Part 59

2.2K 105 1
                                    



AH! NAPAKASARAP sa pakiramdam ng humahaplos na palad na iyon sa pisngi ni Angelu. May hatid iyong init, pagsuyo, at pagmamahal. Umungol siya. She wants more of it. So much more. Pagkuwa'y bigla siyang natigilan, biglang balik ng kanyang kamalayan. May palad ngang humahaplos sa kanyang pisngi.

"I love you..."

Nick?! Napabalikwas si Angelu. Tulalang napatitig sa lalaking mamasa-masa ang mga mata pero may ngiti sa labi. "Hey," usal nito. The love for her was there, surrounding his aura.

Nang makabawi sa pagkabigla ay agad naiyak ang dalaga. "Oh, God!" Mabilis na napadukwang siya at pinaliguan ng halik ang mukha ni Nick. Sa noo, sa magkabilang pisngi, sa ilong... Si Nick ay naiiyak din sa galak. Nang ang labi na nito ang halikan niya ay tumugon ang binata.

"M-mahal kita, Nick," umiiyak na sabi niya bago yumakap dito. "S-salamat at bumalik ka na. Oh, Lord, thank you. Thank God, thank God... K-kanina ka pa ba gising. Ha? May masakit ba sa 'yo? How do you feel?" natatarantang tanong niya. "Tatawag ako ng doctor at— Oh, Nick!" Muli siyang napabulalas ng iyak. "A-akala ko... akala ko m-mawawala ka na sa amin. A-akala ko—"

"Anj," putol ng binata sa pagkataranta niya. Naglalandas din ang mga luha sa gilid ng mga mata nito pero may ngiti sa labi ng binata, ganoon din sa mga mata. "I'm not going anywhere, my love." Dahil hindi ito makabangon, he was just holding her hands. Nanginginig din iyon dahil sa emosyon. And Angelu could felt the warmth of his hand travelling straight through her heart, "I'm l-loving you for so long at wala akong balak na umalis ng ganoon na lang. K-kahit nawala ang memorya ko, h-hindi ka nakalimutan ng puso ko. Even my mind was trying to remember you. You're in my dreams... P-pumasok man ako sa relasyon, hindi naman nasangkot ang puso ko. K-kaya hindi ako papayag na hindi lumaban. I'll fight for you; I'll fight for us..."

Sumigok siya. "T-tulad mo, wala ring ibang nakapasok sa puso ko. Maraming sumubok na buksan at pasukin ang puso ko. Pero dinala mo ang susi nito. I love you, Nick. Love you still. Hindi naman pala talaga ako naka move on sa 'yo. Hindi naman pala nawala ang pagmamahal ko sa 'yo. Natulog lang. Natulog ng sampung taon at gumising nang magbalik ka. I hate myself for that. Imagine, pagkatapos ng ginawa mo, pagkatapos ng mga taong lumipas, hindi ka pa rin pala nawawala sa puso ko."

"I'm s-sorry about what happened," puno ng pagsisisi at panghihinayang na wika nito. He reached for her face. Bahagya naman siyang umabante. Pinahid ni Nick ang mga luha niya. "H-hindi ko sinasadya, Anj. I didn't handle the situation right. Nabigla ako, natakot but I never intended to leave you. Or, broke your heart. Hindi—"

"Sshh," putol niya rito. "Naiintindihan ko na, Nick. Naiintindihan ko na ang nangyari. Nakalipas na iyon. A-ang mahalaga ay atin na ang bukas. Atin na ang bukas, Nick, at babawi tayo. Babawiin natin ang mga nasayang na sandali. Tama nga si Wena. Kaya ka dinala ng tadhana sa Guadalupe ay dahil sa akin. Dahil 'kapag daw itinadhana ang dalawang tao, magkikita at magkikita sila. All roads will lead to each other daw." This particular hottie was hers. Hers alone, all of him.

Ngumiti si Nick. Ngiting hindi kumukupas ang epekto sa puso niya. It could still melt her heart and mesmerize her. "Aaminin ko, hindi talaga malinis ang itensiyon ko sa 'yo noong una. I pursued you because you were my type, at ayaw kong madungisan ang pride ko. B-but I've learned to love you. And loving you were the best days of my life, Anj." Dumako sa batok niya ang palad nito at marahang inilapit ang ulo niya, sa ulo nito. Hanggang sa magdikit ang kanilang mga noo. Anj closed her eyes and savor the moment. She filled her lungs with his sweet, warmth breath. "I am someone else's bastard," usal ni Nick. Maging ito ay nakapikit din. "Iniisip ko dati, questioning rather, kung bakit kailangang ipanganak pa ako gayong hindi naman ako masaya. Hindi naman buo ang pamilya ko. Now I know the answer. I was born for you, Anj. Born to make you happy. Born to love you. And I'll die loving you."

"Oh, Nick." Ni hindi namalayan ni Anj at Nick nang bumukas ang pintuan. They were alone at their own cocoon of love, never minding the rest of world. Pareho na lang silang nagulat nang marinig nila ang halo-halong tili ng umiiyak sa kagalakan.

"Nick?! Son!" sabi ng boses ni Tita Mildred.

"Daddy? You're awake, daddy? Daddy!" si Paolo.

"Kuya's awake already?" si Nathaniel.

Angelu gave way. Binigyan niya ng daan ang mga bagong dating para makausap ang binata na agad nakapalibot sa kama. "I'll go call the doctors," aniya. Pero binalingan siya ni Nick, bumakas ang pagtutol sa mga mata nito. Na tila ba hindi nito gustong mawala siya sa paningin nito.

Nakahalata rin si Tito Nathan. "Ako na," anito. "Welcome back, son."

Kaya naupo uli siya sa may ulunan ng binata. He was holding her hand tightly, as if he has no intention of letting her go. Ganoon din naman ang nararamdaman niya. They're destined because they're born for each other.

Mula sa araw na ito ay magkakasama na silang pamilya. Buo, kuntento, at masaya. At puno ng pagmamahalan. Ah, kanila na ang bukas, ang bawat bukas. At susulitin nila iyon.


Loved You Then, Love You StillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon