Part 7

2K 97 1
                                    

 "ANJ," mahinang pagtawag ni Wena sa kanya. Ang professor nila ay abala sa pagle-lecture sa harap. Doon din nakatuon ang atensiyon ni Angelu.

"Bakit?" tanong niya, sabay baling dito. Bahagyang napataas ang kilay niya nang makitang makahulugan ang pagkakangiti nito. May ipinakita sa kanya si Wena na kapirasong papel bago ipinatong iyon sa kanyang armchair. Curious, ibinaba ni Angelu ang paningin at sinulyapan ang papel. Hi, Beautiful, ang nakasulat roon. "Kanino 'to galing?" Hindi na bago sa kanya ang makatanggap ng love notes at iba pa. Usually, hindi na lang niya pinapansin. Pero ngayon, nasa dibdib niya ang urge na alamin kung kanino galing ang note. Ewan niya pero bakit pakiramdam niya ay alam niya kung kanino galing ang notes. Kasi naman, pakiramdam niya ay nag-iba na naman ang tibok ng puso niya.

"Mula sa likod. Kay Nick. Ipinapasa-pasa hanggang makarating sa 'yo," mahinang sabi nito.

She was right, after all. Hindi niya malaman kung paano niya idi-describe ang nararamdaman sa oras na iyon. Hindi rin niya alam kung paano mag-re-react. Well, she honestly wanted to bite her lower lip.

"Sagutin mo," udyok ni Wena. Ito ang kinikilig, kulang na lang ay mamilipit ang bruha.

"Wena," aniya bago pinanlakihan ito ng mga mata. Sinulyapan niya ang professor. Mukhang hindi naman nito napapansin ang pagbubulungan nila ni Wena.

"Honestly? Bagay kayo."

"Please," pakli niya. "Hindi mo siya kilala. Hindi ko siya kilala." And yet, parang may bahagi ng pagkatao niya ang gustong mangiti sa panunudyong iyon ni Wena. Kanina pa siya nito tinutukso. Paulit-ulit binabanggit na kaya daw natamaan ng suntok si Nick ay dahil na-distract sa beauty niya. Tapos kanina daw ay kakaiba ang tingin ni Nick sa kanya. May something daw. Malagkit daw at nakakakilig. Salamat na lang at hindi nito alam ang nangyari kanina sa park na nilapitan siya ni Nick at sinabihang... "I like you... like man likes a woman." Hanggang ngayon nga ay parang echo pa rin iyon na paulit-ulit na bumabalik sa kanyang tainga. Ang masama ay lalo siyang nagiging aware kay Nick. To think na kanina lang sila nagkakilala. Masyadong mabilis ang lalaki. Iyon ang sigurado niya. Paano, hayon at dumidiskarte na agad ito. Ni hindi nag-aksaya ng oras.

"Ano'ng ginagawa mo?" tanong ni Anj nang hindi siya sagutin ni Wena sa halip ay may isinusulat ito sa papel.

"Sumasagot, ano pa?" nakangisi nitong tugon. "Ayaw mo eh. Di ako na lang."

Bumuka ang bibig niya sa gulat. "Ano? Akin na iyan," aniya sabay agaw sa papel. Ni hindi siya aware na napatayo na pala siya.

"And what is that, Miss Sarmiento?" sabi ng boses ni Mister Castro.

Patay! "Ahm, nothing sir," tugon niya bago patay-malisyang bumalik sa upuan. Mabuti na lang at hindi naman na nag-usyoso pa ang guro.

To Anj's surprise, may iniabot na naman sa kanya si Wena. Isang bulaklak na gawa sa papel.

"Ipinapaabot lang. Next time daw totoong bulaklak na," agad na paliwanag nito nang lakihan niya ng mga mata. "Kunin mo na. Naku, Anj, pinagpala ka talaga sa babaeng lahat. Lahat na lang hook sa beauty mo. Pero sa lahat ng lalaking nanliligaw sa 'yo, itong si Nick ang mamanukin ko. Guwapo, malakas, kayang-kaya kang ipagtanggol. Wala nang magtatangkang mambastos sa 'yo."

Napalunok si Angelu. "Ipabalik mo 'yan," mahinang utos niya.

Ngumuso ito. "Sana kasi ako na lang ang naging ikaw eh."

She snorted. "Hindi mo alam kung ano ang hinihiling mo." Kinuha niya ang bulaklak na papel mula rito bago pasimpleng iniabot iyon sa kaeskuwelang nakaupo sa kanyang likuran. "Pakibalik kay Nick. Pakisabi hindi siya nakakatuwa."

Loved You Then, Love You StillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon