Part 25

2K 88 1
                                    

BUMALIKWAS ng higa si Nick. Kadiliman ng silid ang sumalubong sa kanya. Hinihingal at pawisan na inabot niya lamp shade na nakapatong sa stand sa may kanan ng kama niya. Binuksan niya iyon. Bumaha ang liwanag sa silid. Nasapo ni Nick ang mukha sa kanyang mga palad. Habol pa rin ang kanyang hininga.

There it was again. Nanaginip na naman siya. Napanaginipan na naman niya ang babaeng walang mukha. Nick grunted. Sa nakalipas na sampung taon ay paulit-ulit na bumibisita sa panaginip niya ang babaeng iyon. Ang babaeng walang mukha sa kanyang panaginip.

Bumaba si Nick sa kama. Pinuntahan niya ang kanugnog na terrace ng kanyang silid. Binuksan niya ang salaming sliding door na nagsisilbing partisyon ng silid at terrace. Naupo si Nick sa isang settee. Malamig ang panahon at madilim pa rin ang kapaligiran. Hindi siya sigurado kung anong oras na ba. Muling nagpakawala ng buntong-hininga si Nick.

Years ago ay nagkaroon siya ng aksidente. Isang malalang aksidente. Sa isang hospital na siya nagising. Nagising na wala ni isang alaala sa kanyang isipan. Nick couldn't even remember who he was, not even his own name. Ang kanyang ina ang siyang nag-supply sa kanya ng lahat ng impormasyon. Noon din lang niya nalaman that he spent a few months of his life sleeping in a hospital. After a few months, pumunta sila ng America para doon siya tuluyang magpagaling. Matagal din bago naibalik ni Nick sa normal ang buhay niya. Nanatili silang mag-ina sa America. Doon na rin siya nagtapos ng pag-aaral. Nang maka-graduate ay nagtayo siya ng kumpanya kasosyo ang dalawa pang kaklase na naging kaibigan na rin niya. New Horizon o NH—the company— did well. Basically, ang kumpanya nila ay nasa larangan ng buy and sell. Mostly, real state properties ang binibili nila. Dinidevelop iyon, ino-overhaul bago muling ibebenta. Lumago ang NH. Naging successful.

Noong nakaraang buwan lamang siya bumalik ng Pilipinas. Bagaman pabisi-bisita na rin sa mga nagdaang taon. Nicholas and his business partners decided to expand the company. Sa Pilipinas nila napiling itayo ang unang branch ng New Horizon, ang New Horizon Philippines o NHP. Sa kasalukuyan ay inaayos ni Nick ang pagpapatayo ng building nila sa Alabang. Pansamantala ay nag-oopisina siya sa isang kilalang tower.



 "GOOD morning, Kuya!" pagbati ng matinis na boses ni Nathaniel kay Nick nang dumulog siya sa komedor para mag-agahan. Kapatid niya si Nathaniel. Apparently, noong nasa hospital siya ay nagtagpo uli ang landas ng mommy niya at ng childhood sweetheart nito na si Nathan. Parehong single ang dalawa. At nahulog ang loob sa isa't-isa. Noong magising siya ay ang dalawa na. Dahil may amnesia, inakala pa nga niya na ang ama niya ay si Nathan. But her mother had been honest to him. Ikinuwento nito sa kanya ang lahat. Maging kung sino ang ama niya at kung bakit sila pupunta sa America. Nagpakasal ang mommy niya at si Nathan. Ilang taon din munang namalagi ang mga ito sa America bago ipinasyang sa Pilipinas na bumase.

"Good morning, Nate," tugon niya. Binati rin siya ni Nathan at ng ina. Nick returned the courtesies. Pagkatapos niyon ay inukopa na niya ang kanyang upuan. Kapag bumibisita siya sa Pilipinas ay sa bahay ng mga ito siya tumutuloy. Pero ngayong may posibilidad na magtagal siya sa bansa dahil sa pamamahala ng NHP ay iniisip na rin niyang bumukod. A condo unit will do. Ipapaasikaso na niya sa secretarya niya ang bagay na iyon.

"Why are you smling like that, 'My?" tanong niya sa ina habang nilalagyan ng sinangag ang plato niya. "Dad?" baling niya sa ama-amahan. He was calling him 'dad' dahil sa nakalipas na mga taon ay naging ama ito sa kanya. "What did I miss?"

Tumawa si Nathan. Binalingan nito ang asawa. "Tell him," udyok nito.

"Oh, sikat ka na, Nicholas," anang mommy niya, makahulugan ang kislap ng mga mata nito.

Loved You Then, Love You StillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon