Part 34

2K 95 1
                                    

BAKIT gusto kong mangiti sa sitwasyong ito? I mean, not really about the situation but... Nick subtly sighed. Alam niyang mabigat ang sitwasyong iyon pero hindi talaga niya maintindihan ang sarili kung bakit parang gustong gumuhit ng ngiti sa labi niya habang nakatingin kay Guada—err, sa babae. At kanina, ang tangka sana niyang paghalik rito ay natural, natural na tipong may kung anong nag-uudyok sa kanya na halikan ito. May kung anong puwersa na hindi niya mapangalanan. Attraction, perhaps? Pero bakit pumitlag yata ang puso niya?

The lady was really gorgeous. She was captivating. Sa kabila ng tila umuusok sa galit na aura nito ay maganda talaga ito. Matangos ang ilong. Hugis puso ang mukha. Mabilog ang nagagalit na mga mata, tinernuhan iyon ng well-trimmed na kily. Her lashes were long and thick. At ang labi... it was full and reddish. It looks so luscious and kissable.

"Can we sit and talk like two civilized people?" tanong niya. Hindi talaga niya alam kung papaano ipapaliwanag ang side at intention niya.

Naningkit ang mga mata ng babae. Ang babaeng ina ng kanyang anak. Gustong-gusto niyang itanong kung ano ang pangalan nito. Kaya lang ay siguradong ma-o-offend na naman ito. Fuck. Bakit niya tinakbuhan ang babae? Bakit hindi niya ito pinanangutan? Naduwag ba siya? Natakot? Dahil kung pagbabasehan niya ang reaksiyon niya ngayon sa babae, mukhang nagkapuwang ito sa puso niya.

"Civilized people, Nick?" gagad nito, halatang galit. "Seriously?"

"Honey," awat niya rito. Maging siya ay nagulat sa lumabas sa kanyang labi. It felt so natural to call her that.

She snapped. "Don't call me 'honey'!"

Jeez! What to do with this angry lady? Kung puwede nga lang na ipaloob ito sa kanyang bisig at kalmahin. Itinaas niya ang mga kamay, na parang sumusuko. "Can we talk, please?"

"Ano pa ba ang tawag mo sa ginagawa natin?" muling asik nito, matalim ang mga mata. "Deretsuhin mo ako, bakit ka narito?"

Loved You Then, Love You StillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon