Part 44

1.9K 104 3
                                    


BUMILIS ang tibok ng puso ni Angelu nang makita niya si Nick na prenteng nakasandal sa nakasarang pinto ng kanyang opisina. It was so early in the morning. She noticed the bouquet of flowers in his hand. Hindi lang ang bulaklak ang napansin niya, napansin din niya kung gaano kaaliwalas ang guwapong mukha nito. Napansin niya na parang lalong gum'wapo ang binata. He smiled when he saw her. His penetrating eyes lit up. Oh, boy, he was taking her breath away. Gustong umiwas ni Angelu pero hanggang kailan niya maiiwasan si Nick? Itinuloy niya ang pagpunta roon.

"Tabi," masungit na sabi niya.

"Good morning." He said, smiling. Umalis naman ito sa pagkakasandal sa pinto at binigyan siya ng daan para mabuksan iyon.

Nang mabuksan ay tuloy-tuloy siyang pumasok. Ni hindi niya ibinalik ang pagbati nito. Nick was right behind her. Pinilit niyang umakto na para bang wala roon ang binata. It was hard, though. Si Nick ang tipo ng lalaki na mahirap balewalain ang presensiya.

She opened the air conditioner. Nag-spray din siya ng air freshener sa paligid. Ngani-nganing spray-an niya ang pagmumukha ni Nick na ramdam niyang nakasunod sa kanya ang paningin. Mayamaya, naupo na siya sa silya niya.

"For you," anito, inilapag sa harap niya ang mga bulaklak. "Want some coffee?"

Hindi siya sumagot. Pero sa gilid ng mga mata niya, nakita niya nang pumunta ang binata sa isang sulok kung saan napansin marahil nito na naroon ang percolator at mga sangkap sa pagtitimpla ng kape. Hindi napigilan ni Angelu ang sarili, sinundan niya ito ng tingin. Nakatalikod ito. She then shook her head in dismay. Dismay at herself. Why, she was staring at him. Kahit nakatalikod ito ay ang lakas talaga ng appeal ng loko. Likod pa lang guwapo na. Matangkad, maganda ang built ng katawan...

"So, anak ka pala ni Senator Umali," hindi niya napigilang sabihin. She Google-d him last night. Wala eh. hindi niya napigilan ang sarili. Napatunayan niyang totoo nga pala ang balita sa kanya ni Wena. Totoo din ang mga lumutang na litrato nito kasama ang ilang kilalang babae. Nakakainis lang dahil pakiramdam niya ay nag-iinit ang bumbunan niya sa mga litratong iyon. It's like she was jealous!

Lumingon sa kanya si Nick, nagkibit ng balikat ito. "Unfortunately." Sumandal si Nick sa pader, hinihintay nitong kumulo ang kape. Nick closed his arms against his chest. "I can't remember anything, pero, Mom provided all the informations I needed."

"And I bet, hindi niya masabi sa 'yo ang tungkol sa akin dahil noon ay ayaw mong ipakilala ako sa mommy mo. I doubt it kung alam niya na may girlfriend ka kaagad sa bago mong school. Or maybe she knew but doesn't care at all. Funny, ni wala akong alam noon tungkol sa iyo. Hindi ka nagkukuwento kahit pilitin kita. Hindi mo rin ako pinagkukuwento ng tungkol sa akin. It was only between the two of us. And yet, hindi pa rin talaga kita nakilala nang lubusan. You were just Nicholas Umali. Transferee."

"I was mysterious then because they were trying to hide my existence." Nang maluto ang kape ay isinalin iyon ni Nick sa isang tasa. "Palipat-lipat kami ng lugar. Sabi ni Mommy ay wala daw kaming pinapayagang mapalapit sa buhay namin," anito habang dinadala sa kanya ang tasa ng kape. Inilapag nito iyon sa mesa niya. In fairness, masarap ang aroma ng timpla nito.

"Maliban sa babae, siyempre," banat niya.

Naupo si Nick sa silyang nasa harap ng mesa. Kinuha nito ang nakakuwadradong litrato nila ni Paolo at tinitigan iyon. Hindi nito sinagot ang sinabi niya. Angelu saw the longing in his eyes as he stared at the picture. Naghahalo roon ang pangungulila, ang guilt, ang mga tanong... at nakakaramdam ng awa at simpatya si Angelu para sa binata. Bago pa mapigilan ni Angelu sang sarili ay nabuksan na niya ang isang drawer ng mesa niya. Huminga iya nang malalim bago inilabas mula sa drawer ang ilang photo albums. Marahang itinulak niya ang mga iyon sa harap ni Nick. "Photo albums ni Paolo."

Hindi maitago ang saya sa mukha ni Nick. Bahagya pa ngang nangislap sa luha ang mga mata nito. "T-thank you," anito bago nagsimulang buklatin ang unang photo album. He was biting his lips, maybe to suppress his emotion. Pero hindi nito napigilan ang emosyon nito. Pumatak ang luha nito habang tinitingnan ang mga litrato. Tinutop ng isang palad nito ang bibig nito habang sunod-sunod ang pagpatak ng luha nito. Angelu was taken aback as she saw how emotional Nick was. Naroong kagatin ni Nick nang mariin ang labi nito pero hindi pa rin nito mapigilan ang mga luha nito. And he wasn't acting. She can tell.

"I-I'm sorry," basag ang boses na sabi nito. He wiped his tears away. "C-can I just borrow these? Please?"

Napatango siya. She couldn't find the heart to say no. Ang totoo ay parang gusto niyang tumayo, lapitan ito at yakapin para aluin. May nakakapa siyang simpatya sa dibdib niya para sa binata.

"T-thanks." Mabilis na tumayo si Nick. Dinampot nito ang mga photo albums bago malalaki ang hakbang na tinungo ang pinto. Bago nito tuluyang buksan ang pinto ay nakita pa niyang nagpahid pa uli ito ng mga luha.

Hindi alam ng dalaga kung gaano katagal pa siyang nakatitig sa pintong nilabasan ng binata. She sighed and gathered herself together. Napansin niya bouquet ang bulaklak sa harap niya. Kinuha niya ang card at binuksan.

I'm sorry for all the pain. I'm sorry I wasn't there when you needed me most. I'm sorry, Anj... iyon ang hand-written note na nakasulat sa card. Naisandal niya ang likod niya habang nakatitig sa mga katagang iyon. Lumalabo ang mga mata niya. Namumuo ang mga luha. Sorry? Yes, she can say he was really sorry. He meant it. But, was sorry enough? Sapat na ba iyon para tuluyan niyang patawarin ang binata? Sapat na ba iyon para burahin ang pait sa puso niya? Ang sakit, ang paghihirap na pinagdaanan niya? Sapat na ba iyon para muli niya itong papasukin sa buhay niya?

Loved You Then, Love You StillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon