MASANGSANG na amoy ng ammonia ang nagpabalik sa kamalayan ni Angelu. Umungol siya. "Hmm. Hmm...""Anj..." sabi ng boses.
Nagmulat si Angelu ng mga mata. She was disoriented at first, nagtataka kung bakit tila nasa isang ospital siya. Nang bumalik ang lahat ay mabilis na napabalikwas ang dalaga. Tiningnan niya ang nagsalita. It was Tito Nathan. "S-si Nick, si Nick po?" hintakot na tanong niya. Agad namaybay ang mga luha sa kanyang mga mata. Mabilis na bumaba siya ng kinahihigaang hospital bed.
"The doctors were trying their best. They're... reviving him."
Malakas na napasinghap siya. Reviving! Bumalik na naman ang halo-halong damdamin sa dibdib niya. "Nick! Ni—ck!" humahagulhol na pagtawag niya sa pangalan nito habang halos takbuhin niya ang paglabas ng silid na iyon kahit hindi talaga alam kung anong deriksiyon ang tutunguhin. Thank God, Tito Nathan led the way.
I love you, Anj. A-and Paolo... t-tell him I love him. A-and t-that I—I'm s-sorry... I c-couldn't b-be there for— "Hindi, hindi..." pag-iyak niya. Angelu was blaming herself now. Sana ay hindi na lang niya pinayagang lumuwas o mag-drive si Nick dahil sinusumpong ito ng pagsakit ng ulo. Sana sinamahan na lang niya ito. Oh, God. Hindi talaga sila tinalikuran ni Nick pero hindi lang umaayon ang pagkakataon kaya naaksidente ito at hindi na sila maalala. Tapos naaayos na ang lahat ay tila malabo na naman ang bukas. Bakit parang ayaw ng tadhana na maging masaya sila? Bakit hindi sila mabuo? Ano ba ang naging kasalanan niya?
Ang mommy ni Nick na nasa labas ng ICU ay sinalubong si Angelu ng yakap.
"Si Nick po? Si Nick po?" luhaang tanong niya. Bumitiw siya sa ginang at hintakot na sinilip ang ICU sa salaming dingding. Angelu gasped in relief and slight happiness when she saw Nick is still breathing. Lumaban ito, hindi sila tuluyang iniwan. May mga doctor ding umaasikaso dito.
"N-nag-e-stable na ang mga vital signs ni Nick. Salamat sa Diyos," sabi ng ginang. Hinawakan nito ang balikat niya. She sobbed. Hinawakan niya ang salaming dingding, na para bang hinahawakan niya si Nick. "P-pero kailangang isailalim sa operasyon sa ulo si Nick. He had blood clots and..." Bumuga ito ng hangin, pinapayapa ang sarili.
"M-makakaligtas po si Nick," nanginginig ang tinig na sabi niya. "H-he'll make it. F-for us." Nick, laban, ha? Lumaban ka para sa atin. Para sa pamilya natin. Huwag kang bibitiw, Nick. Please...
BINABASA MO ANG
Loved You Then, Love You Still
RomantizmIt was too late nang ma-realize ni Angelu na pinaglalaruan lang siya ni Nicholas. He walked out on her when she needed him most. Lumipas ang mga taon na akala niya ay okay na siya. Hindi pa pala... Dahil nang muling mag-krus ang mga landas nila, she...