Part 46

1.8K 101 2
                                    

NAISANTABI ni Angelu ang galit niya sa binata. Napalitan iyon ng pag-aalala. Dali-daling nilapitan niya ito. Lalo pa naalala niyang nag-suggest nga pala ng nurse na kailangang matingnan ang ulo ni Nick.

"N-Nick...?"

"I-I'm o-okay," sabi nito.

Pero hindi iyon ang nakikita ni Angelu. Napaluhod siya, hinawakan ito sa balikat. Hindi maipaliwanag ng dalaga ang takot na naroon sa dibdib niya para kay Nick. Ganoon iyong klase ng takot na nararamdaman niya kapag may sakit si Paolo. She saw the scars in his head and it looked awful. Iyon kaya ang sumasakit?

Nick looked at her. May pilit na ngiti sa labi nito pero kapansin-pansin ang butil ng pawis na namumuo sa noo nito. "M-masakit lang nang kaunti ang ulo ko. Don't worry."

"Kaunti?" gagad niya. Natataranta siya. "Hindi ganoon ang nakikita ko." At hindi rin naman si Nick iyong klase ng tao na aarte para lamang makakuha ng atensiyon. "C-come. Dadalhin kita sa hospital. Huwag matigas ang ulo mo." Isinampay ni Angelu ang isang braso nito sa balikat niya para alalayan ito. Hiindi naman ito tumutol. "Madalas bang manakit ang ulo mo? Do you have medicines with you? Do you— " Natigilan siya. Tumaas ang kanyang kilay. "W-why are you smiling?" tanong niya nang makita ang pagguhit ng ngiti sa labi nito. Ngiti na hindi na pilit.

"Ikaw. Ang pag-aalala mo... it was directly touching this," Itinuro nito ang dibdib nito, sa tapat ng puso nito. "And I can't help but smile. Nangingiti ako hindi dahil ini-enjoy ko na nag-aalala ka para sa akin. Nangingiti ako dahil... I d-don't know, Anj. Ang hirap ipaliwanag... It's like something warmth was caressing my heart. Masarap sa pakiramdam."

Ramdam ni Angelu ang pag-akyat ng dugo sa mga pisngi niya at ang pag-iinit niyon. Shit. Nagba-blush siya. Napahumindig pa siya nang humigpit ang pagkakaakbay sa kanya ni Nick. Bahagya pa nga siyang hinapit papalapit sa katawan nito. Nanlaki ang mga mata niya. "Masakit pa ba ang ulo mo?"

"Hindi na."

Mukhang hindi na nga kaya siniko niya ito bago kumawala sa pagkakaakbay nito.

"Aw!" reklamo nito. "Masakit ang ulo ko, Anj, sweetheart," anito. Pero sa pagkakataong iyon ay halatang umaarte na. He looked ten years younger with that bright grin in his lips. "Anj." Umakto ito na hahabulin siya. On instinct, lumayo siya. Pero hindi niya napigilan ang pag-alpas ng tili sa lalamunan niya at ang pagguhit ng ngiti sa kanyang labi, na para bang nakikipagkulitan siya kay Nick. When Angelu realized that, she quickly gathered herself together. Pomormal siya. Kapagkuwan ay tinalikuran ito at nagmartsa na muli paalis. Pero nahawakan ni Nick ang braso niya.

Hinapit siya nito. At sa isang kisap mata ay nakapalibot na sa baywang niya ang isang braso nito habang ang isang palad ni Nick ay nasa likod ng batok niya. Determinadong inangkin nito ang labi niya. He swallowed her gasp and senselessly kiss her. It was a wild and hot kiss. Mapanukso at mapaghanap ang halik.

Agad siyang nakabawi sa pagkabigla. Pero hindi para manlaban. She accepted his kisses and returned it with the same intensity. Oh, lord, hindi niya mapaglabanan ang sarili na hindi sumagot. Masarap at nakakaadik ang halik ni Nick. Gusto niyang ipagsiksikan ang malambot niyang katawan sa matigas at mainit na katawan ng binata. God, she wanted him! She really desires this man. He could make her burn for him.

Impit na napaungol siya. The fiery passion was making her lose her mind. She likes it and she wants more. Ang mga palad niya ay tila may sariling buhay na pumulupot sa batok ni Nick. And she asks for more kisses, longed for it.

Loved You Then, Love You StillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon