Part 23

1.9K 98 1
                                    


HINDI NA RIN naman makapag-concentrate sa tinatrabaho si Angelu. Tumayo siya mula sa kinauupuang swivel chair bago nagpalakad-lakad sa loob ng opisina. Naroong pagsalikupin niya sa tapat ng kanyang dibdib ang mga braso niya habang paroo't parito sa paglalakad. O, 'di kaya ay mamaywang nang mariin, kagat ang labi, nakatingala sa kisame habang palakad-lakad.

Malakas na bumuga ng hangin si Angelu bago muling naupo. Kinuha niya ang laptop niya, ipinatong sa harap, at pinakatitigan ang wallpaper niyon. Mukha iyon ni Paolo. Mukhang taglay din ni Nick. Hindi maipagkakaila ang pagkakahawig ng dalawa. Unang tingin pa lang ay kita na agad ang resemblance. Ang mga mata, ang ilong, ang labi... Maging ang buhok! Hindi niya maitatanggi na tuwing tinitingnan niya si Paolo ay nakikita rin niya si Nick. That bastard.

Dalawang taon na si Paolo nang makapangasawa ang kanyang ina ng isang retired seaman na solo na ring namumuhay. Pag-aari talaga nito ang resort na iyon. Magkasamang namatay ang dalawa dahil inabutan ng bagyo habang nasa yate. That was a year ago. Dahil wala na ring kamag-anak si Uncle Ronie ay sa kanya na naiwan ang resort pati na ang isang bahay sa Cavite.

Napaigtad pa si Angelu nang tumunog ang kanyang telepono. Kinuha niya ang gadget sa drawer niya, nakahinga ng maluwag nang makitang si Wena ang tumatawag. She really needs someone to talk to right now. Isang tao na nauunawaan ang kanyang sitwasyon. At si Wena iyon, her sister from another mother. Ang isa sa mga taong hindi siya iniwan sa pinakamababang parte ng buhay niya. Wena stayed by her side and supported her all the way. Napakasuwerte niya rito. Too bad, sa ibang bansa na ito naninirahan kasama ang asawa nito. Ganoon pa man ay hindi napuputol ang komunikasyon nila. "Wena..."

"Anj, I've checked your Facebook account. Tiningnan ko kung kailan ka huling nag on line. That was almost month ago." Mabilis nitong sabi.

"Oo," aniya. "Alam mo namang wala akong hilig sa mga ganyan. Ikaw nga lang ang gumawa ng account na iyon, 'di ba?"

"How about Pao? Nag-o-on line siya?"

"He's too young for that. Alam niyang ayaw ko na nakakababad siya sa internet at tulad ko wala rin namang hilig si Pao sa mga— teka, ano ba itong pinag-uusapan natin? Ako ang dapat na may sasabihin sa 'yo—"

"Jeez, Anj, he's invading the social networking sites!" maigting nitong sabi.

Kumunot ang noo niya, naguguluhan. "He? Sinong 'he'?"

"Uhm..." nag-alangan si Wena. "... Pao's older version."

Pao's older ver—parang binuhusan ng malamig na tubig si Angelu nang makuha ang ibig sabihin ni Wena. Saglit siyang natulala. She felt like she was caught off guard. Pagkaraan ng maraming taon ngayon na lang uli nabuksan ang topic na may kinalaman sa lalaking iyon.

"Anj?"

Lumunok siya. "D-derektahin mo ako, ano'ng nangyayari?"

"Well, he's been trending on social networking sites. And by 'he' I mean Nicholas Umali... Nick."

Dumaan ang pait sa lalamunan niya pagkarinig sa pangalang iyon. Nakadama din siya ng takot. "T-trending? W-what do you mean trending?"

"Bale ba, may kumakalat na pictures ni Nicholas sa Facebook. Apparently, sumisikat ito dahil sa kaguwapuhan. Nahuhumaling ang mga tao, lalo na ang mga babae at pusong babae sa kaguwapuhan ni Nick sa picture na iyon. Ang resulta, share dito, share doon kaya ayon parang wildfire na kumalat at pinag-uusapan ngayon ang litratong iyon."

Tumaas ang kilay niya. "K-kumakalat ang litrato ni N-Nick sa Facebook? Binibiro mo ba ako?"

"No! Jeez! Andaming Shares, Likes, at Comments ng pictures. Mag online ka, ime-message ko sa 'yo ang link para makita mo."

Nanuyo ang kanyang lalamunan. Even her lips felt dry. Naitukod niya ang kaliwa niyang siko sa mesa sabay sapo ng palad sa kanyang noo. "S-si Pao..."

"That's exactly my concern. Baka makita ni Paolo ang picture. Naku sinasabi ko sa 'yo, Anj, parang pinagbuyak na bunga ang dalawa. Oh, well, do I still need to stress the obvious? They're look alike! Pareho naman nating alam ang bagay na iyan, hindi ba? Lumiliit na ang mundo nila, friend."

Loved You Then, Love You StillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon