Part 29

1.9K 95 1
                                    

SAGLIT na hindi makagalaw si Nick sa nabasa. Pinoproseso niya ang mga impormasyon. "So, the sender— Guada, is claiming na may anak ako sa kanya? At tinakbuhan ko siya?"

Marahang tumango ang mommy niya.

Nick groaned. Hindi niya maipagtanggol ang sarili dahil hindi naman niya maalala ang nakaraan niya. "Are you believing this, 'My? For all we know, baka gawa-gawa lang ang kuwentong ito ng kung sino." Siya ang tinutukoy sa confession dahil may kasamang lumang picture niya iyon.

Saglit na hindi ito makasagot. "P-paano kung totoo? Y-you used to be a playboy."

"Granted that I used to be a playboy, sa palagay ninyo ay magagawa kong talikuran ang anak ko?" Nick cringed at the thought. For some reason ay sumasang-ayon siya kay Guada na hindi pagkakamali ang bawat bata. Oh, hell, 'ranas niya kung paano lumaki na walang ama. Alam niya kung papaano ang buhay ng batang walang nakikilalang ama. Mahirap, laging may kulang. May kung ano sa pagkatao mo na hindi mapunan. Alam niya ang lahat ng iyon kaya bakit niya iyon gugustuhing maranasan ng magiging anak niya?

"Honestly, ako ba iyong tipo noon na tatakbo sa responsibilidad? Y-you think, papayagan kong lumaki ang anak ko na walang ama? Tulad ko?"

"I... I don't know. You used to be a happy go lucky type of guy. Nagbibilang ka ng girlfriends, Nick. A-alam kong... alam kong nagrerebelde ka noon..."

Nahaplos niya ang kanyang panga. Hindi man derektang sinagot ng ina ang kanyang tanong ay mukhang ganoon na rin ang suma niyon. Shit. Parang gusto niyang iumpog ang kanyang ulo sa pader. Baka sakaling sa ganoong paraan ay maalog uli ang utak niya at bumalik na ang kanyang alaala. Mahirap ang kanyang sitwasyon dahil hindi niya alam kung papaano niya dedepensahan ang sarili.

"Alam mo kung papaanong lumaki na walang ama na gumagabay sa iyong tabi, Nick..." nangingislap sa luha ang mga mata ng kanyang ina.

Nick drawled. "Aalamin ko ang totoo."

"Paano mo gagawin iyon?"

"By tracing the sender of the confession." May kaibigan siyang may software company. For sure, he employed many talented programmers. Isang tawag lang dito ay siguradong hindi siya nito mapapahindian. May dalawa siyang option para malaman kung sino ang sender. Una ay i-hack ang page na Hotties para makuha ang original confession na ipinadala. Sa original confession niya malalaman kung saang lugar iyon nagmula. Pangalawa ay ang page na muna ang kailangan niyang malaman kung saang lugar nagmula. They can trace the IP address and its location. Siyempre kapag nalaman na niya ang lugar ay magpapapunta siya ng tao roon. Hihingin ang original confession, and then they'll trace it.

"What if it's true?" tanong pa ng mommy niya.

Mapakla siyang ngumiti. "Mom, I think alam n'yo na kung ano ang gagawin ko." He was somebody else's bastard. Ayaw niyang maulit iyon sa anak niya. "I will take a stand and shoulder my responsibility. Kikilalanin ko siya. Kung sana ay wala akong amnesia..." frustrated na wika niya. "Damn it."

Loved You Then, Love You StillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon