Part 3

2.4K 104 2
                                    

"ANG GUWAPO, ano, Anj?" tila nangangarap na sabi ni Wena. 

Nasa loob na sila ng class room nila pero dahil wala pa ang professor nila ay kanya-kanyang kuwentuhan pa ang mga estudyante. Pati na sila ni Wena. "And his get up? Lakas makadagdag ng sex appeal. Kung sabagay, sa tindig niya, sa tikas, kahit ano yata ang suotin niya ay malakas pa rin ang appeal niya. May x-factor eh. Parang modelo na kahit anong suutin kering-keri," walang-awat na wika nito. Obviously, na-hook kagaad ito sa lalaking iyon. Hindi maitago ng mga nangangarap na mga mata nito ang interes at paghanga. "And, imagine napatumba si Hernani! Tulog ang gago. Ang galing-galing. Parang action star. Ang sigurado ko lang ay may bagong hearththrob ang Guadalupe College," nakangisi pa nitong wika. "Aalamin ko kung sino siya."

"Bakit? Hindi mo ba siya dati nakikita dito sa school?" she inquired. Aaminin niya na naku-curious din siya sa lalaki. No, hindi lang curiousity ang nadarama niya. Ewan ni Angelu pero parang may bagong pakiramdam na idinulot sa kanya ang lalaking iyon. Lalo na kanina noong magtama ang mga mata nila at parang mawala siya sa sarili. Para siyang naengkanto.

"Hindi. 'Yong ganoon kaguwapo? Hindi 'yon makakaligtas sa mga mata ko."

Natawa siya sa sinabi ni Wena. "Mukhang mayabang naman," komento niya, sa isipan ay gumigitaw ang hitsura ng lalaki. He really had an undeniable presence.

"May ipagyayabang naman, teh! Hindi siya lampa at ang guwapo guwapo pa," pagtatanggol ni Wena. "Mas nakakabuwisit iyong mayayabang na feeling guwapo lang naman."

Tinapik niya ang braso nito sa nananaway na paraan. "Double standard lang? 'Pag guwapo okay lang maging mayabang? Kapag pangit, nakakabuwisit, ganoon?"

"Oh, well..." Wena smiled, sheepishly. "Sadly, iyan ang kalakaran ngayon. Double standard sa lahat ng bagay. 'Yong lalaking iyon? Hindi ko siya ide-describe na mayabang. Confident lang," nakangisi nitong wika.

"Ayan na si Prof," sabi ng isang estudyante na nakaupo sa baluster sa labas ng classroom. Agad itong nakapasok, sabay upo. Lahat sila ay kanya-kanyang balik sa upuan. Aakalain na lahat sila ay mga tahimik at matiyagang naghihintay sa kanilang professor. Pumasok sa silid si Mister Castro, ang kanilang professor. Nakisabay sa pagbati si Wena at Angelu.

Pero agad silang nagkatinginan ni Wena nang pumasok sa silid, kasunod ng prof, ang isang lalaki. Walang iba kundi ang lalaki kanina sa kaguluhan. Mula sa malakas na pagbati, humina rin ang boses ng buong klase. Obviously, namumukhaan rin ng mga ito ang lalaki. Oh, well, ang mukhang iyon ay hindi naman talaga madaling kalimutan. Dahil aaminin niya na tumatak din talaga sa memory niya ang hitsura ng lalaki, lalo na ang guwapo nitong mukha.

Ang klase ay nagbulungan. "Siya 'yon. 'Yong nagpatulog kay Hernani.", "'Yan 'yong sinasabi kong lalaki kanina.", "Mama Mia, ang pogi!"

The man looked arrogant now. Suplado. Tiim ang labi at seryoso ngunit may bahid din ng pagkainip ang kislap ng mga mata. Parang hindi ito marunong ngumiti. How was it possible na pabago-bago ito ng mood pero sa bawat pagbabago ay hindi nababawasan ang angkin nitong kaguwapuhan? Parang lalo nga itong gumuguwapo. Tulad ngayon na mukha itong arogante at suplado, lahat yata ng babae ay gugustuhin na siyang maging dahilan ng ngiti sa labing iyon.

Balewalang inilibot ng lalaki ang naiinip na paningin sa klase. And then he saw her. There, hindi siya sigurado pero parang umangat ang sulok ng labi nito sa isang manipis na ngiti. Parang may kumislap na pagkaaliw din sa seryosong mga mata nito. His bored expression was suddenly gone.

Dahil doon ay desimuladong napalunok si Angelu. Pero hindi siya nagpa-intimidate. Hindi niya ipinakitang naaapektuhan siya ng presensiya nito. Sinalubong niya ang paningin ng lalaki at bahagyang itinaas ang kanyang kilay sa paraang nagsasabi na 'what are you looking for?'

Loved You Then, Love You StillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon