Part 20

1.9K 89 1
                                    


"B-buntis yata ako, Nick."

Biglang tumayo si Nick. Parang napapaso na binitiwan siya. Hindi makapaniwalang hinaplos nito ang panga. Lumunok ito. "H-how d-did it happen? G-gumagamit tayo ng protection, Anj," natatarantang tanong nito. "Papaanong nangyari na— Anj?" may bahid na ng galit na tanong nito.

"N-Nick..." nanginginig ang labi na usal niya. Tumayo siya. Sinubukan niyang lapitan ang binata, but he backed away from her. And it really hurts.

"How could you let it happen?" He snapped. Hindi maitago ni Nick ang paninisi sa kanya. "There must be some mistakes. That was a mistake!"

Her heart sank. Lalo siyang napaiyak. Tinutop niya ang bibig para hindi makatawag ng atensiyon ang paghagulhol niya. Ni hindi nga niya alam ang kanyang gagawin at inaasahan niyang makakapitan niya si Nick sa sandaling ito. Inaasahan niya na yayakapin siya ng binata. Kokonsolahin siya nito at sasabihing, 'it's okay, Anj. Huwag kang matakot. We'll work it out.' But his reaction was letting her down. His reaction was tearing her into pieces.

"N-Nick..." lumuluhang pagtawag niya rito, humihingi ng assurance. Ayaw niyang maging mas negatibo. Baka nabigla lang si Nick sa balita niya.

Tinitigan siya ni Nick. Naroon ang takot sa mga mata nito. Umiling-iling ito. Kapagkuwan ay tumalikod at tila hinahabol ng demonyo na tinungo ang sasakyan nito.

Bumuka ang labi ni Angelu, hindi makapaniwala habang sinusundan ng tingin ang papalayong sasakyan. His car was gone in an instant. Napakasakit. Hindi niya maipaliwanag ang sakit na parang pumipilas sa pagkatao niya. Nick walked out on her! Para itong aso na nabahag ang buntot at nagmadaling lumayo makatakas lang sa kanya.

Walang lakas na napaupo siya sa bench.

"Anj!" pagdalo sa kanya ni Wena.

Nakakita ng masasandalan, agad na yumakap si Angelu sa kaibigan at umiyak nang umiyak sa balikat nito. "H-he walked out on me. H-hindi niya tanggap ang b-balita," pag-iyak niya. "W-Wena... Ano na ang gagawin ko?"

"Shhh," pagpayapa ni Wena sa kanya habang hinahaplos ang likod niya. Bagay na sana ay si Nick ang gumagawa. "B-baka nabigla lang si Nick. Natakot. Baka kailangan lang niya ng oras para mag-sink in sa kanya ang lahat," anito. "Makikita mo, baka maya-maya lang ay nariyan na si Nick. Magiging maayos ang lahat, Anj."

Sana nga, piping panalangin ni Anj. Oh, lord, sana nga po ay nabigla lang si Nick. Natatakot lang, tulad ko. But he'll come to his senses. He'll be a man at hindi tatalikuran ang responsibilidad niya. Pananagutan ako ni Nick. Oh, God, sana nga po...

Sa sandaling iyon, parang nang-aasar pa na bumabalik sa isipan niya ang mga sinasabi ng ibang tao tungkol sa kanya;

--- Maaga rin iyang mabubuntis at mapapariwara.

--- Hindi namumunga ng manga ang puno ng santol.

---Dugo ng nanay niya ang dumadaloy sa ugat niya, kanino pa ba magmamana?

Loved You Then, Love You StillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon