Part 28

1.9K 100 2
                                    



Nagtataka man, tinanggap ni Nick ang iPad at tinunghayan iyon. Pinasadahan niya ng basa ang nakabukas na page...

Funny how people swoon over that #YourHighness. Kunsabagay, maging ako man ay minsang nahumaling sa kanya. Let me tell you my story. Our story. Transferee siya sa school namin. But, boy, he was a heartthrob. Kabago-bago niya pero nahuli na agad niya ang puso ng mga kababaihan. Oh, kaninong pusong babae ba naman ang hindi mai-inlove sa kanya? He was gorgeous. Nanunuot kung tumingin. Nakapanlalambot ng tuhod ang ngiti. He had a deadly charm, if I may sum it up.

Napansin ako ni #YourHighness. Oh, lord, first day pa lang niya sa school pero nagawa na agad niyang sabihin sa akin na gusto niya ako. It was as if he already had set his eyes on me. Aaaminin ko, isa ako sa mga babaeng humahanga sa kanya. Pero pilit kong sinisikil ang damdamin ko dahil... I don't know but I had this first impression na sasaktan lang ako ni #YourHighness.

Kinulit niya ako, sinundan-sundan. Hindi daw siya marunong manligaw pero para sa akin ay ginawa niya. He made grand gestures. Hanggang sa hindi ko na rin makontrol ang damdamin ko at tuluyan na rin akong bumigay sa charms niya.

I gave him my everything. My heart, body, and soul. He was the first and I have no problem giving him my virginity. Why, I love him so.

Tumigil si Nick sa pagbabasa at sinulyapan ang ina. Mariin itong nakatutok sa kanya. Nagpatuloy siya sa pagbabasa;

He got me pregnant. And that was when my bubble burst into thin air. Sinabi ko sa kanyang buntis ako. He was shocked. He got angry. Sabi ko, 'okay, normal lang na ma-shock siya. Magsi-sink in din sa kanya ang lahat.' Pero tinalikuran lang niya ako at parang hinahabol ng sampung kabayo na umalis siya. Iyon ang huli kong balita sa kanya. Hindi siya nagpakita sa school kinabukasan.

"What?" kunot ang noo na bulalas niya. Biglang nilukob ng pagkagulat ang kanyang katawan. Naninindig ang balahibo niya. Binato niya ng tingin ang ina. Nagkibit-balikat ito bago sumenyas na ituloy niya ang pagbabasa. He did.

I was so mad at him. Sa puntong iyon ko na-realize na hindi siya karapat-dapat mahalin. Termination of my pregnancy is not an option for me. Hell. Kahit na alam kong mahihirapan ako, kahit na maraming nakasalalay kahit isang saglit ay hindi pumasok sa isip ko na ipalaglag ang anak ko. Hindi siya isang pagkakamali tulad ng sabi ng ama niya. Because every baby is a gift.

I quit the school. Pinalaki ko ang tiyan ko, Inalagaan ang nasa sinapupunan ko. Nang isilang ko siya, nang marinig ko ang pag-iyak niya, nang una ko siyang masilayan, nang karagahin ko siya doon ko napagtanto kung ano talaga ang kahulugan ng pagmamahal. My angel is the center of my universe now. At hindi ko pinagsisihan na dumating siya sa buhay ko. Hindi ko pinagsisisihan na binuhay ko siya.

To you, #YourHighness, salamat sa anghel na nasa tabi ko ngayon. Anghel na mahal na mahal ako. He's very worth all the sacrifices. Siya nga pala, I wish you nothing but Karma. I hope it strikes you soon.

Yours,

Guada

Loved You Then, Love You StillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon