"UY, ANO 'yon?" sabi ni Wena. "Mukhang may komosyon."
Sinundan ni Angelu ng tingin ang tinitingnan ng kaibigan. Sa lugar kung saan nagpaparada ng kani-kanilang sasakyan ang iilang estudyante na can afford na magsasakyan papasok sa eskuwela. Marami ng estudyante ang nakikiusyoso roon. "Sus, para kang bago nang bago. Grupo ni Henry lang 'yan. Malamang ay may pinagtripan na naman ang kanilang grupo at—Ay! Ano ba," reklamo niya ng hilahin siya ni Wena patungo roon.
"Tingnan natin. Maya-maya pa naman ang simula ng klase natin."
"Wena, ano bang mapapala ko diyan? Alam mong wala akong pakialam sa mga ganyan."
"Ako meron. Tsismosa ako," anito at binilisan pa ang paghakbang. Napasunod na lang si Angelu. Nakisingit sila sa nakapaligid na mga estudyante. Si Wena ang nauuna, nakasunod siya rito. Ohhh! Narinig nilang sabay-sabay na sabi ng mga nakapalibot. "Kina Henry na grupo nga at— Oh, my...G."
Na-curious si Angelu. Oh, my...G? Sa boses na animo namangha si Wena at hindi na-shock sa kaguluhan?
"Ano ba ang..." humina ang pagsasalita niya hanggang sa tuluyang mawala ang boses. Grupo nga ni Henry ang naroon. Bagaman wala mismo ang leader na si Henry. But Angelu's eyes landed on a particular man. Bagong mukha ito. Oh, well, hindi siya sigurado kung bagong mukha nga ba ito sa eskuwelahan dahil hindi naman siya palamasid sa kapaligiran niya. Ang sigurado lang siya ay noon lamang niya makita ang lalaki.
Ito ang pinagti-trip-an ng grupo ni Henry. Malas lang ng mga ito dahil mukhang hindi ang grupo ang nakaka-score dahil hayon... si Hernani ay nasasalo ng dalawa pang kasamahan, mukhang nakatulog ito. Habang ang lalaki ay balewalang pinapagpag ang damit na nagusot. "May problema pa kayo sa akin?" napaka-cool na tanong ng lalaki sa natitirang tatlo na mukhang nasisindak.
Ang suwabe ng boses, naikomento ni Angelu sa isipan. At ang guwapo niya... Pero mukhang bad boy din. May aura na animo rebelde din ito. He has cold but penetrating eyes. Prominente ang tabas ng panga at matangos ang ilong. He was wavy hair. At may cleft chin. Matangkad ito, siguro ay lampas anim na talampakan ang taas nito. Hindi ito mamasel pero hindi rin payat. Tama lang. At base sa eksenang ito, mukhang hindi na bago rito ang makipag-away. Ni hindi nga natakot na apat ang haharapin. It's like he knew he can protect himself. Aaminin niya, malakas ang personalidad nito. May hindi matatawarang appeal.
Nagtangkang sumugod ang isa na hindi niya matandaan ang pangalan. Mio yata. Pero inilagan lang ng lalaki ang suntok ni Mio. Panay lang ang ilag ng lalaki pero mapang-asar ang pagkakangisi, like he was just making fun out of his attacker. Ang dalawang lalaki na sumalo sa katawan ni Henry ay umalis na salo pa rin ang katawan ng lider ng mga ito.
Ang yabang, naikomento niya sa isipan. Napatingin sa kanya ang lalaki. What? Don't tell me narinig niya ang sinabi ko.
Nagsalubong ang mga mata nila. At natigilan si Angelu. What was that? Bakit parang biglang naglaho ang mga nasa paligid nila? Bakit napakatahimik at... tibok ng puso, bakit nakakarinig siya ng malakas na tibok ng puso. Kanya ba iyon?
"Aw!" sabi ng lalaki.
Doon bumalik ang reyalidad kay Angelu. What, natulala siya? Nakikipagtitigan sa lalaki? Napalunok ang dalaga. What the hell? At bakit ang lakas ng kabog ng dibdib niya?
Ang lalaki na nawala siguro sa focus---dahil sa pakikipagtitigan sa kanya! --- kaya tinamaan ito ng suntok kaya napa-Aw! Ibinalik nito ang tingin kay Mio bago ito nagpakawala ng isang malakas na suntok sa mukha ni Mio.
"Tara na. Andiyan na sina Dean." Narinig iyon ni Angelu sa bandang likuran niya. Dahil ayaw madamay sa gulo ay hinila na niya si Wena paalis sa kaguluhan. Nagsipulasan na rin ang iba pa.
BINABASA MO ANG
Loved You Then, Love You Still
RomanceIt was too late nang ma-realize ni Angelu na pinaglalaruan lang siya ni Nicholas. He walked out on her when she needed him most. Lumipas ang mga taon na akala niya ay okay na siya. Hindi pa pala... Dahil nang muling mag-krus ang mga landas nila, she...