Part 60

2.3K 114 2
                                    



One month later

"NICK, stop it." Anj tried so hard to raise an eyebrow and then rolled her eyes at Nick. Kalalabas lang nila sa hospital. Nick was as good as new. Sa halip na sa bahay ng parents ni Nick sila tumuloy o sa resort, doon sila sa condo unit ni Nick tutuloy. Nasa kotse pa lang sila at siya ang nagmamaneho. But damn, Nick was giving her wicked smiles and hot stares. Pilyo ang kislap ng mga mata nito. It's like he can not wait to make her his. And for heaven's sake, sexual tension was seizing her. Nag-iinit siya. Nagsisimulang magliyab.

Nagmaang-maangan ang binata. "Stop what?" Animo wala itong alam sa sinasabi niya.

Tumikhim siya. Kahit ang totoo ay ungol ang gustong lumabas sa lalamunan niya. "Nick, I'm driving. Gusto mong bang maaksidente tayo at pulutin tayo pareho sa hospital? Jeez! Sampung taon na ang nawala sa atin. Ayoko ng dagdagan pa iyon. So, don't give that look."

Sa gilid ng mga mata niya, nakita niyang napakamot ng ulo si Nick. "Bakit basang-basa mo ang kilos ko?"

Sinulyapan niya ito, bago mapang-akit na nginitian. Kinagat pa niya ang lower lip niya. Agad din naman niyang ibinalik ang mga mata sa kalsada. "Because the feeling is mutual."

Hearing her response and seeing her seductive smile made him groan hoarsely.

"Kaya nga pumayag akong sa isama muna nila si Paolo. So, we'll have the condo for ourselves," dagdag pa niya, sadyang pinababa ang boses para maging tunog kaakit-akit.

"Stop the car."

Sumunod siya. Itinabi muna niya ang sasakyan bago iyon itinigil. Agad naalis ni Nick ang seatbelt nito bago umabante sa gawi niya. Then he claimed her lips, passionately. She leveled his passion. Pareho nilang ipinaparamdam kung gaano sila nananabik sa isa't-isa.

He inserted his tongue inside her mouth and duelled with her equally passionate tongue. Lips to lips. Tongue to tongue. Like him, she was aroused to. He was hard. She was wet. They were both needy and achy. They were both burning for each other.

Until their lungs screamed for air.

"God, I love you, Anj," usal ng binata nang maghiwalay ang mga labi nila. Pareho silang naghahabol ng hininga. Mainit at mapusok ang pinagsaluhang halik pero hindi niyon napahupa ang apoy sa kanilang mga katawan.

Binuksan ni Anj ang mga mata niya. And there, nakita niya sa guwapong mukha ni Nick, lalo na sa mga mata nito ang katotohanan sa binanggit na pagmamahal. Ngumiti siya. "I love you, Nick. I always do."

"Then. Now. And forever. I love you." Hinagkan nito ang ulo niya.

Itinuloy nila ang pag-uwi sa condo. A few more minutes and they were already at the building.

Nang muling bumukas ang elevator sa floor nila, walang makapipigil na magkahawak-kamay na lumabas sila. Nagmamadali ang malalaking hakbang.

"Wait," anang binata. Napatili na lang siya nang kargahin siya ng binata. "I shall carry you across the threshold." Kinindatan siya nito.

Natatawang naikawit na lang niya ang mga braso sa leeg nito. "Pero hindi naman tayo newlyweds," tudyo niya.

Hindi siya sinagot ni Nick. Siguro dahil naging abala na ito sa pagbubukas ng pinto ng unit nito habang karga pa rin siya. All the while she was just looking at his gorgeous face. Nabuksan naman nito ng walang aberya ang pinto. Bumaha ang liwanag sa silid. Humakbang papasok ang binata pagkatapos ay ibinaba na siya nito.

"Di---" Hindi naituloy ni Anj ang sasabihin nang mapagtuunan ng pansin ang paligid. Maraming bulaklak--- petals ng bulaklak, actually, sa sahig. May mga lobong lumulutang na may taling ribbon. Sa dulo ng ribbon ay may mga pictures niya, ni Nick, at ni Paolo.

Binalingan niya ang binata. Napasinghap siya nang makitang nakaluhod ito habang hawak ang isang nakabukas na kahon kung saan kumikislap ang isang singsing. Natutop ni Angelu ang bibig niya. Nag-init ang mga mata nang ma-realize kung ano ang nangyayari.

"I loved you then, Anj. A-at kahit may amnesia ako, kahit lumipas ang maraming taon, patuloy ka pa ring itinitibok ng puso ko. I'm pretty sure I'll die loving you." Emosyunal si Nick. Basag ang boses nito at namumula ang mga matang nagingislap din sa luha. Dahil doon ay tuluyan na ring nalaglag ang mga luha niya. "H-hindi ko alam kung bakit k-kailangang mangyari ang mga nangyari. Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng pagmamahal natin sa isa't-isa ay kinailangan tayong paghiwalayin ng tadhana. B-but I guess... I guess that time that we're apart tested our love for each other." Tumigil sa pagsasalita ang binata at bumuga ng hangin. Though he didn't bother to wipe away his tears. "We can have our forever now, Anj. So, will you marry me? Like marry me ASAP?"

Sunod-sunod ang pagtango ng dalaga. Katulad ng kung paanong sunod-sunod na pumapatak ang mga luha niya. Ah! Parang puputok ang dibdib niya sa saya. "Y-yes! Yes, Nick, I'll marry you with all my heart. With all that I am." Lumuhod siya at yumakap sa binata. "Oh, God, Nick." Agad din naman siyang humiwalay at sinapo ng mga palad niya ang magkabilang pisngi ng binata. Her thumbs wiping the tears. "T-totoo ito, hindi ba? Hindi ako nananaginip lang? Hindi ito isang mahaba at detalyadong panaginip lang?" Humihingi ng assurance na tanong niya.

Nakangiting umiling si Nick. "No, love. Hindi ito panaginip." Nick didn't wipe her tears away. He kissed them away. "Now, let's see if the ring will fit on your finger."

Isinuot ni Nick ang singsing sa palasingsingan niya. He kissed her hand before letting go of it. Ibinuka niya ang palad sa harap niya. The ring fits perfectly. At napakaganda niyon sa daliri niya. She loves it. She loves the symbol of it. She loves the man who gave it to her.

Sa bugso ng damdamin ay mabilis na inapuhap niya ang labi ng binata. She kissed him, hotly. Halik na muling nagpaningas sa apoy sa kanilang mga katawan. Sa pagkakataong iyon, pareho silang sabik na nagpadala sa nararamdaman.

Loved You Then, Love You StillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon