"GUSTO ka ngang makilala ni Mama," giit ni Angelu kay Nick. Tanghalian noon, kumakain sila sa isang highway restaurant. Ang sabi ni Angelu ay gusto daw umano siyang makilala ng mama nito. "Isama daw kita sa bahay mamaya. Doon ka na daw maghapunan."
Hindi umimik si Nick. Ang totoo, wala siya sa mood dahil sa sinabi sa kanya ng mommy niya kagabi. It was really bothering him. "Nick, I'm sorry. K-kailangan na uli nating umalis dito. A-ang sabi ng tauhan ng daddy mo ay may nagmamanman daw sa atin. S-so we need to move. And this time, lalabas na tayo ng bansa ni Nick. Inayos na ng daddy mo ang mga papeles natin."
"Nick," pagtawag ni Anj sa kanyang atensiyon. Nakasimangot na ito.
Nick sighed. Binitiwan din niya ang mga kubyertos na hawak. Kumuha siya ng tissue at pinahiran ang gilid ng bibig. Pagkuwa'y nilamukos ang kawawang tissue at padabog na binitiwan iyon. Isinandal ni Nick ang likod sa upuan. Nabubugnot na talaga siya. Pinoproblema na nga niya ang posibilidad na umalis sila sa Guadalupe tapos heto pa at kinukulit siya ng dalaga. Oh, hell. Kung normal na araw lang iyon ay nagugustuhan niya kapag kinukulit siya ni Angelu, kapag naglalambing ito sa kanya. But not now. "I'm not ready to meet her, okay?" sabi niya, hindi napigilan ang pagkabugnot sa boses. "Hindi ako sanay na nakikilala ang mga magulang ng mga naging girlfriend ko. It was always between me and whoever is my girlfriend."
"N-ni hindi mo rin ako ipinapakilala sa mommy mo."
"Bakit ba tila napakaimportante sa 'yo na makilala ko ang mama mo at makilala mo ang mommy ko?" inis na tanong pa ni Nick.
"Dahil pamilya sila Nick at—"
Pumiksi si Nick. "Bakit kailangang i-involve ang mga pamilya natin ng ganito kaaga?" he argued. "You're too serious. We're not sure we'll end up with each other, okay?" Lumabas na iyon sa bibig niya bago pa niya mapag-isipan ang komplikasyon niyon. Nick cursed himself. Alam niyang nasaktan niya ang dalaga. Pero paano ba niya ipapaliwanag dito na hindi iyon magandang oras para pag-usapan dahil may mas mabigat na problema siya. Papaano niya sasabihin rito na may posibilidad na umalis siya? How could he explain her everything gayong wala naman siyang binubuksang parte ng pagkatao niya sa dalaga. Lagi na ay tumatanggi siya na pag-usapan nila ang ang tungkol sa kanya. Ni walang ideya si Angelu kung sino siya. Ironically, parang lumalabas na pangalan lang niya ang alam nito sa kanyang pagkatao.
And fuck, he doesn't want to leave. Pinoproblema niya ang posibilidad ng pag-alis dahil kay Angelu. Ayaw niya itong iwan. Ayaw niyang maghiwalay sila.
Tumayo ang dalaga. Dinampot ang bag at umalis.
"Anj," pagtawag ni Nick. Tumayo siya para habulin ito. Noon tumunog ang telepono niya na nalimutan niyang ipinatong nga pala niya sa mesa. Dinampot niya iyon, balak baliwalain ang tawag at ipamulsa iyon pero nasulyapan ni Nick ang screen at nakita kung sino ang tumatawag. It was her mother. "Fuck," asar na bulalas niya. Hindi puwedeng hindi niya tanggapin ang tawag dahil tumatawag lang ang mommy niya kapag importante. Naglabas din siya ng pera at ipinatong iyon sa mesa. "Hello, Mom?" aniya habang mabilis na lumalabas ng restaurant. Nadismaya nang makitang wala na si Angelu sa labas. Nakasakay na marahil ito.
"Nick, you need to go home now," sabi nito sa nagmamadali at natatakot na boses. "Ngayon na, Nick. Hurry."
"What? Bakit—" tanong niya pero naputol na ang linya. Napamura siya ng makitang wala ng battery ang cell phone niya. Nakaramdam ng pag-aalala si Nick sa ina. Mabilis na tinungo niya ang kotse at iminaniobra iyon patungo sa bahay niya. Napukpok ni Nick ang manibela sa pagkaasar. Ni hindi niya matawagan si Angelu.
![](https://img.wattpad.com/cover/230191369-288-k748977.jpg)
BINABASA MO ANG
Loved You Then, Love You Still
عاطفيةIt was too late nang ma-realize ni Angelu na pinaglalaruan lang siya ni Nicholas. He walked out on her when she needed him most. Lumipas ang mga taon na akala niya ay okay na siya. Hindi pa pala... Dahil nang muling mag-krus ang mga landas nila, she...