Chapter 21

8 0 0
                                        

CHAPTER 21

RIRI's POV

"Bye Riri Unnie !" Ani che mula sa loob ng Van.

"Bye ! Ingat kayo. "Kumaway ako sa kanila at ganoon din ang ginawa nila ni Nikki pagkatapos tuluyan na nila sinara ang pinto ng Van at saka umalis. Inantay ko muna makalayo ang sasakyan bago ako tuluyan pumasok ng building ng condo ko.

Isa isa nga kami hinatid ni Manager Bae matapos namin um'attend ng engagement party ni Jennie. Kinailangan  namin umuwi ng maaga dahil bigla sumama ang pakiradam ni Diana. Siguro dahil sa pagod na rin, maghapon kasi kami nagrehearse kanina at hindi pa sya kumain kanina lunch. Kaya siguro nahilo sya.

Matapos ko mag enter ng passcode sa pinto ko ay agad ko iyon binuksan. Nagtaka ako dahil nakabukas na ang ilaw pagpasok ko. Naglakad ako patungo sa Dining room, doon ko naabutan si Sanya naghahanda ng makakain. Napangiti nalang ako ng makita ko sya.

"Sabi ko na nga ba, sya yung nandito. "Sa isip ko. Sya lang naman ang may alam ng passcode nitong unit ko.

"Oh nandito ka na pala. "Nakangiti ani nito ng humarap saakin.

"Sabi ko na nga ba, ikaw nanaman yung pumasok sa bahay ko ng walang pasabi. "

Ngumiti ako pagkatapos lumapit ako sakanya at niyakap ko sya.

"Namiss kita. "Nakanguso ko saad na ikinangiti nya naman.

"Namiss din naman kita, kaya nga ako nandito. "

Napangiti nalang ako at mas lalo ko pa sya niyakap.

"Mukhang pagod na pagod ka ah. Kamusta nga pala ang lakad nyo. ?" Napahiwalay ako sakanya sa pagkakayakap.

"Okay naman, kaya lang sumama yung pakiramdam ni Diana kaya napauwi kami kaagad. "

"Ah ganon. "Patango tango tugon nito. "Pero mainam na rin at umuwi ka ng maaga. Sakto lang ang dating mo, naghahanda na ako ng makakain. Halika, kumain na muna tayo. "

Napatingin ako sa table, may mga nakahain nga pagkain doon. "Ikaw ba yung... nagluto ng mga yan ?"inginuso ko yung mga pagkain.

"Ah hindi ! Inorder ko lang ang mga yan, wala na kasi oras para maipagluto ka. Kararating ko lang din kasi saka nagugutom na rin ako. Late kasi natapos ang recording, tapos dito na ako dumiretso.  "

Napatango na lamang ako.

"Oh halika na, maupo ka na. "Inihigit nya ako ng isang upuan at saka pinaupo. Naupo na rin sya sa tabi ko. Tapos ipinagsandok nya ako ng ramen.

"Mukhang masarap itong ramen. "Ani ko.

"Oo, sa paborito mo ramen house ko ito binili. Naalala ko ng huli tayo tumungo ng mall. Hindi tayo nakakain nito kasi tinopak ka dahil nagselos ka doon sa sales--- aray !" Napapihit ito dahil kinurot ko sya sa tagiliran.

"Bakit ?" Natatawa saad nito. "Hey ! Wag mo na nga banggitin iyon. Tss. "Inirapan ko sya saka Kinuha ko sakanya ang mangkok at ako nalang ang kumuha ng makakain ko.

"Ikaw talaga ang bilis mo maasar. " Pinisil nya yung pisngi na ikinangiwi ko nalang. "Kumain ka na nga lang mahal. "

Napailing na lamang ako saka nagtuloy nalang din kami sa pagkain. Habang kumakain ay nagkikwentuhan kami tungkol sa nangyari saamin ngayon maghapon.

Matapos namin kumain ay iniwan ko muna sya sa kwarto dahil naglinis ako ng katawan. Dito muna sya matutulog ngayon gabi. Pagkalabas ko ng CR ay naabutan ko sya tutok na nanonood ng TV. Napatingin ako sa pinapanood nya at nanlaki ang mata ko dahil nasa intimate scene iyon. Naghuhubad lang naman ang babae at kita na ang b**bs nito.

THE STORY OF USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon