Daytime Firefly
Prologue
You were like a shining firefly in the middle of the day…
Nasa may library ako ngayon at nagbabasa ng libro. Dito ako lagi nakatambay tuwing recess at lunch time dahil hindi ako mahilig makihalubilo sa ibang tao.
Yuon ang rason ko dati kung bakit ako lagi nandito pero ngayon iba na ang dahilan…
“Nagintay ka ba?” nagulat ako ng biglang may nagsalita. Hinanap ko kung nasaan ang taong nagsalita at pagkatalikod doon ko siya nakita. Isang lalaki na may malaking ngiti at maamong mata.
“Kakadating ko lang.”
“Hmm…so shall we go?” umoo ako. Hinawakan niya ang kamay ko at nagsimula na kaming maglakad.
Umakyat kami sa isang hagdanan papunta sa second floor ng library. Huminto siya at humarap sa isang book shelf. Inalis niya ang isang libro at doon may nakatagong isang lock. Binuksan niya ito gamit ng kanyang susi.
Tiningan niya muna ng saglit ang lugar para siguraduhing walang taong nakakakita sa amin. Nang nasigurado na niya na walang ibang tao dahan-dahan niyang tinulak ang bookshelf at bumukas ito.
Mabilis kaming pumasok dito.
Sa loob nito ay isang sekretong kwarto kung saan puno ng mga libro na nakalagay sa bookshelf na naka sandal sa pader. Meron ding maliit na bilog na lamesa na may dalawang upuan. Marami ring nakakalat na libro sa lapag pero ang pinaka gusto kong parte ng kwartong ito ay ang bintana. Kapag sumilip ka dito kita mo ang buong labas ng school.
Sisilip na sana ako ng bigla ako hinila ng aking kasama.
“Wait a minute. Uwian ngayon kaya maraming tao sa labas, baka makita ka nila.”
“…Sorry…”
“…” hinawakan niya ang pisngi ko at hinimas ito pero agad rin itong pinisil. “So shall we start your afterschool tutor?”
Umoo ako.
Sabi ng iba nasa akin na ang lahat pero yuon ang akala nila. Ang totoo niyan meron akong isnag bagay na hindi maintindihan at yuon ay ang “pag-ibig”. Sa totoo lang wala akong balak matutong umibig, ang sa akin lang ay makatapos ako ng payapa. Yuon ang akala ko…
Hindi ko aakalaing dadating ang araw na kaylangan ko matutunan ang bagay na ito. Pero ang mas ikinagulat ko ay ang taong magtuturo sa akin nito ay ang…
Teacher ko.
---------------------------
Its here! Since its new year i wanted to take this opportunity to publish my new story. Sana magustuhan niyo. Yung mga nagbasa ng FGSG sana suportahan niyo din to katulad ng pagsuporta niyo doon. :)
Its the start of a new heart breaking story about one girl falling in love for the first time.

BINABASA MO ANG
Daytime Firefly (completed)
RomanceSabi ng iba nasa akin na ang lahat pero yuon ang akala nila. Ang totoo niyan meron akong isang bagay na hindi maintindihan at yuon ay ang "pag-ibig". Sa totoo lang wala akong balak matutong umibig, ang sa akin lang ay makatapos ako ng payapa. Yuon a...