"DAMN IT!" gigil na bulalas ni Nick nang maputukan siya ng interior ng gulong. Nasipa pa niya ang flat na gulong sa inis. When it rains it really pours. Wala pa naman doong vulcanizing shop. Ah! Kung kailan pa naman siya nagmamadali. Mabuti na lang at marunong siyang magpalit ng gulong. Mayroon din siyang reserbang gulong at mga gamit.Mabilis na kumilos si Nick. Hinubad niya ang pang-itaas na damit, iniitsa iyon sa loob ng sasakyan. Kapagkuwan ay kinuha niya ang reserbang gulong, ang jack, at ang tool box. Nagsimula na siyang magpalit ng gulong.
Naayos naman ng binata ang problema. Agad na niyang itinuloy ang pag-uwi. "Mom? Mom?" pagtawag niya nang makapasok ng bahay. Pero wala sa bahay ang ina. Napabuga ng hangin si Nick. Ang pagtsa-charge sa cell phone niya ang una niyang ginawa. Patapik-tapik ang mga daliri niya, hindi makapaghintay. Nang masigurong may sapat na charge na iyon para mabuhay ay agad na ngang binuksan ni Nick ang telepono.
Pumasok ang text ng ina. Are you home? Don't leave. Wait for me. Tumipa ng reply si Nick. Okay.
Isa pang text message ang pumasok, galing kay Angelu. Binuksan iyon ni Nick. We need to talk. Emergency. Puntahan mo ako dito sa park. Please...
Emergency? Nag-aalalang idinayal ni Nick ang numero ng dalaga. But it was unattended. Wala marahil signal. Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Nick. Hinugot na niya ang telepono bago nagmamadaling bumalik sa kotse. Pupuntahan niya si Angelu. Damn. Sana naman ay ayos lang ang dalaga. Mamamatay siya sa pag-aalala rito.
Narating niya ang park. Nakita din naman agd niya si Angelu kasama nito si Wena. Mabilis na bumaba ng kotse si Nick at halos patakbong lumapit lalo't parang umiiyak si Angelu.
Nang papalapit na si Nick sa kinauupuan niyang bench ay umalis na si Wena. "Anj," nag-aalalang wika niya. Tinabihan siya nito sa bench. Umiiyak nga ang dalaga. May takot na sumusungaw sa mga mata nito. "Ano'ng emergency ang tinutukoy mo? Why are you crying? Are you okay?" sunod-sunod na tanong niya bago ito kinabig at ipinaloob sa mga bisig niya. Halos madurog ang puso ni Nick nang humihikbing isinubsob ng dalaga ang mukha sa dibdib niya. "Oh, damn, sorry kanina. Hindi lang talaga ako handa na makilala ang mama mo. Shhh. Stop crying."
"N-Nick." Kumalas sa yakap si Angelu. Nick wiped away her tears. "M-may kailangan kang malaman," anito. Hindi maipagkakaila ang takot at pangambang nakaguhit sa magandang mukha nito.
"Tell me," udyok niya. Hindi nagsalita ang dalaga, sa halip ay ipinakita nito ang bagay na nasa loob ng nakakuyom na kamao nito. Hindi niya napansin na may hawak ito kanina. Binuksan ni Angelu ang palad. And Nick was shocked at the thing he saw. Isang pregnancy test kit. Hindi maipaliwanag ni Nick ang gulat na lumukob sa kanya. For a moment ay hindi niya mahagilap ang boses niya.
"B-buntis ako, Nick."
Napatayo si Nick. Nalilito at natataranta siya. Nahaplos niya ang panga. "H-how d-did it happen? G-gumagamit tayo ng protection, Anj," natatarantang tanong niya. "Papaanong nangyari na— Anj?" Nick was upset.
"N-Nick..." nanginginig ang labi na usal ng dalaga. Tumayo ito at sinubukan siyang lapitan. Nick didn't know why he backed away from her.
"How could you let it happen? There must be some mistakes. That was a mistake!" frustrated na tanong pa ni Nick. Getting somebody pregnant was not part of his plan. At ngayon, ngayon ay heto... Ah, hindi makapag-isip nang maayos si Nick.
Si Angelu ay patuloy na umiiyak. "N-Nick..." pagtawag nito, humihingi ng assurance.
Napatitig si Nick sa dalaga. He was afraid and he didn't know what to do. For goodness' sake he was afraid, too. Umiling siya. Hindi siya makapag-isip. Natataranta siya, natatakot. Nick needs to sort this thing out. Kailangan muna niya ng espasyo, ng oras para i-absorb ang balita. He wanted to comfort Angelu pero siya mismo ay hindi malaman kung paano iyon gagawin. Ah! Natutuliro si Nick. Wala sa sariling tumalikod siya at umalis.

BINABASA MO ANG
Loved You Then, Love You Still
Любовные романыIt was too late nang ma-realize ni Angelu na pinaglalaruan lang siya ni Nicholas. He walked out on her when she needed him most. Lumipas ang mga taon na akala niya ay okay na siya. Hindi pa pala... Dahil nang muling mag-krus ang mga landas nila, she...