RIRI's POV
"Manager Oh antayin nyo nalang ako dito. "Bilin ko sakanya.
"Sasamahan na kita. "- Manager Oh.
"Hindi na po, saglit lang naman ako sa loob. Tatawagan nalang kita pag nagkaproblema sa loob."- Riri.
Sinuot ko ang sombrero at shade ko para walang makakilala saakin.
"Oh sige. "Pagpayag naman nito. Buti nalang at wala ako naging problema sa pagpapaalam sakanya.
Bumaba na ako ng sasakyan at saka parang normal na tao naglakad papasok ng mall. Mula naman sa entrance ng mall ay nakita ko na ang taong kikitain ko kaya napangiti nalang ako. Kagaya ko ay nakadisguise din ito.
Agad naman ito ngumiti ng makita ako at saka lumapit saakin.
"Hi. "Nakangiting bati nito ng makalapit saakin.
"Hi. "Ganting bati ko rin saka ako ngumiti.
"Kanina ka pa. ?" Tanong ko.
"Hindi naman. Siguro mga 30 mins lang naman ako nag antay dito. "Sagot nito na may himig pa ng pangungunsensya.
"Hala ! Seryuso. ?! "Gulat naman na saad ko. Ngumiti lang din naman ito pagkatapos kinuha nya yung kamay ko at saka ikinawit sa braso nya.
"Halika na, pumasok nalang tayo sa loob. Baka mamaya may makapansin pa saatin dito. "- Sanya.
"Sige. " sagot ko pagkatapos pumasok na nga kami ng mall.
Si Sanya nga ang lihim ko dinidate. Bago pa lang ang relasyon namin kaya takot ako mag out, lalo pa pareho kami celebrities. Lahat ng mata nasa amin. Idagdag mo pa were in same sex relationship na hindi pa gaano tanggap sa lipunan na aming ginagalawan. Hindi lang din iyon, I am not brave enough na ipaalam sa parents ko ang relationship namin dalawa.
High school palang kami magkakilala na kami dalawa. Sa isang dance club kami nagkakilala at doon nagsimula umusbong ang pagkakaibigan namin. As years goes by, mas lalo kami naging close at sa pagiging magbestfriend kami nagsimula. Sa lahat ng bagay sya ang kasama ko. Sa lungkot at saya sya ang nandyan para saakin.
Hanggang sa tumuntong kami ng kolehiyo. Pumasok kami ng pareho school pero magkaiba kami ng kurso kinuha. Ako kumuha ng fine arts at sya naman kumuha ng degree in television and film production. Dahil pangarap nya daw maging director. Malawak nga ang imahinasyon nya sa pagggawa ng mga story.
Ngunit dahil pareho din namin pangarap ang maging Idol. Nang magpa'audition ang bunny para sa next Idol ay nakipagsapalaran na din kami dalawa and luckily isa kami sa sinwerte makapasok.
Hindi ko pa alam noon na may namumuong feelings sya para saakin. Ngunit bago kami lumipad patungo korea para sa training nagconfess sya saakin. Sobrang nabigla ako non, umabot pa sa puntong iniwasan ko sya dahil bigla ako nagkaroon ng awkward na feelings towards her. Hindi ko lang kasi iniexpect na madedevelop sya saakin.
Wala din naman ako naging boyfriend, pero kasi alam ko mali ang magkagustuhan ang dalawang babae. Yun ang iniwasan ko noon na tuluyan mahulog din sakanya, kahit alam ko nagugustuhan ko na rin sya ng mga panahon iyon. Pero dahil sa takot mas pinili ko ipagsawalang bahala nalang ang nararamdaman ko para sakanya. Mas pinili ko ang tamang daan na sinasabi nila.
Matapos nga ang pagconfess nya dumistansya ako sakanya at hinayaan nya ako. Pero mahirap dumistansya sa taong pinipilit mo kalimutan kung parati naman kayo nagkakasama. Pareho kami naging trainee at tumira pa kami sa iisang bubong. Napakahirap para saakin na iwasan sya lalo pa parati ko sya nakikita. Habang pilit ko sya iniiwasan lapit naman sya ng lapit kaya ayon sa huli bumigay na din ako. Wala eh, masyado sya malandi at ako naman ito si marupok.