Part 24

1.9K 93 1
                                    



DALI-DALING lumabas ng opisina si Angelu para hanapin ang anak. Sa reception area ng resort, nakita niya ang ilang female staff na sa tingin niya ay biglang nataranta nang makita siya. May kung ano sa pag-ilap ng tingin ng mga ito ang lalong nagpapakaba sa kanya. Nakita na rin nila ang picture ni Nick. God...

"Napansin ninyo kung nasaan si Paolo?" kunwa ay composed niyang tanong.

"Nasa restaurant po yata, Ma'am Anj," tugon ng isa.

Tinungo niya ang telepono sa reception area at idinayal ang numero ng kusina ng restaurant. Sabi nga pala ng anak niya kanina ay ibabalita nito sa chef ng restaurant ang pagpayag niya sa pagsali sa Master Chef. "Is Paolo there?"

"Yes, Ma'am," anang nakasagot. "Pao! Mommy mo," narinig niyang pagtawag nito. Ilang saglit lang at, "Hey, Mom..." anang masiglang boses ng bata.

"M-may... m-may ginagawa ka ba?" halos manginig ang boses na tanong niya.

"Opo, nag— Bakit ganyan ang boses mo, Mom?" tanong nito. The concern in her son's voice was unmistakeable. "Are you okay?"

Kinagat niya nang mariin ang dila niya para pigilan ang emosyon. "Y-yeah. Oo naman. I'm just checking on you." Hindi napigilan ni Angelu ang pag-iinit ng mga mata niya. Tuluyang naipon ang mga luha at tuloy-tuloy na namaybay iyon sa mga pisngi niya. Mabilis din naman niya iyong pinahid. Bagaman duda siya kung hindi iyon napansin ng nasa front desk.

"Mommy, hindi ko po, nalilimutan... 'Huwag gagamit ng kusina na walang nagbabantay sa 'yo.'" Pag-ulit nito sa linyang madalas niyang ipaalala rito. Paolo is still in good mood. Masaya pa rin ang boses nito.

"G-good," aniya bago nagpaalam na. Nang maibaba ang telepono ay dali-dali siyang lumabas ng building para pumunta sa lighthouse.

Nang makarating sa lighthouse ay agad na umakyat doon si Angelu. Mabuti na lang at walang guest doon ngayon na gumagamit. Solo niya ang lugar. Naupo si Angelu sa deck at tumanaw sa karagatan. Memories sapped her mind. Hindi nagpaawat ang mga luha niya at tuloy-tuloy iyong namaybay sa magkabila niyang pisngi. Naalala niya ang araw na talikuran siya ni Nick, noong araw na sabihin niya ritong buntis siya. That was the last day she ever saw him. Tinakasan na siya ni Nick.

Nalilito, natatakot, at hindi alam ang gagawin na ipinagtapat ni Angelu sa kanyang ina ang sitwasyon niya. Salamat sa diyos at naging maunawain ito. Ang kanyang ina at si Wena ang naging karamay niya. Hindi naging madali ang lahat pero kinaya niya.

Ten years! Ten long years had passed. Akala niya ay ayos na siya. Na kaya na niyang harapin ang lahat. Pero bakit ngayon, pakiramdam niya ay may sugat na muling nagnanaknak? Bakit natatakot siya sa posibilidad na muling makita si Nick?

"No," mariing sabi niya, sabay pahid sa mga luha niya. "H-hindi ako ang may kasalanan. Hindi ako ang tumanggi sa responsibilidad. Hindi ako ang nanloko at tumalikod nang ganoon na lang," mapait niyang sabi. Angelu bit her quivering lower lip. Gustong-gusto niyang murahin si Nick. Gustong-gusto niyang pagsasampalin ang mukha nito hanggang sa manakit ang mga palad niya. She so hated that bastard!

Si Paolo... Paano niya ipaliliwanag dito ang sitwasyon? Paano niya sasabihin dito na kaya wala itong ama ay dahil hindi siya pinanagutan ng ama nito. Na bigla na lang itong nawala pagkatapos noon? Hindi nagtatanong si Paolo ng tungkol sa ama nito. Para bang nakamulatan na nito na it was only her and him. But she knew he was looking for a father figure. Kaya nga marami itong kasundong male staff. Kaya madalas na nakikipagkuwentuhan si Paolo sa mga empleyado, nag-uusisa ng mga ginagawa ng mga ito. At nagdudulot iyon sa kanya ng sakit.

God, what to do now?

Loved You Then, Love You StillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon