahit na sino," kumakabog ang dibdib na sabi niya.

"You can always make an exception," simpatikong tugon ni Nick. Hindi nababawasan ang kumpiyansa nito. Hindi nawawala ang kaaya-ayang ngiti at guwapong mukha. "Make me the only exception, Anj." He stared at her intensely. Tinging nanuot hanggang kaibuturan ng puso niya. Para siyang napailalim sa kapangyarihan ng mga mata nito dahil natagpuan na lang ni Angelu ang sarili na tinatanggap ang bulaklak at stuff toy. Umalingawngaw ang malakas na kant'yaw dahil doon.

Lalong lumapit si Nick sa kanya. Damn that killer smile. "I am no fortune teller, but I know in time, you'll be mine," anito sa boses na sapat lang para marinig niya.

Halos manindig ang mga balahibo ni Angelu. "B-because I am easy?" Dapat ay paangil ang pagkakasabi niya niyon, but it didn't sound like that. Para lang siyang maamong tupang nagtatanong. Iyon ay dahil nalulunod siya sa karisma ni Nick at sa atensiyong ibinibigay nito sa kanya.

Nick smiled. Ngiting parang nagpalukso sa puso niya. Ngiting muntikan nang ikabitin ng hininga niya. "Because, sweetheart, we're meant to be."

Loved You Then, Love You StillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon