Part 22

1.9K 89 1
                                    


Several years later

"PASOK," malakas na sabi ni Angelu nang makarinig siya ng warning knock sa pinto ng kanyang opisina. Ni hindi siya nag-abalang mag-angat ng ulo para tingnan kung sino ang papasok. Abala siya sa pagpirma ng ilang dokumento na may kinalaman sa resort na pagmamay-ari at pinatatakbo niya.

Bumukas ang pinto. "Mom!" masiglang wika ng isang bata, kasunod niyon ang nagmamadaling yabag papalapit sa mesa ni Angelu.

Automatic na itinigil ni Angelu ang ginagawa, nakangiti na nag-angat siya ng ulo. It was her nine-year-old son, Paolo. Agad itong nakaupo sa silya sa harap ng mesa niya. Kumikinang sa excitement ang mga mata ng bata. Ipinatong pa ang mga braso sa ibabaw ng mesa, and he smiled at her, merrily.

"Hmmm," naniningkit ang mga mata ngunit nakangiting usal ni Angelu. Itinabi niya ang mga dokumentong nasa harapan ng mesa bago ginaya niya ang anak at ipinatong din ang kanyang mga braso sa ibabaw ng mesa. Bahagya niyang iniabante ang katawan. "What is it, Pao?" nakangiti at nanunubok na tanong niya. Kilala niya ang anak. Kapag ganoon ang kilos nito ay siguradong may hihilingin ito sa kanya.

Paolo just grinned, boyishly. Hindi maiwasang makadama ng kakaibang pride si Angelu pagdating sa anak. Paolo was her pride and joy. He was the source of her strength. He was her happiness. Ito ang bumubuo sa kanya. Masasabi niyang matagumpay siya pagdating sa larangan ng pagiging ina. Kinaya niya na maging single parent. Naitaguyod niya si Paolo.

"I've watched TV, mom," anito, napakaaliwalas ng mukha. Mukhang taglay din ng--- Angelu shook her head and dismiss the thought.

"Of course," nakangiti ring tugon niya. "Puwede kang manood ng TV kapag Sabado, 'di ba?" Masayang tumango si Paolo. "So, you've watched TV. And...?"

"Kasi po, mommy, may napanood akong commercial..."

Saglit na natigilan si Angelu. May napanood umano itong commercial at mukhang iyon ang kumuha ng interes ng anak. Inabot niya ang braso nito at marahang hinaplos iyon. "Tell me about it," pang-eenganyo pa niya. As much as possible, gusto niyang maging open sa kanya ang anak. Kaya ibinibigay niya ang buong atensiyon dito kapag may sinasabi ito.

Lalong kumislap sa excitement ang mga mata ni Paolo. Ang palad niyang humahaplos sa isa nitong braso ay hinuli nito at ikinulong nito sa maliliit na mga palad. Isa ang paglalaro sa palad niya ang ginagawa ni Paolo kapag naglalambing ito. "Mommy, sabi sa commercial ay magkakaroon daw po ng Season 2 ang Pinoy Chef: Kids Edition. Gusto ko pong sumali, mommy."

Natilihan si Ageluj. Pero pilit niyang itinago ang pagkagulat. Paolo likes cooking, no, he loves it. Sa murang edad ng bata ay hilig na nito ang pagluluto. Noong nakaraang bakasyon sa eskuwela ay ini-enrol niya ang anak sa isang summer culinary class. Ideya niya iyon, tinanong din naman niya si Paolo kung gusto ba nitong mas matutong magluto at sumang-ayon ito. Gusto umano ni Paolo na maging isang sikat na chef paglaki nito. So she was supporting him all the way. She was nurturing his talent.

Noong isang taon na mapanood ni Paolo sa telebisyon ang patalastas na magkakaroon ng franchise ang Pilipinas ng sikat na culinary competition on TV ay nagpahayag na si Paolo ng kagustuhang sumali. Oh, he was so talented she knew he could easily pass the audition. Tiwala siya na makakapasok ang anak sa programa. Isang bagay na nagbibigay sa kanya ng takot. Malaking takot. Because if Paolo made it on television, malaki ang posibilidad na makita ito ng ama nito, ni Nick. For Paolo's resemblance to his father was unmistakeable. Siguradong kahit na sinong makakita sa kanyang anak na kakilala ni Nick ay magtatanong kung anak ba ito ng lalaki.

"Sasali po ako, ha, mommy?"

Biglang sumakit ang ulo ni Angelu. Paano siya tatanggi sa pagkakataong ito na hindi obvious na tumatanggi siya? Pinalad na nga lang siya noong season 1 dahil nagkasakit ang bata noong dapat ay mag-a-audition ito.

Lumunok siya, pilit inaalis ang bara sa kanyang lalamunan. "S-sure," aniya.

"Talaga po?" excited na tanong ni Paolo. Bigla itong tumayo mula sa kinauupuan at lumapit sa gawi niya. Niyakap siya ni Paolo.

"Oo naman." Tumaas ang palad niya at dumapo sa batok ng anak. Bahagya niya iyong hinaplos. "Kung sa palagay ko ay makabubuti sa 'yo, lagi naman akong naka-suporta sa 'yo, 'di ba?"

"Oh, mommy! Thank you!" masayang wika nito bago hinagkan ang kanyang pisngi. Humigpit din ang yakap nito. "You're really the best, Mom! You're the coolest mom, I swear."

Sinubukan niyang tumawa. "Binobola mo pa ako."

"Siyempre hindi po, mommy," anito. "I'll go and tell chef Cupo that I'm joining the contest," masigla pa ring wika nito bago halos patakbo na tinungo ng pinto. Ang chef sa restaurant ng resort ang tinutukoy nito. Bago pa siya makasagot ay nakalabas na ng opisina ang anak.

Napapagal na naisandal ni Angelu ang kanyang likod sa backrest ng swivel chair bago pumikit. Ramdam niya ang pagsakit ng ulo niya dahil sa sitwasyon. No, hindi siya papayag na makapunta uli si Paolo sa audition. Kung kailangang isabotahe niya ang araw na iyon ay gagawin niya.

But you'll ruin his dream, Anj. Hindi ka ba naaawa sa anak mo? sabi ng konsensiya niya. "Shit," bulalas niya. Naiipit siya sa sitwasyon.

Loved You Then, Love You StillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon