Part 55

2.6K 135 32
                                    

"M-MOM," tawag-pansin ni Paolo kay Angelu. They were on their way. Malapit na sila sa hospital na sinabi ng mommy ni Nick. Dahil hindi niya kayang magmaneho ay nagpahatid sila sa driver ng resort. Dinaanan niya sa eskuwelahan ang anak. "D-daddy will be okay, Mommy."

Pinunasan ni Angelu ang mukhang hilam sa luha. Hindi na niya alam kung papaanong nasabi niya sa bata na naaksidente ang ama nito at kailangan nilang puntahan. Funny pero mas nagiging matatag pa yata si Paolo kesa sa kanya. Bagaman, umiiyak din ito at panay ang kibot ng labi. Inabot ni Angelu ang anak at niyakap ito.

"Narito na ho tayo, Ma'am Anj," sabi ng driver.

Nang makaparada ang sasakyan sa entrance ng hospital ay dali-daling bumaba si Angelu. Hawak ang kamay ni Paolo na pupuntahan na sana niya ang information desk para magtanong.

"Anj," pagkuha ng kung sino sa kanyang atensiyon. Nang lumingon siya ay nakita niya ang isang lalaki na marahil ay nasa late fifties ang edad. May kasama din itong isang bata. Kay Paolo nakatingin ang lalaki. "You're Anj, right? Ako si Nathan, ang step-dad ni Nick. And this is Nathaniel, Nick's brother."

"A-ako nga po." Mabilisang ipinakilala ni Angelu si Paolo.

Ngumiti ito. "Kamukha mo ang daddy mo, Paolo. Come. Pinaaabangan ng mommy ni Nick ang pagdating ninyo."

"Kumusta ho si Nick?" tanong niya habang malalaki ang hakbang na sumusunod sila rito. Please tell me he's okay... Hindi ito makasagot kaya naman umaalpas na naman ang luhang pinipigilan niya. Nakarating sila sa ICU. Siyang pagbukas ng pinto niyon at paglabas ng isang babae. Hula niya ay ang ina ni Nick.

"Anj?" anito, nagpalipat-lipat ang tingin sa kanya at kay Paolo. Pagkuwa'y sinugod siya nito ng yakap. Humahagulhol ito kaya naman tuluyan na ring napahagulhol ang dalaga. Ni hindi siya makapagsalita. Nanakit ang dibdib niya. Agad din naman itong humiwalay sa kanya. "K-kanina ka pa tinatawag ni Nick. H-he needs to talk to you."

"W-what?"

"P-please see him. H-he's asking for you..." pakiusap ng ginang, naglulunoy sa luha ang mukha. "T-the doctors said... h-he m—might not m-make it. Napakahina ng pintig ng puso ni Nick. K-kaya ipinapakiusap na ang... ang..." she couldn't continue for she already bursts into tears.

Angelu shook her head in denial. Hindi. Hindi totoo ang sinabi nito. Nick will make it. Hilam sa luha na tumakbo siya papasok sa ICU. Natutop niya ang bibig nang makita ang binata. May benda ang ulo nito at ang mukha ay namamaga. May oxygen hose din na ilong at bibig nito. May brace ang leeg ni Nick. Para itong lantang gulay na nakahiga at nakakabitan ng kung ano-anong medical apparatus. Pigilin man, kusang umalpas sa bibig niya ang mga hagulhol.

"N-Nick..."

Gumalaw ito nang maulinigan ang boses niya. Halos hindi niya maigalaw ang mga binti para lumapit sa kama.

"A-Anj..." halos walang boses na usal nito. Kinikilabutan ang dalaga, nananayo ang kanyang balahibo.

"N-Nick. Oh, Nick..." Naupo siya sa silya. Umiiyak na hinawakan niya ang palad nito.

Nick looked at her poignantly. Kumikislap ang mga mata nito sa luha. "I... I c-can r-remember y-you now, Anj. N-naaalala ko na. N-naalala na k-kita. A-ang naka— nakaraan..." Tumulo ang luha sa mga mata nito. "I... I— w-was right. M-minahal nga k-kita noon, A-Anj. A-at... a-at m-mahal pa rin k-kita... hang— hanggang ngayon," paputol-putol na wika nito sa napakahinang boses. He was catching his breath.

Tumango siya, stopping him from talking. Dinala niya sa tapat ng nanginginig niyang labi ang palad nito at hinagkan iyon. Natatakot siya sa sandaling iyon. Sobrang natatakot siya na hindi niya mapigilan ang pag-iyak niya.

"D-don't talk anymore, please. M-magpagaling ka. Y-your son needs you. We need you. Oh, Nick, I love you. Mahal pa rin kita. P-please d-don't do this to me. Magpagaling ka," pagsamo niya. Wala na ni katiting na hinanakit o galit sa puso niya para sa binata. Ang tanging naroon na ay ang pagmamahal para rito. "Mahal kita. Narinig mo ako? Mahal na mahal kita, Nick!" Oh, God! Please, please save him. Iligtas n'yo po si Nick.

"M-mahal d-din kita. H-hindi ako t-tumigil sa pagmamahal sa 'yo. K-kahit h-hindi kita maalala... I—inalagaan ka p-pa rin ng p-puso ko. W-walang ibang nakapasok, Anj." Patuloy na namamaybay ang luha sa gilid ng mga mata ni Nick. He was smiling faintly as he stared at her. Para bang tinitingnan na siya nito dahil iyon na ang huling pagkakataon na matitigan siya nito. "A-Anj..." muling usal nito sa bahaw na tinig. "I n-never meant to turn my b-back o-on you that d-day." Inahit ng ubo si Nick. Ubong tila nagpapahirap sa mga baga nito. Para itong naghahabol ng hininga. It scared the hell out of her. Sa sandaling iyon ay gutso niyang tawagin ang lahat ng pangalan ng mga santo.

Tumayo siya para tumawag ng doctor pero mariing hinawakan ni Nick ang palad niya. "I r-ran a-away p-pero n-naliwanagan din agad ako. I— I... l-love you at hindi k-kita k-kayang iwan nang ganoon na lang. H-hindi ko k-kayang t-talikuran k-kayo ng a-anak n-natin... b-ba— b-babalikan na s-sana kita nang... nang m-maaksidente ako. B-babalikan sana kita, Anj," umaagos ang luhang sabi nito. "I... I c-chose you a-and our child that day, Anj. B-babalikan sana kita. I... w-wanted to make an honest woman out of you. I w-wanted to give our child a f-family. H-hindi ko s-siya kayang talikuran d-dahil a-alam ko k-kung paano m-mabuhay na... na w-walang a-ama..."

Angelu cried hard. Hindi naman pala sila talaga tinalikuran ni Nick. Babalikan siya dapat ni Nick sa sandaling iyon pero naaksidente ito at nawala na nga ang alaala.

Tumango siya, sunod-sunod. "Naniniwala ako sa 'yo, Nick. N-naniniwala ako."

"I love you, Anj. A-and Paolo... t-tell him I love him. A-and t-that I—I'm s-sorry... I c-couldn't b-be there for—" suminghap si Nick. Malalim ang naging hugot nito. Na para bang iyon na ang huling hininga nito. A tear fell again on his eyes. Napalalim ang hugot ng hininga ni Nick.

"N-Nick! Oh, no, no! Doctor! Doc— tor!" hindi magkandatutong hiyaw niya lalo't parang tumitirik ang mga mata ng binata. Nanlalamig siya, natatakot. Lalo na ng mag-flactuate ang tunog ng makinang nagmomonitor sa mga vital signs nito. Para siyang masisiraaan ng ulo. Halos yakapin na niya ang binata. No, hindi siya iiwan ni Nick. "Nick, plea—se! Please fight for us."

Bumukas ang pinto. "Daddy!" pag-iyak ni Paolo. Angelu couldn't take the fear and pain anymore. Umiikot na ang kanyang paligid. Nanlalabo na ang kanyang paningin. Hanggang sa manlambot ang kanyang katawan kasunod ng unti-unting pagdidilim ng kanyang paningin. 



----------------------------

Ano masasabi n'yo? Heart-breaking eh. :(

Loved You Then, Love You StillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon