Part 30

2.1K 93 3
                                    

"IKAW BA ang may gawa ng confession na iyon?" agad na tanong ni Angelu kay Wena. Hindi ito umimik. At para sa kanya ay sapat na iyong pag-amin. "Damn, alam mo ba kung ano ang ginawa mo, Wena?" Sa sobrang inis ay hindi na nagpaawat ang mga luha niya at tuloy-tuloy iyong tumulo. Sinusubukan ni Angelu na magbasa ng ilang comments nang makita niya ang copy/pasted na confession. May kasama pang link. Si Wena agad ang naisip niya na may kagagawan niyon. "Bakit mo ginawa iyon?" panunumbat pa niya. God! Pakiramdam niya ay binuhusan siya ng nagyeyelong tubig noong mabasa niya ang isang hate comment na may kaakibat na link.

"Sorry. Nabubwisit na kasi ako na halos sambahin ng mga tao ang putang*nang litrato na iyon ni Nick. Eh, tarantado naman talaga iyon. I was there, remember? Nandoon ako, nakikinig sa isang sulok noong isisisi pa niya sa 'yo ang pagbubuntis mo. I've heard it all. At hindi ako nakapagpigil sa mga komentong nababasa ko. Like fuck!"

"Wena," sumasakit ang ulo na tugon niya. "Dahil sa ginawa mo ay mas kumplikado na ang sitwasyon. That confession was getting viral."

"I know. Tingnan mo, at least naging aware ang mga tao na hindi magandang ehemplo ang Nick na iyon."

Pandalas na umiling siya. "No, no. Hindi mo naiintindihan," naiiyak na tugon niya. "Mas lalo mong pinaliit ang mundo naming tatlo. Baka bukas makalawa ay narito na sila sa resort para kunin ang aking anak. Hindi mo ba iyon naisip?"

"Aba! Aba naman. Eh ang kapal naman talaga niya kung susulpot siya riyan para kunin si Paolo!" gigil nitong sabi. "You know what, Anj? Oras na para harapin ang multo mo. Kung magpakita sila diyan, eh di harapin mo. Kuh, kung nariyan nga lang ako sa Pilipinas ako ang haharap sa kanya. Tandaan mo, wala kang kasalanan. Sinabi mo sa kanyang buntis ka pero parang hinahabol ng multo na umalis siya. Aba, kung pagkatapos noon ay may mukha pa siyang maihaharap sa 'yo ewan na lang."

"Sana'y ganoon lang kadali iyon, Wena," bulalas niya.

Wena sighed. "Siguro kaya gigil na gigil din ako, Anj, kasi sinisisi ko rin ang sarili ko sa kinahinatnan mo. Ipinagtutulakan kita kay Nick noon, remember? May 'Team Nick, Team Nick!' pa akong nalalaman. B'wisit."

"Oh," umiiling siya. "Ano ka ba. Kahit naman ipagtulakan mo ako kung ayaw ko eh wala ka naman magagawa, ano. Huwag mo na ngang sisihin ang sarili mo. Kasalanan ko kasi binalewala ko iyong mga warning bells sa utak ko." Iyong instinct niya na sasaktan lang siya ni Nick sa huli. Kaya anga siya umiwas noon sa binata, 'di ba? Because there was that sense of danger about him. Pero wala eh, hindi niya napaglabanan ang damdamin niya. She fell for his charms. "At saka, hey, kung hindi naman nangyari iyon, wala sana akong Paolo ngayon. Hindi ko ipagpapalit si Paolo kahit kanino."

"Iyon na nga lang. Paolo was a precious child. Wait... Alam mo na ba na anak siya ni Senator Umali? I mean si Nick. Turned out Nick was a son of the late Senator Umali. Anak sa labas."

Bumuka ang labi ni Angelu sa gulat. "What?"

"Oh, it's on the internet now, my dear. Anak siya sa labas. Though hindi naman na malaking issue iyon. Mas pinag-uusapan siya dahil sa looks niya. Nakalkal na ng Netizens pati na ang mga pictures niya with his past girlfriends." Pumalatak si Wena. "And by girlfriends, it includes a known designer, a model, an heir... hay naku, Anj, nakakainis talaga. Tumataas ang BP ko sa kanya."

Napairap si Angelu. "For sure, inisahan rin lang sila ni Nick."

"Malamang!" agad na sang-ayon ni Wena. "Pero alam mo ba kung bakit mas nahuhumaling ang Netizens sa kanya? Because he was a successful businessman, my dear. Narinig mo na ang New Horizon? Iyon ang kumpanya niya."

Tumaas ang kilay niya. "So, Nick is quite a celebrity now?"

"Parang ganoon na nga," dismayadong tugon ni Wena. "So we'll be expecting a lot of TV appearances, interviews, and magazine covers. Eww. Nasaan ang hustisya, Anj? Bakit parang mas pinagpapala ang tarantadong iyon."

"Malay natin, hindi naman pala siya masaya." Oh, how I wish na sana ay ganoon nga ang sitwasyon. Ayaw niyang maging masaya ito. Pero parang ang bitter naman masyado niyon. "Madalas ay ganoon naman, Wena. You can have all the money you want pero hindi ka naman masaya dahil laging may kulang. Sabi nga, you can't have it all."

Loved You Then, Love You StillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon