Part 13

1.7K 86 2
                                    

KINABUKASAN. Medyo kinakabahan si Angelu habang papasok sa school. Okay, hindi lang medyo kundi kumakabog talaga ang dibdib niya sa kaba. Bagaman, gusto niyang palakpakan ang sarili dahil hindi naman halata ang kaba sa mukha niya.

"Wala si Nick," ani Wena bago inginuso ang bakanteng upuan ni Nick. Malapit nang magsimula ang klase pero wala pa ito.

"Siyempre napahiya kahapon," sagot niya. Napuno ng guilt ang dibdib niya. "Siguradong hindi 'yon papasok ngayon."

Nanghaba ang nguso ni Wena. "Ang harsh mo nga para gawin iyon kay Nick. Kung hindi ko pa alam na Tulak ng bibig, kabig ng dibdib ka naman."

Napatingin siya sa kaibigan.

"Sus," anito. Hiniaan nito ang boses. "Kilala kita, ano. Alam ko namang gusto mo rin si Nick."

"Hindi ah."

"Sige. Magkaila ka pa. Wala kang ibang lolokohin kundi ang sarili mo," anito. Medyo gigil na sa kanya. "Hayan nga at ang lalaki ng eyebags mo. Siguradong napuyat ka kaiisip kay Nick."

Nang biglang tumahimik ang classroom. Akala niya ay dahil dumating na ang professor nila. Pero pagtingin niya sa pintuan, muntikan nang malaglag ang panga niya sa nakita. Nick was there, standing so kingly. Bagong gupit ito. Preskong-presko ang hitsura. Makapigil-hininga ang ngiting nakaguhit sa labi habang nakatingin sa deriksiyon niya.

Lord, her heart was skipping a beat. Bakit parang lalong gumuguwapo ang binata?

"Hi," pagbuka ng labi nito. Bumuka lang ang labi nito pero pakiramdam niya ay dinala ng hangin ang sinabi nito at ibinulong sa tainga niya.

Ang mga kaklase nila ay tila pigil ang hininga sa kung ano ang susunod na mangyayari, kung ano ang gagawin niya.

Nick started walking towards her. Desimuladong lumunok si Angelu. What should she do now? Kung makaakto ito, mukhang hindi ininda ni Nick ang nangyari kahapon.

Tumigil ang binata sa harap niya bago iniabot sa kanya ang hawak nitong bulaklak. "If you can't accept my heart yet, will you atleast accept this?"

Natagpuan niya ang sariling tinitingnan nang deretso ang mga mata ni Nick. She was enchanted, as always. Dumadagundong ang dibdib niya. Nagwawala ang puso niya. Nang ngumiti uli ito ay gusto niyang mapabuntong-hininga sa pangangarap. Sa totoo lang ay nakakaramdam siya ng saya at kilig. Nick didn't give up on her.

Siniko ni Wena ang braso niya. Kahit hindi niya tingnan ang kaibigan alam niyang ini-encourage siya nito para tanggapin ang mga bulaklak.

And she did accept it. Saka rumihistro sa pandinig niya ang tila kinikilig na pagkakagulo ng klase. Nakaramdam siya ng pag-iinit ng mga pisngi. At hindi niya napigilang mapangiti.

"Yes!" malakas na hiyaw ni Nick. Napasuntok pa ito sa hangin. "Did you guys see her smile?" tanong nito sa mga kaklase. Parang tumama sa lotto ang loko. "She smiled! Did you see it?"

Nagyuko siya ng ulo dahil... dahil lalo siyang napapangiti.

"Uy, kinikilig," tudyo ni Wena.

Kinagat niya ang lower lip niya, pero wala, hindi talaga niya mapigilan ang ngiti niya. O kilig, sabi ni Wena. All right, she was right. Tulak ng bibig kabig ng dibdib nga siya.

Loved You Then, Love You StillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon