Part 31

2K 122 2
                                    

OMG! SABI KO na nga ba at parang may kamukha si Your Highness, eh. Tama! Kamukha niya iyong guwapong bata sa resort na pinuntahan namin last summer. I'm telling you, para silang pinagbiyak na bunga!

Iyon ang comment na nagpadali sa sana ay pag-iimbistiga ni Nick. Dahil nakuha na ng buo ng confession na iyon ang isip at atensiyon niya ay agad na pinadalhan niya ng private message ang nag-comment at tinanong kung saan ang resort. Pagkatapos ay nakiusap siya na alisin na nito ang comment. Nangako siya na bibigyan ito ng updates sa mangyayari. Thank God at nakipag-cooperate naman ito.

So Nick was now on his car. Patungong Laguna. The situation was suddenly becoming his main priority. Naisantabi niya ang negosyo at ang mga bagay na dapat ay inaasikaso na niya agad. Matapos mapagbilinan ang sekretarya niya ay agad na siyang lumarga. Hell, ni hindi niya magawang mag-utos na lang ng tao- A private investigator for example - para siyang mag-imbistiga. No, pakiramdam ni Nick ay kailangang siya mismo ang makadiskubre kung totoo o hindi ang confession. May matinding urge sa dibdib niya na hindi niya maipaliwanag. Iyong parang may parte ng kahapon na mabubuksan at hindi siya mapalagay hangga't hindi iyon nalalaman.

Kung sakaling may anak na nga siya ay hindi niya talaga alam kung ano ang gagawin niya. Kung ano ang sasabihin niya. Wala siyang nakahandang plano. Ang sigurado lang siya ay gusto niyang makita mismo ang bata at akuin ang responsibilidad niya rito. Nick wasn't really sure what kind of man he used to be before the accident happened. Dahil mula nang ma-discharge siya sa hospital at ipagpatuloy ang buhay niya kahit na walang naaalala ay masasabi niyang naging responsible naman siyang tao. Ibinuhos niya ang kanyang atensiyon sa pag-aaral. Oh, yes, he had a few relationships, here and there. Pero hindi naman paglalaro ang mga iyon.

God, what have you done, Nicholas? Tanong niya sa sarili. Noong mga unang taon pagkatapos niyang magising na may amnesia ay paulit-ulit niyang nahihiling na sana ay bumalik na rin ang mga alaala niya. Granted his mother supplied all the informations he needed. Pero walang pamilyar sa mga iyon. Hanggang sa ipagpatuloy na nga lang niya ang buhay niya. Pero ngayon, ngayon ay humihiling uli siya na sana ay bumalik pa rin ang alaala niya. Damn! Napakahirap na mapaloob sa isang sitwasyon na hindi mo alam kung ano ang involvement mo roon. Para kang nangangapa sa dilim. 



TINITINGNAN ako ng mga empleyado na para bang nakakakita sila ng multo, iyon ang konklusyon ni Nick habang tinatalunton niya ang reception area ng Puting Buhangin Resort. Sa guard house pa lang ay iba na ang tingin sa kanya ng dalawang guwardiya. Saglit na natulala ang mga ito pagkakita sa kanya, pagkuwa'y nagpalitan pa ng tingin. There was silent communication with those glances. Sumasama ang pakiramdam ni Nick. Para siyang nahihilo na nasusuka.

Sinabi ko sa kanyang buntis ako. He was shocked. He got angry. Sabi ko, 'okay, normal lang na ma-shock siya. Magsi-sink in din sa kanya ang lahat.' Pero tinalikuran lang niya ako. Iyon ang huli kong balita sa kanya. Hindi siya nagpakita sa school kinabukasan.

"Shit!" bulalas niya, patuloy na sumasama ang pakiramdam. Hindi nakakatulong ang tila echo na pag-alingawngaw sa tainga niya ng bahagi ng confession ni Guada. Nakakita siya ng isang puno. Lumapit siya at kumapit roon dahil nagiging malabo na ang kanyang paningin. Ramdam niya nang may lumapit sa kanya.

"Sir," sabi ng pambabaeng boses. Pero kakatawa na ang boses na iyon ay lalo pa yatang nagpaalon sa sikmura niya. May kung ano roon na nagdudulot sa kanya ng uneasiness. Nilingon niya ang pinagmulan ng boses. "Sir, are you ok—"

Hindi na nito natapos ang pagtatanong nang makita siya nito. Her face turned ashened. Halos magkulay papel ang mukha nito dahil sa pamumutla. Bahagya pang nanlaki ang mga mata at nakaawang ang labi. Sa kabila ng mga iyon ay napansin pa rin ni Nick na napakaganda nito.

"Hey, Mom," pagdating pa ng isang panlalaki at pambatang boses. "Ano po ang nangyaya—" tulad ng babae, natigilan din ang bagong dating. Natulala sa pagkakatingin sa kanya.

Siya ay hindi lang basta natigilan pagkakita sa tila pinabatang version niya. Pakiramdam niya ay tinadyakan siya sa sikmura ng sampung kabayo. His visions became hazier. Sumasakit ang ulo niya, para iyong binibiyak. Hanggang sa tuluyang magdilim sa kanya ang lahat.


------------------

Hi, guys. Iwasan po sana ninyong i-comment o banggitin ang pangalan ng website kung saan din naka-upload ang story na ito. Para po walang conflict. Thank you!

Loved You Then, Love You StillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon