Part 14

1.7K 89 1
                                    


NAGPANTING ang tainga ni Anj nang makarinig siya ng sipol nang mapadaan sa Fine Arts building. Alam niyang para sa kanya ang nakakabastos na sipol na iyon. Pumihit siya pabalik. Pero agad din siyang napatigil sa gagawing pagsugod sana. Paano, nakita niyang naroon si Nick at kinukuwelyuhan nito ang isang lalaki at inaambaan ng kamao.

"Uulitin mo pa ang pagsitsit kay Angelu?" mariing tanong ni Nick sa lalaking namumutla na sa takot. Maging ang ibang lalaki ay hindi makagalaw. Halatang nai-intimidate sa kabruskuhan ni Nick at sa madilim na mukha. Makisig kasi si Nick, maganda built ng katawan. Hindi tulad ng mga ito.

"H-hindi po. Hindi na. P-pangako," nanginginig ang boses na sagot nito, ang mga palad ay nakaharang sa mukha, takot na madapuan ng nakakuyom na kamao ni Nick.

Si Angelu ay hindi malaman kung ano ang mararamdaman sa oras na iyon. But it was definitely the first time that somebody stood for her. It means a lot.

"Mag-sorry ka," utos pa ni Nick sa seryosong boses. Agad namang nakalapit kay Angelu ang lalaki. "S-sorry, Anj. H-hindi na mauulit," anito bago nagkumahog paalis. Ni hindi siya naka-react.

"All of you, consider it my last warning," mariing sabi ni Nick sa umpukan. "Sino man ang mambastos kay Angelu ay ako ang makakalaban," banta nito bago malalaki ang hakbang na nilapitan siya. Hinawakan nito ang siko niya bago naglakad paalis. Wala siyang nagawa kundi umagapay dito ng lakad dahil makakaladkad siya ng binata.

Napapatingin lang si Anj sa mukha nito. Napansin marahil siya, sinulyapan siya nito. "What?" anito bahagyang nakakunot ang noo. He really looked upset and for some reason it was moving her heart.

"Sinusundan mo ba ako?"

"FYI, doon sa building na 'yon ang klase ko. Nagkataon na palabas na ako ng building ng dumaan ka at sitsitan ka nila. Palalampasin ko ba iyon? Definitely, not." Seryosong sabi nito. Halata ang pagngingitngit sa guwapong mukha at sa matigas na boses.

Lalo siyang napamata sa binata. Madilim ang mukha nito. Halos magsalubong ang dalawang kilay. Mapanganib ang kislap ng mga mata. Tiim ang bagang. Mariin ang pagkakatikom ng bibig.

His concern was touching her heart.

Noticing her stare, nawala ang pagkunot ng noo ng binata. His rigid face softened. Then a smile slowly stretches on his lips. Ngiting nagpasikdo sa puso ni Angelu. "Hindi kita sinusundan ngayon. Though, kapag wala nga akong klase, I admit, tinitingnan kita mula sa malayo."

Natatarantang nagbawi siya ng tingin. Parang mawawala sa kinalalagyan ang puso niya. Sa isang linggo na pangungulit ni Nick, aaminin ni Angelu na tuluyan na siyang nahuhulog sa charms nito. Napakahirap naman kasing balewalain nito. Hindi na niya mapigilan ang kilig niya. Hindi na maawat ang ngiti sa kanyang labi, maging ang pagsungaw ng pangangarap sa kanyang mga mata.

Hanggang sa mahigit ni Angelu ang hininga at bahagyang manlaki ang mga mata nang maramdaman ang palad ni Nick na sumasakop sa palad niya. Natensiyon siya. Ang mga daliri nito ay tumutukso sa mga daliri niya, coaxing her to accept his hand. And if truth be told, naroon sa dibdib niya ang matinding urge na tanggapin ang palad nito at makipag holding hands sa binata.

"A-ano'ng g-ginagawa mo?" natatarantang tanong niya, halos mabulol pa.

Tuluyang hinawakan ni Nick ang palad niya. "Let's go," anito bago hinila siya pasunod.

"H-ha? Nick." Walang nagawa si Angelu kundi ang mapasunod dito. Halos tumakbo sila. And Angelu couldn't mind her sorroundings anymore. "Saan ba tayo pupunta. Nick!"

"Basta," siguradong sagot nito.

Humantong sila sa likod ng isang building. Napaglinga-linga si Angelu. Walang ibang tao. Humihingal na napasandal siya sa pader. Si Nick ay nagbawi din ng hininga.

Kinakabahan si Anj. Dumadagundong sa antisipasyon ang dibdib niya. "P-pupunta na ako sa susunod kong kla—"

Hindi na niya naituloy ang sinasabi nang hawakan ni Nick ang braso niya at muli siyang isandal sa pader. Sa gulat ni Angelu, itinuon ni Nick ang isa nitong palad sa may gilid ng balikat niya habang nakatunghay ito sa kanya. Para siyang ice cream na natutunaw sa mainit na titig nito.

"N-Nick," she murmured. Nakabibingi ang pagragasa ng dugo sa likod ng taynga niya. Parang masisira ang rib cage niya sa lakas ng pagkabog ng puso niya. Iyon ang unang pagkakataon na may pinayagan siyang lalaki na makalapit sa kanya ng ganoon. And, honestly, she didn't feel threatened. Wala siyang maramdaman na panganib. Ang nararamdaman niya ay... excitement at antisipasyon.

"Yesterday, you didn't answer my question. You just walked away. Yes, nasaktan ako at na-disappoint pero hindi ko ikino-consider na sagot ang pagtalikod mo. Kailangang marinig ko mismo sa bibig mo. Now tell me... May pag-asa ba ako sa 'yo, Anj?" mahinang tanong nito. "Tell me honestly."

Hindi makasagot si Angelu. Dahil ang totoo ay gusto rin nga niya si Nick. Inamin na niya iyon sa sarili niya.

Hinawakan ni Nick ang baba niya at dahan-dahang ipinaling pasalubong sa mukha nito. Their eyes met. Hayon na naman ang pag-alon ng sikmura niya. May kung anong kapangyarihan si Nick na kayang magpangatog ng mga tuhod niya. Kaya nitong bulabugin ang mga nananahimik na paru-paro sa kanyang tiyan.

"Anj, I'm not being conceited pero hindi ako sanay manligaw."

"H-hindi naman nakakagulat," sagot niya. Right. Si Nick iyong tipo ng tao na hindi talaga kailangang manligaw para makuha ang babaeng gusto. He had the looks and the undeniable aura.

Nick chuckled. Pagkuwa'y sumeryoso din ito. "Right. So tell me, may pag-asa ba ako sa 'yo?" malumanay nitong tanong.

"Kapag sinabi kong wala, ano ang gagawin mo?" hamon niya.

Lumabas ang singhap sa bibig ng dalaga nang hawakan ni Nick ang palad niya at pagsalikupin ang mga daliri nila. Damn, aamiinin niya masarap sa pakiramdam ang magkaugpong na mga palad nila. Kakaiba ang init ng palad nito. May security at excitement iyong ibinibigay sa kanya. Parang ayaw na niyang bawiin pa ang palad.

"Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko," ani Nick. "Pero hindi ako naniniwalang hindi mo rin ako gusto. I knew it. I can feel it; you like me too."

Nataranta si Angelu nang inilapit ni Nick ang mukha nito sa kanyang mukha. Halos malanghap na niya ang hininga nito. And it was so warm and sweet. Nagiging mabilis si Nick pero hindi niya ito mapaglabanan because the truth is she likes what was happening. "I really want you to be my girlfriend, Anj. Huwag na nating pahirapan pa ang mga sarili natin. Please."

Loved You Then, Love You StillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon