"GUSTO ka ngang makilala ni Mama," giit ni Angelu kay Nick. Sinabihan niya ang binata na gusto itong makilala ng mama niya pero tumanggi si Nick. "Isama daw kita sa bahay mamaya. Doon ka na daw maghapunan."Hindi siya inintindi ni Nick. Ipinagpatuloy lang nito ang pagkain. It was lunch time. Dinala siya ni Nick sa bayan at doon sila sa isang restaurant kumakain. "Nick," tawag niya. Nakasimangot na si Angelu dahil hindi siya iniintindi ng binata. Binitiwan na niya ang hawak na kutsara at tinidor.
Nick sighed. Binitiwan din nito ang mga kubyertos na hawak. Kumuha ng tissue at pinahiran ang gilid ng bibig. Pagkuwa'y nilamukos ang kawawang tissue at padabog na binitiwan iyon. Isinandal ni Nick ang likod sa upuan. There was a furrow in his forehead. His lips were pressed. "I'm not ready to meet her, okay?" kunot ang noo na wika nito. "Hindi ako sanay na nakikilala ang mga magulang ng mga naging girlfriend ko. It was always between me and whoever is my girlfriend."
She bit her tongue. Nag-iinit ang mga mata niya. "N-ni hindi mo rin ako ipinapakilala sa mommy mo." Hindi lingid sa kanya na nagulat at namangha si Nick noong unang angkinin siya nito at madiskubre na ito pa lang ang lalaki sa buhay niya. Of course, that says a lot. Pinatunayan lang niyon na hindi totoo ang tsismis tungkol sa kanya. Alam ng dalaga na iyon ang mas magbibigkis sa kanila. At tama siya dahil mas naging sweet sa kanya si Nick. Mas naging possessive ito. Mas naramdaman niya ang pagmamahal nito at atensiyon. And yes, naulit pa ng ilang beses ang pag-angkin nito sa kanya.
Iyon nga lang, pakiramdam niya ay estranghero pa rin sa kanya si Nick. They're going out for two months now. Ni wala pa rin siyang masyadong alam sa pagkatao nito maliban sa tanging ina lang nito ang kasama nito.
"Bakit ba parang napakaimportante sa 'yo na makilala ko ang mama mo at makilala mo ang mommy ko?" nabubugnot na wika ni Nick.
"Dahil pamilya sila Nick at—"
Pumiksi si Nick. "Bakit kailangang i-involve ang mga pamilya natin ng ganito kaaga?" he argued. Para bang pinipigilan lang nito na magtaas sa kanya ng boses dahil nasa pampublikong lugar sila. Though hindi pa naman siya nito napagtaasan ng boses. Iyon ang magiging unang pagtatalo nila. "You're too serious. We're not even sure we'll end up with each other, okay?" pasinghal na sabi nito.
Natulala si Angelu. Hindi siya makahuma. Parang sinaksak ang puso niya sa narinig. Ang sakit naman niyon. Hindi pala ito seryoso at hindi sigurado kung sila nga ang magkakatuluyan. Tumayo siya. Dinampot niya ang bag niya at nagmadaling tumalikod bago pa nito makita ang pagtulo ng luha niya.
"Anj," narinig niyang pagtawag ni Nick sa kanya. Pero ni hindi ito nagtangka na habulin siya. Pumara nsiya g tricycle at sumakay roon. Panay ang pahid ng dalaga sa mga luha niya, panay rin naman ang agos niyon. How could he say that to her? Hindi man lang ito naging sensitive kahit kaunti. She was too serious daw? Kung ganoon ano itong namamagitan sa kanila? Hindi ba ito seryosuhan? Laro lang ba ito?
Dumeretso si Angelu sa isang parke at doon umiyak, nagpapalipas ng sama ng loob. Pity her, dahil hawak niya ang cell phone niya at maya't-maya tinitingnan iyon. Tinitingnan dahil baka tinatawagan siya ni Nick. O, baka may text ito. Pero wala, naghihintay siya sa wala. Ni wala man lang yata itong balak na suyuin siya kaya naman lalo siyang naiiyak. Parang walang halaga rito kung magkasira man sila. Maybe he didn't love her at all— natigilan si Angelu, napapalunok. She realized something, something important. Love? Ni minsan ay hindi pa niya iyon narinig sa labi ni Nick. Hindi pa nito nasabi sa kanya ang tatlong salitang iyon ng pagmamahal kahit na nga ba may nangyayari na sa kanila. All he said was... he likes her and she was his.
Lalong siyang napaiyak. Pakiramdam niya ay wala siyang pinanghahawakang ano man mula kay Nick.
BINABASA MO ANG
Loved You Then, Love You Still
Lãng mạnIt was too late nang ma-realize ni Angelu na pinaglalaruan lang siya ni Nicholas. He walked out on her when she needed him most. Lumipas ang mga taon na akala niya ay okay na siya. Hindi pa pala... Dahil nang muling mag-krus ang mga landas nila, she...