Part 21

1.9K 95 1
                                    

MAAGANG pumasok si Angelu kinabukasan. Malalaki ang kanyang eye bags at halos namamaga pa iyon tanda ng pag-iyak kagabi. Pumuwesto siya sa malapit sa may gate, nakatutok ang kanyang paningin roon para dahil inaantabayanan niya ang pagdating ni Nick. Si Nick na hindi na niya makontak ang cell phone. Para bang iniiwasan na siya nito. And it was giving her a lot of heart ache.

"Anj!" halos takbuhin ni Wena ang kinaroroonan niya nang makita siya nito. "Nagkausap na kayo?" nanantiyang tanong ito.

Nanakit ang lalamunan ng dalaga. Humapdi ang mga mata niya. Mariing kinagat niya ang dila niya pero hindi pa rin nagpaawat ang mga luha niya. Namuo iyon at tuloy-tuloy na naglandas sa mga pisngi niya. Marahas na pinahid niya iyon. Kapagkuwan ay umiling siya. "H-hindi— hindi ko na siya makontak," basag ang tinig na wika niya.

Malutong na napamura si Wena. Nagngingitngit ito. "Ganitong oras narito na 'yon sa school ah. Wala pa ba siya?"

Angelu burst into uncontrollable tears. Muling nagmura si Wena. Niyakap siya nito.

"S-sabi na eh," humahagulhol na sabi niya. Nagdurugo ang kanyang puso, nasasaktan ang kanyang pagkatao. Hindi na siya dapat na umasa pa, tinalikuran siya ni Nick. Tinakasan nito ang responsibilidad sa kanya. She never knew that love could hurt like this. The pain was unbearable. "S-sabi ng i-instincts ko layuan ko siya. N-na iwasan ko siya dahil sasaktan lang niya ako. P-pero k-kasi... kasi sutil ang puso ko, minahal ko pa rin s'ya!" Pakiramdam niya ay may kamal na bakal na lumalamukos sa puso niya. Hindi siya makahinga ng maayos. Napakasakit ng dibdib niya.

"Anj..." hindi malaman ang sasabihin na niyakap lang siya nito at hinahaplos ang kanyang likod.

"P-paano na ako, Wena?" miserableng tanong niya. "P-paano na... Paano na kami ng— ohh..." Anj sobbed, uncontrollably. Hindi naman kasi simpleng kabiguan sa puso ang nararanasan niya. Buntis siya. Dalawa sila ng buhay na pumipintig sa sinapupunan niya na nabigo. Papaano na sila? Ano ang gagawin niya? Paano niya sasabihin sa nanay niya ang sitwasyon niya? Napakabat pa niya. Paano na ang pangarap niya at ang kagustuhang may mapatunayan sa mga tao? "N-nagtiwala ako sa kanya, Wena," patuloy na paghagulhol niya. "A-ang sakit. Ang sakit-sakit..."

Unang pag-ibig, unang kabiguan. It hurts like hell. Hindi lamang siya sinaktan ni Nick, hindi lamang nito binigo ang puso niya, nag-iwan din ito ng malaking responsibilidad sa kanya. At hindi niya alam kung ano ang gagawin. God! She was so young. Nasasaktan siya, natataranta, natatakot...

"Magpakatatag ka, Anj." Umiiyak na rin si Wena. "K-kaya mo 'yan. Kakayanin natin."

Mariing pumikit siya. Ewan niya. Hindi siya sigurado kung kakayanin niya.




NATULALA si Angelu nang makita ang loob ng abandonadong bahay. Parang robot na tumalikod siya at lumabas ng bahay.

"Anj..." nag-aalalang paghabol sa kanya ni Wena.

Angelu bit her tongue. Hanggang sa manlabo ang mga mata niya at mamaybay ang mga butil ng luha. "T-tinakasan..." Sa pagbuka pa lang ng bibig ay tuluyan na siyang napahagulhol. "T-tinakasan n-na talaga niya ako," garalgal ang boses na sabi niya.

It has been a week since Nick walked-out on her. Isang lingo na rin itong hindi nagpapakita sa school. Kaya ginawan ng paraan ni Wena na makuha ang address ni Nick sa registrar ng school. Pinuntahan niya ang nasabing address. Nakakandado ang bahay pero maparaan si Wena dahil nabuksan nito ang pinto sa pamamagitan ng hair pin nito. It was obvious na wala nang nakatira roon dahil ang mga appliances ay natatabunan na ng putting tela para hindi kapitan ng alikabok.

Humagulhol na rin si Wena. Minumura na nito si Nick. Maliwanag pa sa sikat ng araw na tinakasan na talaga siya ni Nick. Just because she was pregnant.

"You're too serious. We're not even sure we'll end up with each other, okay?" pag-alingawngaw sa tainga niya ng sinabi nito. Para iyong asin na itinaktak sa sugatan niyang puso. Hindi, hindi lamang puso ang sugatan sa kanya kundi buong pagkatao. The pain was blinding. Para siyang mababaliw sa napakalaking problema na kinakaharap niya.

"H-hindi niya ako mahal, Wena. G-ginusto lang niyang makuha ako, ang katawan ko..." pag-iyak niya. Ah, gusto niyang sumigaw nang sumigaw hanggang sa mapaos siya. Napakasikip ng dibdib niya na nahihirapan na siyang huminga. "N-nagpakaingat-ingat ako, pero sa ganito rin pala ako babagsak. Ano pa ang mukhang maihaharap ko sa k-kanila? Magiging isang disgrasyada na ako ngayon. I-isang d-dalagang ina. Noong wala akong ginagawa kung ano-ano na ang naririnig ko, paano pa ngayon?" Napakamiserable ng pakiramdam niya. Parang pasan-pasan niya ang bigat ng mundo sa mga balikat niya. It was crushing her to the ground. "Oh, hindi pala ako naging maingat kasi bumigay agad ako kay Nick eh. Dumating siya at bigla naisantabi ko ang prinsipyo ko." She had been an easy, good lay. Iyon siguro ang iniisip sa kanya ngayon ni Nick.

Hinawakan ni Wena ang mga palad niya. "Maria Angelu Milan, hindi mo kasalanang n-nagmahal ka ng m-maling lalaki." Pinatatag nito ang boses pero nabasag pa rin iyon. Patuloy ring nalalaglag ang mga luha nito. "H-hindi ito ang katapusan ng buhay mo kaya huwag kang bibitiw."

"P-paano na ako? P-paano na kami ng... ng a-anak ko?" Natatakot siya. Takot na takot. Napakabata pa niya para magkaroon ng isang malaking responsibilidad. Isang anak na babago sa takbo ng buhay niya.

Binitiwan nito ang mga palad niya at sinapo ang mga pisngi niya. "You will move on. Your life will move on. Alam kong mahirap pero alam ko rin na kakayanin mo. Ikaw pa? Lahat kinakaya mo, Angelu. Bukod sa mama mo, narito ako, alam mo 'yon, hindi ba? P'wede mo akong kapitan. Hindi kita bibitawan. Palalakihin natin ang bata. Mamahalin natin siya."

Lumuluhang yumakap siya nang mahigpit sa kaibigan. Pinalalakas nito ang loob niya. Pakiramdam niya ay hindi siya nag-iisa sa labang iyon. "S-si mama. P-paano ko sasabihin sa kanya? M-madi-disappoint siya sa akin." Sa loob ng silid niya siya umiiyak. Pero hindi niya maitago sa mama niya ang mamumugtong mga mata. Hindi niya maitago rito ang lungkot at pagkatulala. Paulit-ulit nga siya nitong tinatanong kung may problema daw ba siya? Paulit-ulit nitong sinasabi na naroon lang ito at naghihintay sa kanya na kusang magbukas ng loob dito.

"Anj, higit kanino man, ang mama mo ang magmamahal at uunawa sa 'yo ng walang kapalit. Mahal ka niya. Gusto mong samahan kita sa pagsasabi?"

Umiling siya. "A-ako na lang. S-salamat, ha, Wena. N-napakasuwerte ko sa 'yo."

"I know, right?" nagpapatawang sagot nito. Natawa rin naman siya.

Mananalangin ako na maging miserable sana ang buhay mo, Nicholas Umali. Parusahan ka sana ng Diyos sa ginawa mo sa akin. I hate you! Huwag ka sanang maging masaya! 

Loved You Then, Love You StillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon