Part 48

1.9K 103 2
                                    


"So you'll walk out on us again. Again." Bumalik si Paolo sa silid nito at isinara ang pinto.

"Pao!" Nataranta si Angleu. Binato niya ng matalim na tingin si Nick.

"Open this door now, Anj," seryosong utos ni Nick sa boses na hindi mababali. Sa kabila ng pagiging demanding nito, naroon din at sumusungaw sa mga mata nito ang pakiusap. "Please let me in."

Natagpuan na lang ni Angelu na sinusunod ito. Binuksan niya ang pangalawang pinto. Mabilis na pumasok si Nick. Hindi siya nakahuma nang hawakan nito ang palad niya bago tuloy-tuloy nitong pinuntahan ang silid na pinasukan ni Paolo. Napasunod lang siya rito, papaanong hindi eh ayaw nitong pakawalan ang palad niya.

"Paolo? Son, let's talk."

"Go away!" sabi ng bata.

"Pao, it's not what you think it is. Okay?" Binalingan siya ni Nick. Hinuli nito ang kanyang mga mata. "Yes, I'm leaving pero isa o dalawang araw lang akong mawawala. Daddy needs to go see a doctor in Manila, that's why," anitong sa kanya nakatingin. Na para bang nagpapaliwanag din sa kanya. "Tapos, may kailangan din akong pirmahang documents sa office. Pero babalik—"

Sa gulat niya ay bumukas ang pinto. "Doctor? Are you sick?" magkasunod na tanong ni Paolo, naroon ang takot sa mga mata nito.

Noon binitiwan ni Nick ang palad niya. He bended on one knee. Tinuyo nito ang luhang naglandas sa mga pisngi ng bata. "Sumakit kasi ang ulo ko kagabi. Nag-alala si mommy mo, inutusan niya akong magpatingin sa doctor. I'm a good man kaya susundin ko si mommy para hindi na siya mag-alala."

Hindi makapaniwalang bumuka ang labi ni Angelu sa narinig. Nang batuhin siya ng sulyap ni Nick ay nakangisi ang hudyo. Parang gusto tuloy ni Angelu na batukan ito.

"Pao, daddy's sorry dahil hindi ninyo ako nakasama nitong mga nakalipas na taon. I—I'm so s-sorry," nabasag ang boses ni Nick. Dahil nasa likod siya nito ay hindi niya makita kung tama ang hinala niya na naiiyak ito. Maybe he really is dahil saglit itong hindi makapagsalita. Bumuga ito ng hangin, tumingala sa kanya. There, she was right after all. Namumula nga ang kumikislap sa luha na mga mata ni Nick. May bakas na rin ng luha sa magkabilang pisngi nito. "I'm so sorry, Anj."

She looked away. Maging siya ay nanakit ang lalamunan at nag-init ang mga mata.

"I know it was so hard to forgive me. B-but If you'll give me a chance, a second chance, I'll never turn my back again on you."

Angelu bit her lower lip. Pero hindi pa rin nagpaawat ang mga luha niya. The tears keep on flowing from her eyes.

"D-daddy's staying for good, Paolo. Hindi ko na kayo iiwan ni mommy. I promised. And I know na hindi magiging madali na tanggapin ninyo ako sa buhay ninyo. Hindi magiging madali na pagtiwalaan ako. But please just let me stay. Hayaan ninyong patunayan ko sa inyo na, this time, malinis ang intensiyon ko. God knows, I want you both in my life. I'm sorry I walked out on you. Napakalaki ng kasalanan at pagkukulang ko..."

"D-da— daddy," humahagulhol na usal ni Paolo. Pagbaling ni Angelu ay nakita niyang mahigpit na nakayakap na ang bata sa leeg ng ama nito. Tiningala siya ni Paolo, para bang humihingi ito sa kanya ng assurance na tama ang ginawa nito. She gave her son her blessings by nodding her head in approval. Pagkatapos niyon ay halos walang ingay na pumasok siya sa silid niya. "Oh, daddy. Lagi po akong nagdadasal na sana bumalik kayo sa amin ni mommy..."

"I'm back, I'm back, son. Hindi na tayo magkakahiwalay pa. I love you. Babawi ako, promise." Narinig pa ni Angelu na sabi ni Nick bago niya tuluyang maisara ang pinto.

Loved You Then, Love You StillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon