Part 43

2.7K 155 33
                                    

 "Gusto ko ring bumawi sa 'yo."

Gusto nitong bumawi sa kanya? Kaya siya nito inaakit? Kaya siya nilulunod sa charms nito?

Hindi makapaniwalang napailing ang dalaga. "Ganoon ba ako ka-cheap sa paningin mo?" mariin niyang tanong. Naiinsulto siya. Nasasaktan. Damn it! Kasalanan din niya. Hindi ito kikilos nang ganoon kung wala itong nakukuhang pagtugon sa kanya. Kaya lang kasi ay gusto nga niya ang halik nito, gusto niya ang init ng katawan nito sa katawan niya. Fuck, gusto niya ng higit pang intimacy. Gusto niyang maging mas pisikal. Oh, God, para siyang sabik na sabik rito.

"You'll kiss me and seduce me... pagkatapos ikakama mo ako. Paliligayahin sa kama. Iyon ang intensiyon mo, hindi ba? Ganoon ang paraan mo ng pagbawi?" mapait niyang tanong. "Well, damn you. You were a mistake. Ang pinakamalaking pagkakamali sa buong buhay ko. and I've learned my lesson the hard way. Hindi ako tanga para ulitin ang pagkakamaling iyon! Hindi ako sabik sa lalaki para patulan ka!" puno ng pang-iinsultong sabi niya.

Naningkit ang mga mata ng binata. "You got it wrong," mapanganib na sabi nito. "You got it all wrong."

"Oh, please!" she cried. "Ano ang tawag mo sa ginagawa mo?"

Napasinghap na lang siya nang sa isang mabilis na kilos ay haklitin siya nito sa baywang, hinapit papalapit sa matipunong katawan nito. Dahil hindi inaasahan, na-out of balance siya ay napaliyad. Mabuti na lang at matatag at malakas ang mga brasong sumasalo sa likuran niya. Pero hindi siya balak tigilan ng binata. Yumuko ito, inilapit ang mukha sa kanya. Napalunok siya nang tumama ang mainit na hininga nito sa kanyang mukha. He was so close she could almost taste his breath.

Saglit na pinagsawa ni Nick ang mga mata sa mukha niya. "Hindi ko rin alam kung ano ang tawag sa ginagawa ko, okay? It just feels like I wanna kiss you over and over again. I wanna hug you over and over again, and never let go. Naghuhumiyaw iyon sa dibdib ko, Anj. Katulad nang kung paanong gusto kong ngumiti ka, ngumiti ang mga mata mo sa akin," anito sa mababang boses na nagdulot ng kilabot sa kanyang katawan. "And I'm not kissing you or seducing you—like you said— para lang makabawi. I'm kissing you because I can't help it. Because I can't fight the urge. Ilang beses ko bang sasabihin iyon? Damn, Anj, simula nang makita kita ay hindi ka na mawala sa isipan ko. You hear me?" anitong matiim siyang tinitigan. At kinikilabutan siya sa boses nito, sa titig nito, sa sinasabi nito. "Hindi ka mawala sa isipan ko. At kung maaari lang ayaw kitang alisin sa paningin ko. Gusto kong lagi kang nakikita. Nahahawakan. Nahahagkan. And God knows I want more than kissing. I'm dying to hold you, Anj. At hindi pa ako nagkaganito sa kahit na kaninong babae... at least, as far as I can remember hindi pa ako umakto o nakaramdam ng ganito sa ibang babae. Sa 'yo lang. Believe me, the feeling was intense. It's screaming inside me. Para akong masisiraan ng ulo kapag hindi ko sinunod ang damdaming iyon."

Tigagal ang dalaga. And yet, may bahagi ng pagkatao niya na gusto ang naririnig sa labi ni Nick.

"Maybe it's attraction," sabi pa ni Nick. "We're hot for each other, Anj. Matatanda na tayo para ipagkaila pa ang bagay na iyan. Let's not be hypocrite here."

Attraction. Oo, iyon nga ang nangyayari sa kanila ni Nick. She won't deny that, at least to herself. Ang masama ay mukhang matindi ang attraction na iyon because he can easily arouse her! His nearness alone was wrecking havoc within her. For goodness sake, pakiramdam niya ay para siyang halaman na uhaw sa dilig. Pero masisisi nga ba niya ang katawan kung tumugon ng ganoon? Kung mag-init ng ganoon? Why, ito lamang ang nag-iisang lalaking dumaan sa buhay niya. At sa nakalipas na mga taon, pamilyar pa rin ang katawan niya sa nag-iisang lalaking umangkin sa kanya.

"Bitiwan mo ako," aniya sa kawalan ng masasabi.

"'Pag binitiwan kita, siguradong babagsak ang likod mo," anang binata, nakataas ang isang sulok ng labi sa amusement. Maging ang mga mata nito ay may kislap ng kasiyahan. Dahan-dahan siya nitong itinayo pero hindi siya binibitiwan. His face was tender now. "Anj," sabi nito, malamlam ang mga mata. "I can't remember you, pero parang nakikilala ka ng puso ko."

Hindi napigilan ni Anj ang singhap na tumakas sa kanyang bibig. "W-what?"

"For the record, attraction isn't the only reason why I'm so into you. I think I loved you then, Anj. And I love you still. Kasi kung hindi, bakit tumitibok ng ganito ang puso ko? Bakit ganito ang nararamdaman ko?"

Kumibot ang labi ng dalaga. Parang lumalaki ang ulo niya sa narinig. Naiiyak siya sa galit. How could he play with her emotions? Umiling-iling siya. "H-hindi mo alam kung ano ang sinasabi mo. You didn't love me then. O, baka hindi mo lang alam kung ano ang kahulugan ng pagmamahal," mapait niyang sabi sa basag na boses. Nagsisikip ang dibdib niya. Namumuo ang luha sa mga mata niya. "M-may amnesia ka nga. Hindi mo naaalala na ni minsan ay hindi mo ako sinabihan ng 'I love you.' And then I realized, siguro kaya mo lang talaga ako pinursige noon dahil sa mga narinig mo." Puno ng pagkamuhi na tinitigan niya ito. Hanggang sa hindi na niya napigilan ang paglalandas ng mga luha sa magkabilang pisngi niya. Her nose flared. Naaalala niya noong unang angkinin siya ni Nick. He was so shocked when he discovered that she was a virgin then. Halat sa reaksiyon nito na hinding-hindi nito iyon inaasahan. "H-hinding-hindi mabubura sa puso ko ang sugat na nilikha mo rito noong talikuran mo ako, Nicholas." Mabilis na humakbang si Angelu paalis.

"I wish may amnesia ka rin ngayon."

Napatigil si Angelu sa paglalakad, pero hindi niya tinangkang lumingon.

"So you can forget the past," patuloy ng binata. "So you can forget all the bad things that I have done to you. Sa ganoong paraan ay malaya kang makakaakto na walang ano mang pumipigil sa 'yo. Sa ganoong paraan... maybe we could start over," mahinang sabi nito.

Angelu bit her lower lip. Ipinagpatuloy na niya ang paglalakad. Bago pumasok sa cottage ay pinunasan muna niya ang mga luha niya. His words were haunting her. Gustong-gusto pa niyang umiyak pero ayaw niyang makita ni Paolo ang mga luha niya. Mamaya na lang siya iiyak kapag nasa sariling silid na niya siya.


---------------------------------

Any comment? :) Dapat bang bigyan ni Anj ng second chance si Nick? Ano sa tingin ninyo, guys?

VOTE n'yo naman po. At, paki-share. :)

Loved You Then, Love You StillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon