Part 4

2.2K 111 1
                                    

NICK WAS bored. Kaninang dumating ang mga school officials ay hindi siya nagtangkang umiwas o magtago man lang para itanggi ang involvement niya sa gulo. Eh, ano kung mahuli siya? O, kung hindi tanggapin sa eskuwelahang iyon dahil kabago-bago niya ay nasangkot agad siya sa gulo? He was so used to it. Ni hindi nga niya ipinagtanggol ang sarili niya sa opisina ng Dean. He didn't say he was just provoked. Na hindi iyon mangyayari kung hindi siya sinisindak ng grupo.

Hindi niya idinipensa ang sarili. Hindi niya sinabing hangga't hindi siya kinakanti, hindi siya papasok sa gulo. Bagaman may mga pagkakataon din naman na siya ang nagpapasimula ng gulo. May excuse siya sa mga ganoong pagkakataon.

Pero mukhang malakas ang impluwensiya ng ama niya, o ina, sa Guadalupe College. Pinagsabihan lang siya, pati na ang apat na lalaki na huwag ng uulitin ang nangyari. Pagkatapos ay pinapunta na siya sa una niyang klase.

Ipinatawag ng Dean ang isang professor. Pinasama siya sa guro dahil iyon umano ang una niyang klase. Sumunod naman siya rito. Pumasok ito sa isang silid. "Good morning, Mister Castro," pagbati ng mga estudyante.

Ipinamulsa ni Nick ang mga palad sa bulsa ng kanyang jacket, iniisip kung meron kayang lugar o spot sa Guadalupe College na magandang tambayan. Balewalang iginala ang kanyang paningin sa mga mukhang nasa silid.

Then he saw her... ang babaeng pumukaw sa kanyang interes. Agad nawala ang pagkainip na kanyang nararamdaman. Not a bad day, after all. Really.

To his amusement, sinalubong ng magandang dalaga ang kanyang paningin. Bahagya pa nga itong nagtaas ng kilay sa paraang nagsasabi na 'what are you looking for?' Lalong na-amuse si Nick. Lalong nakuha nito ang kanyang interes. Nakakadama na agad siya ng challenge.

"Good morning," tugon ni Mister Castro. "Gusto kong ipakilala sa inyo ang bago ninyong kaklase sa subject na ito at sa isa pang subject na panghapon."

So magiging kaklase ko siya sa dalawang subject. Nick thought. Okay. Cool... "Guys," pagpapatuloy ng guro. "Meet Nicholas Umali. He's a transferee. At tulad ng sinabi ko kanina, magiging kaklase n'yo siya sa dalawang subjects."

"Cool! Sisipagin na ako niyang pumasok, Sir," sabi ng isang boses pambabae. Na sinundan ng iba pa.

"Nicholas, tell us something about yourself," anang isa pa, babae.

Nick managed to chuckle. "Just call me Nick," aniya. Hindi nagbigay ng iba pang impormasyon tungkol sa sarili. Tiningnan niya ang babae. Mukha itong suplada. Parang hindi impressed o humanga man lang sa panlabas niyang anyo. Oh, well. That makes him more interested of her. He loves challenges. He likes thrills.

Sa edad na bente, hindi na mabilang ni Nick kung ilang babae na ang dumaan sa buhay niya. Hindi na niya mabilang kung ilang babae na ang lumuha dahil sa pagkabigo sa kanya. Bawat lugar na tigilan niya at bawat school na pasukan ay siguradong may magiging girlfriend siya. Isa, dalawa, o tatlo kada school. Depende kung may tipo siyang babae. At kung bakit nakakarami siya? Iyon ay dahil madali din siyang magsawa. Madali siyang manlamig. Iyong tipong thrilled siya na makuha ang babae at kapag nakuha na niya ay nawawala na ang thrill. Too bad, sa eskuwelahang ito, ang babaeng ito ang unang kumuha sa kanyang atensiyon. At na-e-excite siya dahil mukhang naiiba ang babae. Mukhang hindi ito katulad ng mga naging girlfriend niya na halos ipagtulakan ang sarili sa kanya. But, oh, nobody had ever resisted the charms of Nicholas Umali. And definitely, this woman is no exception. Makukuha niya ito. Mapapasama sa listahan ng mga babaeng dumaan sa buhay niya.

"Okay," anang guro nang hindi na niya dinugtungan pa ang sinabi. "May bakanteng upuan doon, Mister Umali. You can take your seat now. Pinuntahan iyon ni Nick. Halos lahat ng mga mata ay sumunod sa kanya. Maliban lang yata sa mga mata ng babaeng iyon.

"Hi," kaswal na bati ni Nick sa magiging seatmate niya. Mukha itong nerd dahil sa makapal na salamin sa mga mata at sa porma na rin. Kaya marahil walang gustong tumabi rito. Naupo siya.

"H-hi," nangingiming sabi nito, intimidated.

"Ano'ng pangalan mo?"

"G-Gerard."

Nakarinig siya ng sagitsit mula sa may kanan ni Gerard. A girl. Maganda rin. Mukhang sosyal. "Gerard, palit tayo ng upuan." Hindi iyon pakiusap kundi isang utos. At mukhang susunod naman si Gerard dahil hinagilap nito ang bag na dala, nakaangat na rin ang puwit mula sa upuan.

Hinawakan niya ang braso nito at hinila ito paupo. "Can we be friends, Gerard?" Lumiwanag ang mukha nito. Tumango.

Loved You Then, Love You StillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon